22.Book is not a book?

452 34 5
                                    

"Wait? bakit nandito tayo? sabi mo iuuwi mo ko?"taas kilay kong tanong.

Nakasakay kami sa maganda at ala European na kotse nila Sean tapos si kuya Lars ang nag d-drive.

Nasa harap na kami ng palasyo at nilalandas ang malawak na harap nito.

"Kaya nga, iuuwi kita samin"sabi nya ng hindi manlang tumingin sakin.

Eh!! ano ako!? bagay lang na inuuwi!?Pero kinikilig ako! iuuwi nya daw ako! Hmph! >\\<

"Pano si Churva? hindi pa sya kumakain?"

"I'll take care of him"

Nakababa na kami ni Sean sa kotse at pumasok na sa loob ng palasyo.

Madaling araw palang kaya tulog pa ang mga tao.

"Eh Sean pano si Jae? siguradong binalikan nya ako dun pero wala na pala ako"

"Bayaan mo sya"

"Sean naman eh! kawawa naman yung tao! umasa syang nandun ako!"

"edi pinaasa mo"sabi nya at ngumisi.

"Kung ikaw kaya dyan yung paasahin ha?"taas kilay kong tanong.

"Tsk! okay, i'll take care of it, basta kumain muna tayo"

pumunta kami sa kusina at naghalungkat ng mga pagkain. mabuti at maraming pagkain sa napakalaking ref nila.

Si kuya Lars na ang naghanda ng pagkain namin.

kumain ako ng pasta habang si Sean ay blueberry pie ang nilantakan.

"walang kupas si nanay Lucing! ang sarap nya magluto! Kuya Lars kumain ka!"

nakatayo lang kasi si kuya Lars at nakatingin samin. Alam mo yun? parang nakakaawa sya hehe.

"busog ako Miss Chichi, salamat"sabi nya at ngumiti.

"weh? baka nahihiya ka lang kay Sean? tell me kuya Lars? pinapahirapan ka ba nitong prinsipeng to?"

"What are you saying? stop saying nonsense Chi"nakasimangot si Sean na akala mo natalo sa lotto.

tingnan mo sungit mode na naman sya. =.=

"Hindi Miss Chi, mabait ang prinsipe sakin"Kuya Lars.

"Mabait? hmm.. okay sabi mo eh"

"tch! tama na nga yan, nasa harap mo lang kaya ako"

"wala naman akong sinasabing masama ah?"

naparoll eyes nalang tapos tinapos na namin yung pagkain.

"occupy the room next to me"sabi nya at dumiretso na sa kwarto nya.

hala? iwan daw ba ako?

"Tara na miss Chichi, dito tayo"

Pumasok ako sa kwarto na halos kasing laki ng kwarto ni Sean.
*0* wahh! ang laki! puro white pa! at ang ganda!!

"matulog kana miss chichi, madaling araw na"

"hmm.. di pa talaga ako antok eh, pero sige salamat kuya Lars, pwede mo na akong iwan"sabi ko ng nakangiti.

"Sige"lumabas na sya ng kwarto.

Ako naman ay tumalon sa malambot na kama at nagpagulong gulong.

"Hay!! ang lambot!"

"ang likot mo naman" napatigil ako at napaupo agad sa kama ng makita si Sean na nakatayo sa pinto.

"Hehe, ang lambot eh"

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon