Chapter 001: Bloody Knife

6.2K 211 341
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

~~
Nagmamadaling sumakay si Kai sa elevator ng ito'y nagbukas dahil siya ay 30 minutes late na para sa first period, which is English pa naman na favorite subject niya.

"5th floor lang po ako, Guard." Wika niya sa gwardiyang nagkokontrola sa elevator na sinasakyan niya.

At tumango lang ang gwardiya sa kanya.

Habang umaandar ang elevator patungo sa 5th floor kung saan ang classroom niya. Napansin niya na ang kanyang katabi sa elevator na nakasuot nang black hoodie ay may suot na ID ng kanilang school. Napatitig si Kai sa misteryosong taong katabi niya kasi di niya makita kung ano ang itsura nito dahil nakatakip ang hoodie nito sa kanyang mukha.

Titig na titig parin siya nito at napansin niya na hinawakan nito ng maagi ang kanyang bag na parang may tinatago.

"Ano kaya laman sa kanyang bag?" Natanong niya sa kanyang isipan na parang hindi niya na napapansin na nasa 5th floor na pala siya at tinatawag na siya ng guard para bumaba na sa elevator.

"Hoy!" Sinorpresa siya ng guard habang tinapik ang kanyang balikat.

"Ay anak ng tiyanak!" Napagulat si Kai habang namalayan na niya na nasa 5th floor na siya.

"Anong anak ng tiyanak ka diyan?! Anyway, Kanina pa kita tinatawag bata, Pero parang nagbibingi bingihan ka eh!" Sambit ng guard sa kanya.

"Pasensiya na po at salamat!" Sabi niya habang nagmamadaling lumabas sa elevator.

Pagkalabas niya sa elevator, Tumakbo agad siya ng mabilis patungo sa kanyang classroom.

Ng palapit na siya ng palapit sa classroom, Dun nakita niya ang kanilang English Teacher na si "Miss Donna" na busy sa pagdidiscuss sa harapan.

"Pasensiya po late ako!" Wika niya sabay yuko ng kanyang ulo at tila nadistorbo niya ang pagleleksiyon ng kanyang guro.

"You're 30 mins late!" Sabi ni Miss Donna. "Saan ka ba galing? Ba't ka ba late?" Tanong niya nito.

"Traffic po kasi, Miss eh. Sorry po." Wika niya habang tiningnan sa mukha ang kanilang guro.

"Anong traffic? May dorm na nga kayo tapos may traffic pa?! Anong klaseng rason yan?! Pakita nga ng ID mo." Wika ng guro na nais makita ang kanyang ID.

"Heto po..." Wika niya ng mahinhin sabay pakita ng kanyang ID.

"Last warning mo na eto, Llaneta! Maliwanag ba?" Pakompirma ng guro.

"Opo, Miss.." Tumango lang siya.

"Sige, Umupo ka na sa upuan mo." Utos ng kanyang guro habang bumalik ang konsetrasyon nito sa pagleleksiyon.

Ng umupo si Kai sa kanyang upuan, Guminhawa siya ng malalim na parang may dala na kaba at saya.

"Ba't ka naman kasi nagpalate?" Pahinang tanong ni Andy na katabi niya.

"Eh, Traffic nga eh. Marami kasing naglalakad sa daanan eh." Sabi niya.

"Uii makinig kayo, Mamaya na kayo mag usap, Baka mapagalitan pa tayo ni Miss niyan!" Pabulong na sabi ni Jane na katabi ni Andy.

Biglang napatango lang ang dalawa at nakinig na sa leksiyon ng kanilang guro.

~~~~~~~After First Period~~~~~~~

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now