10. A Letter for Her

463 33 5
                                    

Huminto kami ni Sean sa isang maganda at malaking pinto. Sa gara ng pinto nya, naiimagine ko na sobrang ganda ng loob nito.

May dalawang kawal pa at dalawang maid na naka stand by.

Binuksan nya ang pinto at pumasok kami pareho.

And as I expected? Syempre ala royal ang dating ng room nya.

parang pinagsamang bedroom,dining room, at living room to ah, pwede kana tumira sa sobrang laki.

May malaking bintana sa gilid tapos sa tabi nun ay may pinto papuntang terrace. My mini sala din sya at may ilang pinto pa na hindi ko alam kung para saan.

Nasa gitna naman ang king-sized bed nya na may malalaki pang curtain. Sosy~

May nakita din akong study table at mga libro. At sa gilid ay may piano pa.
Marunong sya tumugtog!?

music lover..book lover.. ano pa ba?

"This is your room? Parang isang bahay na to eh"

"Yeah. And I have nothing to do with it's size, sanayan nalang"sabi nya at mahinang tumawa.

Umupo sya sa sofa tsaka nag dekwatro at tumingin sakin.

"So what is it? anong sadya mo?"

umupo naman ako sa harap nyang sofa.

"Alam kong nabobore ka at namimiss mo na sya"

napataas naman ang kilay nya.

"huh? sino?"

"Sino pa edi si Merielle!"

Nakita kong medyo nagblush sya.

Ow??

"t..teka? ano ba talagang gusto mong sabihin?"

Ngumiti naman ako at tumabi sa kanya.

"Alam mo Sean.. alam kong gustong gusto mo ng tumakas para makita ulit si Merielle at nandito ako para tulungan ka" nakangiti kong sabi.

"teka nga? isa na naman ba to sa mga bagay na requirements mo para makauwi?"nakangiwi nyang sabi.

Well, oo at gusto ko na to matapos agad para makauwi na!!

"Sean.. Nandito ako bilang isang kaibigan! gusto lang kitang tulungan!Okay.. let's just say na... I'm helping you with Merielle, kaya itutulay kita sa kanya"

"bakit? and why you're going to help me?"

"kasi..friends tayo diba?"

Tinignan nya ako ng may paghihinala. Grabe hindi ba ako mapagkakatiwalaan??

"Oh c'mon Sean! Tinulungan mo ko nung nakaraan!kaya ngayon... tutulungan din kitang mapalapit kay Merielle"sabi ko in a very convincing way.

Ilang segundo syang nag isip at biglang bumuntong hininga.

"okay.. ano bang gagawin ko?"

Napangiti naman ako.Papayag din pala eh! haha!

"okay since grounded ka at hindi ka makalabas para gumawa ng move...Magsulat ka muna ng loveletter para sa kanya"sabi ko.

"what? I don't know how to write one"

"kaya mo yan! sabihin mo kung anong gusto mong sabihin! express your feelings for her!"

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon