56.Pony, Pies and Ring

389 22 5
                                    


Araw araw na ang practice nina Iñigo sa soccer, malapit na ang unang game nila ngayon taon kaya halos araw araw silang nagp-practice.

Nasa locker ako at nilagay ang ilang modules ko ng marinig ko ang boses ni Sean sa gilid ko.

"Medyo busy ako.." sinilip ko sya pero bigla akong nawalan ng gana ng makitang kasama nya pala si Chelsea. Nakakapit na naman ito sa kanya na parang linta.

"Eh Sean..hindi na tayo nag d-date.." nakanguso nitong sabi.

"Chelsea can you please stop this non sense okay?" boring na sabi ni Sean.

"Eh kasi eh-"

"pumasok kana, it's already time" maawtoridad na utos nya. Si chelsea naman parang tuta kung magpacute.

"okay. bye" humalik sya sa pisngi nito na hindi naman tinanggihan ni Sean.

Agad na kumabog ang puso ko sa biglang kirot na naramdaman ko. N..nagseselos ba ako?

Napasulyap sakin bigla si Sean kaya agad akong nagtago at inilinya ng maayos ang mga libro ko.

Bigla na nga lang bumigat ang nararamdaman ko pagkatapos makita ang eksenang yun.

"hey.." halos mapatalon ako sa gulat ng sumulpot si Sean sa tabi ko. Lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko.

"H..hey.." nauutal kong sabi.

"what are you doing?"

"uhh..inaayos ko lang yung mga gamit ko"

"Hmm.. ang organize mo naman"

"y..yeah, mauuna na ako" agad kong sinara yung pinto at agad na naglakad palayo.

"wait!" hindi ko na nilingon pa si Sean, namalayan ko nalang ang sarili kong dinala ako ng mga paa ko sa cr.

Nagkulong ako sa cubicle at pinunasan ang luhang tumulo sa mata ko.

Hindi pa totally confirm ang conclusion ko pero nasasaktan na ako agad. Pano kung totoong sya nga si Sean? Hindi nya ako maalala at may girlfriend na sya. Paano na ako?

Nagkaroon kami ng dalawang oras na vacant sa last two subject kaya nagpasya akong pumunta sa field mag isa.

Walang ni isang tao kaya naglaro muna ako mag isa sa gilid ng field. Nasaan kaya ang mga players? akala ko ba practice nila ngayon?

"Marunong ka pala mag soccer Chichi!"

"Ay dagang kulot!"

"Aray!!"napatalon ako bigla at nasipa ko sa mukha ni Daryl yung bola.

"s..sorry!!sorry!sorry!!"sabi ko at lumapit sa kanya.

"sorry!? kiss mo to!!"usal nya.

"Aray!!" binatukan ko naman sya ng malakas, grabe rin ang lalaking to eh.

"Bagay yan sayo!"

"mas masakit yun sa bola ah!!"

"eh kasi puro ka kalokohan!"

"lahat nalang ng sinasabi ko puro kalokohan para sayo.."malungkot pero seryoso nyang sabi. Nakaramdam tuloy ako agad ng konsensya.

"Joke lang! haha!!"bigla syang ngumiti ng malaki at nagpeace sign sakin.

"pendong peace may kalbo!"sabi nya at binatukan ako.

Sinamaan ko nalang sya ng tingi.Langya to!!

"lakas mo din mangtrip huh?"inis kong sabi.

"Joke lang! sabi ni Iñigo wag ka daw namin awayin hehe.. anyway marunong ka palang magsoccer, sayang walang pambabaeng soccer dito"

"tinuruan ako ni Iñigo pero hindi pa ako masyadong marunong" sabi ko.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon