55.The Pie Crave

361 24 6
                                    


Nagising ako ng tanghali dahil sabado. Si Iñigo kasi hanggang ngayon kinukulit ako dahil sa Prince na sinabi ko dun sa canteen. Nagtatampo sya dahil hindi nya daw alam ang tungkol dun kaya ayaw akong patulugin kagabi.

Nag uunat ako habang bumababa sa hagdan, inaantok pa talaga ako. Bwisit kasi si Iñigo.

"Good morning Chichi!!"

"Good morn-" nanlaki ang mata ko at naibaba agad ang kamay ko sa pag uunat ng makita ang ibang ka member ni Iñigo sa team. Si Dylan ang bumati sakin na nakangiti, nandun rin si Ralph, si Jill, Mig, Niel. At si Sean na mahaba parin ang buhok at nakadekwatro.

"A..anong ginagawa nyo dito?" takang tanong ko.

"Haha!! kakatapos lang namin magpractice kaya pumunta kami dito, by the way.. ang cute ng pajama mong pony ang design tsaka yung fluffy slipper mo pero mas cute ka pag bagong gising haha!!" nakangiting sabi ni Dylan.

"s..salamat"nahiya ako sa sinabi ni Dylan at napatingin kay Sean na nakatingin din sakin pero agad syang umiwas.

"Tama na ang pambobola sa kapatid ko Dylan..."Sabi ni Iñigo na kagagaling lang sa kusina.

"Magpalit ka nga ng damit dun!" hinila ako ni Iñigo paakyat ulit sa second floor.

Nakasando at pajama pa kasi ako, malay ko bang may bisita sya?

"Magbihis ka tapos magluto kana ng tanghalian"

"wow ah? grabe ka makautos kuya" sarcastic kong sabi.

"Wala si Lola at kasama nya yung dalawang yaya kaya ikaw ang maghanda huh?" malakas nyang tinap ang ulo ko at ginulo yun.

"Psh!! ano ba!!"

"Dalian mo! Maglalaro lang kami ng video games"inirapan ko nalang sya at nagbihis na nga. Napaka under ko talaga sa kapatid ko, sana kasi nauna nalang syang pinanganak diba!?!?

Pumunta na ako sa kusina para magluto, nadaanan ko pa sila Iñigo na naglalaro sa sala ng video games. Nakita ko naman si Sean na nakaupo lang at may binabasang magazine sa couch, napatingin sya sakin kaya agad akong umiwas at pumasok sa kusina.

Kinakabahan ako pag nakikita ko sya, bakit ba ganun? Dahil ba kamukha nya si Sean??

Napabuntong hininga nalang ako. Namimiss ko na talaga sya..

"Nasaan ang baso nyo?" napatigil ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. Nilingon ko sya at nakita ko si Sean na nakatayo sa harap ko.

"Uhh..nandito.." sabi ko at tinuro yung drawer para sa mga baso.

"Ah thanks.. dati kasi dito namin yan nilalagay" sabi nya at tinuro yung isang cabinet. Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Ano daw??

kumuha sya ng baso at kumuha ng tubig sa dispenser. Hindi ko maiwasang panoorin sya habang umiinom, ang cute din siguro ni Sean kung ganito ang buhok nya. Bagay na bagay sa kanya tapos pagsasayawin ko sya ng k-pop dance.

"May problema ka ba?"

"Ha?" na snap out ako ng magsalita sya bigla, tapos na pala sya uminom ng hindi ko namamalayan.

"Kanina ka pa kasi nakatingin eh" sabi nya.

"Uhh..w..wala! may naalala lang ako" sabi ko at tumalikod na para kunin yung mga ingredients sa ref.

"Okay, saan ko ilalagay to?"tanong nya at pinakita yung baso sakin. Nilingon ko aya saglit at kumuha ulit ng sangkap.

"dyan sa lababo" Dumaan sya sa gilid ko at nilagay ang baso sa sink.

Narinig ko pa ang footstep nya paalis pero bigla syang tumigil.

"Uhh..mahilig ka ba sa pony?" napalingon ako dahil sa tanong nya. Hindi ko nga alam kung bakit bigla akong kinabahan eh.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon