Chapter 037: Stolen Kiss

797 53 59
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

~~
Annie's POV

Nandito kami ngayon sa loob ng Principal's office nagtipon tipon kasama ang mga kaklase ko at ang mga school staffs. Nandito rin sina Miss Aede at si Nurse Yolei.

Maya-maya pa'y pumasok na si Principal Saviour dito sa loob ng office kasama si Detective Harrison. Ano bang gagawin namin dito? Nagtataka nga ako kung bakit pati ang mga school staffs eh andito rin sila.

"11P1 students." Tawag ni Principal Saviour sa aming lahat sabay upo sa kanyang upuan na pinagkrus pa ang kanyang mga daliri at napalingon naman kaming lahat sa kanya. "I know na grabe na ang nangyayari sa section niyo. Sobra sobra na. In short, It's getting worse! Kaya ko kayo pinapunta dito ay para tapusin na ang lahat na nangyayari sa class niyo." Paliwanag pa niya sa amin habang tinitignan niya kami ng seryoso.

"Tapusin, Sir?!" Rinig kong sambit pa ni Cool na pabagsak ang tono ng kanyang boses. "Ngayon pa talaga ha?! Ngayon pa na marami na ang namatay naming mga kaklase?! Eh bakit hindi niyo pa to ginawa nung una?! Siguro gusto niyo HO kaming ipapatay lahat no!?!?" Dagdag pa niya na para na talaga siyang sumigaw sa pagkalakas ng tono ng boses niya. Medyo wala na ring respeto ang tono niya kaya pinigilan siya ng iba naming mga kaklase.

"ENOUGH!!" Sumigaw ng malakas si Principal Saviour at hinampas niya ang kanyang mesa ng malakas gamit ang kanyang mga kamay. "Hindi sana aabot sa ganito kung hindi niyo tinatago na sikreto ang lahat ng mga nangyayari sa klase niyo!"

May point naman ang sinabi ni Principal Saviour. Kung hindi pa nagpapakaleader si Ryle na ang Mayor namin na itago ang lahat ng ito bilang isang sikreto, Sana ay may pag-asa pang hindi mamatay yung mga kaklase naming mga namatay. Pero dahil gusto niya na itago lang sa section namin, Kaya ayun naging worse lahat! Ba't pa ba siya naging mayor namin kung hindi niya naman napagtagumpayan ang kanyang pagka Mayor! Pfft!

Napayuko lang kaming lahat sa aming ulo at hindi nalang kami nagsalita sa sinabi ni Principal Saviour, Dahil alam naman namin na babalik lang naman sa amin ang mga salitang bibitawan namin sa kanya.

"Kaya kung sino man sa isa sa inyo ang pumapatay sa mga kaklase niyo, Please step forward para matapos na ang lahat ng ito!"

Utos niya pero wala ni isa sa amin ang nag step forward. Sino naman kasi ang tanga na mag step forward at aminin sa lahat na siya ang pumapatay sa mga kaklase namin? Diba wala? Tanga lang?

Nagsitinginan lang kaming lahat sa iba't ibang direksyon na parang tinatanong namin sa aming mga utak kung sino ba ang mag step forward? Pero wala talaga.

"Sir?" Agad namang naghands up si Sarah. Ano na naman ba ang gagawin ng babaeng to? Ba't ba siya naghands up? Siya ba ang pumapatay?

"Ano yun?" Tanong sa kanya ni Principal Saviour na itinaas pa nito ang isa niyang kilay.

"Kung may gusto kayong malaman, You should ask, Kai! Siya lang makakasagot nito! In fact, Siya naman talaga ang gumagawa ng lahat ng ito eh! So if someone needs to step forward then it should be Kai, not us!"

Paliwanag pa niya na nasa pagtataray na tono. Leche talaga tong babaeng to! Nambibintang na naman! Bakit palagi niya sinisisi ang lahat kay Kai? Eh wala naman siyang malakas na ebidensiya kung na si Kai nga gumagawa ng lahat ng ito eh! Sumusobra na talaga tong Sarah na to! Gusto ko na nga siyang kalbuhin ulit eh, Pero pinipigilan ko yung sarili ko.

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now