6.Formal meeting

514 39 6
                                    

"Mabuti at wala pa dito sina Ate, namili kasi sila ngayon sa bayan kaya medyo matatagalan sila"sabi ni Ganda at pinaghanda kami ng makakain.

Nasa bahay nya kami ngayon ni Ganda. Nakaupo kami pareho ni Piggy sa sofa at sa kinamalasmalasan ay nakaposas parin kami.

"Bakit? ayaw ba nilang may bisita sa bahay nyo?"tanong ni Piggy.

"Hmm.. hindi naman sa ganun, pero ayaw nila na magkabisita ako"nakangiti nyang sabi.

Huh? ano daw?

Napansin ko ang mga ngiti nya, halatang may kakaiba sa tuwing nababanggit nya ang mga ate nya. Para bang ang lungkot lungkot niya, siguro may issue sila ng ate niya?

"Ako nga pala si Merielle pasensya na kayo kung yan lang ang pagkain"

Merielle? wow.. nice name.

"Ayos lang Merielle, di naman ako masyadong gutom.. ewan ko lang sa katabi ko"saad ko.

"It's okay, di rin ako masyadong gutom"sabi ni Piggy at ngumiti ng maliit. Nginitian din sya ni Merielle.

Nagpasalit salit ang tingin ko sa kanilang dalawa, parehong kumikinang ang mga mata nila kapag nagkakatinginan, sa tuwing nagtatagpo ito parang may pinapahiwatig sila sa isa't isa.

Aba? kanina pa nagngingitian ang dalawang to ah! Mukhang may something smelly and fishy. Hmm..

"Ehem" nag fake cough ako dahilan para makabalik sila pareho sa mundo.

"Oh.. oo nga pala.. yung posas.. wait marami kaming susi dito"

Nilapag nya ang isang box ng susi sa mesa at nilabas lahat ng laman nun.

Sobrang dami nga.

"Parang isang pinto lang ang nakita ko sa bahay nyo, pero ang dami nyong susi" sabi ko.

Medyo natawa si Merielle. Medyo mahinhin pero hindi nakakainis? alam mo yun!?

"Sa papa ko to, collection nya kaso namatay sya ng bata pa ako kaya ako nalang ang nagtago at nangangalaga"

"Ahh.. ang galing naman"nasabi ko nalang.

"Maybe one of these keys may fit the handcuff"sabi ni Piggy.

naghanap kaming tatlo ng pwedeng i-fit dun sa suksukan ng susi, kaso eto namang dalawa naglalaro na at nagtatawanan.

Wow! Close agad sila!?

"Try natin to!"

"it's too big"

"eto kaya?"

"Too big again"

Maraming ng susi ang nasubukan na nila kaso ni isa walang nag fit. Oo, silang dalawa, pano enjoy na enjoy sila kaya hinayaan ko nalang at tumunganga.

Ayoko naman maging istorbo sa kanila lalo na't they are really having a good time. Tsk!

"Ano ba yan.. wala parin.."

"Hoy ikaw! Kanina ka pa nakatunganga! Why don't you try to help?!" sabi ni Piggy sakin. Sinamaan ko sya ng tingin at umirap.

Enjoy na enjoy nga kayo dyan eh! tapos ngayon magagalit ka pa? What the heck!?!?

Gusto ko yan sabihin sa kanya kaso baka sagutin nya rin ako ng mas matindin pa dun

Tumingin ako sa mga susi.. Are they nuts? Eh kita namang maliit lang yang butas tapos tinitry parin nila kahit hindi kasya!? Ano to lokohan!?

Okay kalma lang chichi.. wag kang magalit.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon