50.The Ring which symbolizes his Love

266 20 8
                                    

"Wow.. Chi.. your so gorgeous.."sabi sakin ni Belle.

Maaga palang ay pinag ayos na ako para sa kasal namin ni Sean.
tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin at napangiti. Napakaganda ng wedding gown na to..

White gown sya na pa-balloon, off-shoulder at may see-through na long sleeves. Ngayon lang ako nakakita ng ganito ka gandang gown at sana sa totoong mundo ay makapagsuot din ako ng ganito.

Ayos na ayos din ang buhok ko na naka princess braid style at nilagyan pa ako ng tiara.

"Para kang prinsesa ate!! Wow lang.. sayang hindi ka makikita ni kuya, crush ka pa naman nya"sambit ni Tin.

"Haha, ikaw talaga tin.. alam na ba ng kuya mo na may boyfriend kana?"bigla naman syang napapout.

"Hindi pa hehe"natawa nalang ako. ano kaya ang magiging reaksyon ni Jae pag nalaman nya ang tungkol kay Tin at Charlie?

Inipit ko sa buhok ko yung hairclip na binigay sakin ni Sean. Lagi kong suot yun at gusto ko pati sa pinakamasayang araw ko ay suot ko parin yun.

Napangiti ako at pinagmasdan ang sarili ko. Aaminin ko, kahit ako nagulat sa sarili ko, mas may igaganda pa pala ako? ^.^

"Chi, nandyan na yung white horse ni Sean.."bigla namang sumulpot si Dre na naka tuxedo, ang gwapo nya lalo.

"Salamat"sabi ko.

"sige una na kami Chi, good luck!"umalis na silang tatlo.

Inasikaso agad ni Sean ang kasal namin, sikreto lang ito.. wala alam ang magulang nya maski sinong mga tao, iilan lang ang may alam.

Hindi ko alam kung saan patungo ito o baka isa na naman sa pagiging selfish nya pero naniniwala ako na tutuparin ni Sean ang pangako nya sakin pagkatapos nito.

Huminga muna ako ng malalim at tsaka lumabas at sumakay kay Pony.

Oo nakakabayo lang ako, ewan ko ba kay Sean.. sabi nya kay Pony nalang ako sumakay.

"Mama!! wow.. ang ganda po nyo!!"

"Shane?"nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Shane, naka pixie-size sya at lumilipad.

"Ako po ang sundo nyo Mama"nakangiti nyang saad.

"Salamat anak.."

"Sumakay po na kayo, dahil hinihintay na nila kayo"

tumungo ako at sumakay na sa kabayo, Hindi ko alam kung saan ang punta ko.. pero nagulat nalang ako ng paambunan ni Shane ng pixie dust ang kabayo.

"Kailangan natin lumipad po para hindi masyado po na mapansin ng mga tao"sabi ni Shane at ngumiti.

napakahawak ako ng unti unting umangat ang kabayo at lumipad kahit wala naman itong pakpak.

"Kapit po mama!"kumapit ako sa tali ni Pony at mabilis syang tumakbo.

Dinala kami ni Shane ng kabayo sa Giant Pixie Forest. Napangiti ako bigla, hindi ko akalaing dito pala gaganapin ang kasal namin.

Narinig ko agad ang isang tugtog na hindi pamilyar pero mapapangiti ka nalang bigla dahil pinaparamdam nito sayo na ngayong araw ay makakaisang dibdib mo na ang taong minamahal mo.

Nakaayos ang lahat, may arkong puno ng dekorasyon kung saan nagsisimula ang pulang carpet papunta sa isang maliit na altar.

Pinuno ng bulaklak ang paligid, dumagdag pa ang mga swiss fairies na palipad lipad sa himpapawid na nagpaganda sa buong paligid.

May iilang upuan din na may disenyo kung saan nakaupo sina Belle, Dre, Tin at Prince Charlie.

Nandoon din si Kuya Lars, ang grupo ni Katy kasama si Eve, Eva at Illia at ang grupo ni Nigel kasama si Justin at Lyndon at syempre ang anak namin ni Sean na si Shane.Naroon din ang isang lalaki na magsisilbi yatang pari.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon