Chapter 041: Ripped

812 49 21
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

WARNING!!!!!!!!!! THIS CHAPTER CONTAINS SPG, SO PLEASE BE OPEN MINDED!! BAWAL TO SA MGA BATA!

Andy's POV

Unti unti kong iminulat ang aking mata at nilibot ko ang aking tingin. Nasa isang madilim na kwarto ako na tanging ang isang ilaw lang na nasa kisame ang nagbibigay liwanag. Pinilit ko sanang tumayo pero ako'y nakatali sa isang upuan.

"Bakit ako nakatali?" Pagtataka ko habang nagpupumiglas pa ako na makawala sa pagkakatali.

"May tao ba diyan?" May narinig akong isang pamilyar na boses at paglingon ko sa aking gilid ay si Jane pala. Nakatali din siya sa upuan at naka blindfold din ang mga mata niya.

"Jane!" Pagtawag ko sa kanyang pangalan at palingon lingon pa siya. "Si Andy to, Jane!" Dagdag ko pa.

"Andy? Andy ikaw ba yan? Nasaan ka?"

"Andito lang ako sa gilid mo. At katulad mo, Nakatali din ako."

Pagkarinig niya nun ay napabuntong hininga siya. Pero at the same time ay para siyang umiiyak dahil nagsimula na siyang maghagulhol.

"Andy, Mamamatay na ba tayo? Ayoko pang mamatay..." Malakas ang hagulhol niya pagkasabi nun. "Tayo na ba ang isusunod? Anong gagawin natin?"

Gustuhin ko man siyang sagutin pero wala akong alam na sagot sa kanyang katanungan dahil mismo ako walang ideya kung ano ang mangyayari sa amin ngayon. Ni takot ay wala ako pero medyo lang akong kinakabahan.

"Buti at gising na kayo!" May pumalakpak sa madilim na parte ng kwarto at nagsimulang maglakad papalapit sa amin.

"Sinong nandiyan?" Napatanong si Jane at nilingon lingon pa niya ang kanyang ulo na para bang hinahanap niya ang taong naglalakad palapit sa amin kahit naka blindfold siya.

"Ako lang naman ang kaklase niyo." Namukhaan ko kaagad ang lalaking naglakad palapit nung naliwanagan na ang mukha niya sa ilaw at ngumisi pa siya ng nakakaloko.

Nanlaki naman ang mata ko. Siya ang gumagawa ng lahat ng ito? Siya ang Class Murderer? Pero bakit? Sobra ang pagtitiwala namin sa kanya pero siya lang pala ang gumagawa ng lahat ng ito sa amin?

"I-Ikaw?!" Bungad ko pa sa kanya at tiningnan ko pa siya ng masama. "Bakit mo to' ginagawa? Sobra ang pagtitiwala namin sayo, Pero ikaw lang pala ang gumagawa ng lahat ng to'?!" Nalakasan ko siya ng boses. Grabe! Hindi ako makapaniwala dahil siya lang pala ang gumagawa ng lahat ng 'to sa amin? Di ko maiintindihan kung bakit niya to nagawa? Hindi naman kami close dalawa pero bakit niya to gagawin sa amin?

"Oh, Bakit parang nagulat ka, Andy?" May isang babaeng tumayo sa gilid niya.

"Pati ikaw?!" Nanlaki ang mata ko dahil pati siya kasabwat? Bakit? Ba't ba nila ginagawa ang lahat ng mga to? Hindi ko na maintindihan.

"Andy, Anong nangyayari? Andiyan na ba yung Class Murderer? Please wag mo kaming patayin... Please lang..." Narinig kong pagmamakaawa pa ni Jane habang patuloy pa rin siyang palingon lingon sa kanyang paligid.

Kung makikita niya lang kung sino ang nasa harapan namin ngayon, Sigurado ako na magugulat din siya. Dalawa sa mga taong sobra naming pinagkakatiwalaan pero sila lang pala ang pumapatay at gumagawa sa lahat ng mga patayan.

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now