58.Chelsea's Revenge

372 23 4
                                    


Hindi ko alam kung bakit kinakabahan akong pumasok sa school ngayon, siguro dahil hindi pa ako handang harapin si Sean about sa nangyari kahapon.

Hindi ko na nga sinabi kay Iñigo yung nangyari, dahil siguradong magagalit lang sya.

Napatingin ako sa phone ko ng tumunog ito.

Ruffie: Chi, wag ka muna pumasok sa school.

Napakunot ang noo ko sa text ni Ruffie, sakto naman tumigil na amg sasakyan dahil nasa school na kami ni Iñigo.

"Ang daming tao sa school ground" takang tanong nya.

"Wala lang yan" sagot ko. Sabay kaming bumaba pero pagtapak ko palang sa simento ay dumoble ata ang kaba sa dibdib ko.

"Oh my god sya yun.."

"maganda naman pala kaso grabe ang ugali"

"napakalandi"

Napatingin ako sa mga babaeng narinig kong nagbubulungan pero bigla silang umiwas at pumasok sa loob. Pati si Iñigo sinamaan din ng tingin yung mga babae.

"Let's go" walang emosyong sabi ni Iñigo. Ngayon lang kami nagsabay sa paglalakad sa school ground. Madalas kasi nauuna ako dahil dumederetso sya sa locker room ng team nila.

Naramdaman ko ang mga matang nakatingi sakin pero kapag tinitignan ko naman sila umiiwas agad sila ng tingin.

"Chichi!! Nagtext ako sayo sabi ko wag ka muna pumasok diba!?" sinalubong ako ni Ruffie. May pag aalala sa mukha nya.

"Nasa school na ako ng mabasa ko yun tsaka bakit naman?" takang tanong ko. Nabaling ang tingin ko sa mga papel na nakadikit sa pader.

At nanlaki ang mata ko ng makita ang picture namin ni Sean na hinalikan ako sa locker room kahapon. 'Look how slut and bitchy she is!!' yan ang caption ng picture.

"Si Chelsea ang may gawa nyan, sya pa ang nagpakalat ng mga picture"

"Magsisisi kang ako ang kinalaban mo!! Magsisisi ka!!"

naalala ko yung sinabi ni Chelsea kahapon. Kung ganon ganito pala ang mangyayari kapag kinalaban sya? Sisiraan nya yung tao?

Hinugot ni Iñigo ang papel at napatingin sakin. Wala syang salitang sinabi pero nakita ko ang pagkagat nya ng labi at mukhang nagagalit sya.

"Marami pa bang nakakalat?" seryosong tanong ni Iñigo.

"Kinuha ko na yung iba at sinunog pero marami yatang stock si Chelsea, hindi ko talaga sya mapigilan sa pagkalat ng mga papel"

Kinuha ni Iñigo ang iba at pinunit punit yun tsaka tinapon sa basurahan.

"Iñigo.. hindi ka naman naniniwala sa caption diba?"napatingin sya sakin habang kinakagat nya ang labi nya sa inis.

"I'm your brother.. ikaw lang ang paniniwalaan ko at isa pa hindi ka nila kilala" ginulo nya ang buhok ko at tumalikod sakin. At least gumaan ang loob ko sa sinabi nya.

"Sumabay kana sa kaibigan mo" utos nya.

"Saan ka pupunta? hindi naman dyan ang room mo"

"Kakausapin ko si Sean" hindi manlang sya lumingon ng sabihin nya yun.

"Ang bait nyang kapatid.." nakapout na sabi ni Ruffie at tinap ang balikat ko.

"Pero Chi.. legit ba yung picture? Mukha kasing hindi talaga edit eh.." curious na tanong niya.

"Oo" mahina kong sabi. Napatakip tuloy sya ng bibig.

"Ibig sabihin... oh my god..." tinignan nya ulit yung kopyang hawak nya.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon