23.Kid's War

395 28 10
                                    

Ang laki talaga ng epekto ng mga sinabi sakin ni Book. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang laki ng epekto sakin ng mga sinabi nya.

Hindi ko alam kung saan ako nasaktan. Dun ba sa sinabi nyang pumapapel ako o dun sa part na hindi ako kabilang sa mundong to.

Feeling ko tuloy nadrain lahat ng energies ko.


"150 miro po lahat ma'am"
"thanks.."

kinuha ko yung dog food na binili ko para kay Churva at lumabas na sa market.

hindi parin dumadating sina Belle kaya sigurado na baka ngayon o bukas sila umuwi.

napatigil naman ako sa paglalakad ng makita ang isang babae na nakatingin sa bintana ng isang dress shop.

Actually maganda sya, brown hair at straight na straight ang buhok nya.

hindi ko maiwasang lumapit, pakiramdam ko kasi nakilala ko na sya.

"ang gaganda ng mga damit no?"nagulat sya sa biglaang pagsulpot ko sa tabi nya.

haha! ang cute naman nya. mukhang mas bata sya sakin at mas matangkad lang ako ng konti sa kanya.

"Ikaw?"gulat na tanong nya. napataas naman ako ng kilay.

Kilala nya ako?

"ako?"

"ikaw si Chichi diba!?"nakangiting sabi nya.

"uhh..magkakilala pala tayo?"
hindi ko alam na magkakilala kami! haha!

"uhh.. hindi naman, tulog ka kasi nun.. ako si Aubrey Kristine, tintin nalang for short,kapatid ni kuya Jaeward"nakipagshakehands sya sakin.

"ahh..ikaw pala si tintin! nabanggit ka nga sakin ni Jae"

"oo, teka? okay kana ba? sinabi kasi ni kuya na bigla ka daw nawala sa bahay nyo?"

"oo, nakaramdam kasi ulit ako ng hilo nun at nagkataong nandun si Sean at dinala ako sa hospital"

hanggang ngayon hindi ko parin nakakausap si Jaeward. gusto ko sanang mag sorry dahil hindi lo manlang nasabi sa kanya yung nangyari sakin.

"uhh..ganun ba, kaya pala parang hindi na nag alala pa si kuya"

"nasaan na nga pala ang kuya mo?"

"nasa bahay, alam mo na? dahil sa nanay namin"

"Pakisabi sa kuya mo na pasensya na dahil naabala ko pa sya at hindi manlang ako nagpaalam na naipadala na ako sa hospital, tsaka salamat sa tulong nya"

"naku, wala yun kay kuya, sanay syang tumulong! at... feeling ko naman hindi mo sya naabala"

"naku..sana nga hindi, oo nga pala.. Sana minsan maimbitahan ko kayo ng kuya mo para sa lunch, gusto kong magpasalamat sa inyong dalawa"

"naku! wala yun! sige, sabihan mo lang ako kahit kailan, pano? mauuna na ako ha?nautusan lang kasi ako hehe"

"sige bye!"

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon