Chapter 049: It's Almost The End

844 38 22
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

Jaymee's POV

I skipped class. Ayoko kasing makita ang mga kaklase ko. Masisira lang ang araw ko sa t'wing nakikita ko silang lahat na mga nakangiti, nagtatawanan, nagbibiruan at nagkakatuwaan. I just can't take it seeing their annoying smiles everyday. Wala naman sanang nakakatawa pero bakit palagi silang tawa ng tawa?

Umakyat nalang ako papunta sa rooftop para naman marefresh yung ulo ko dahil sa galit ko sa mga kaklase ko. Wala naman talagang isang katanggap tanggap na rason kung bakit ako galit sa kanila. Hindi ko lang talaga kayang tiisin ang makita silang nakangiti habang ako ay nababasag na sa kaloob looban.

Palibhasa, Mga manhid lang talaga sila para hindi mapansin ang mga mata ko na kailangan ko rin sila. Kailangan ko ng kaibigan.

Oo, Pangiti ngiti ako sa labas dahil inaaliw ko ang sarili ko sa pagguguhit ng mga OC ko sa aking sketchpad. Pero sa totoo lang, Basag na ako sa loob. Sobrang namamatay na ako sa kaloob looban ko.

Pansamantala kong tinignan ang Class Picture namin kung saan lahat kami ay masiglang nakangiti. Pero bwesit! Peke lang tong ngiti ko na ipinapakita sa loob na larawan na to! Leche! Lahat na talaga yata ng galit ko sa mundo ay nasa kanila. Kung pwede lang lahat sila mawala!

"Wahhhh!!!" I roared loudly in frustration. Sigaw lang ako ng sigaw na pilit pang ginusot gusot ang larawan. Wala naman kasing nakakarinig sa akin dito sa rooftop kaya isisigaw ko nalang lahat.

"Mga gago kayo! Akala ko mga kaibigan ko kayo! Pero bakit hindi niyo maramdaman ang sakit na nararamdaman ko sa aking kaloob looban?! Bwesit kayo!!"  Patuloy ko pa rin sa pagsisigaw.

~~

"Ang tagal naman nilang gumising! Nababagot na ako! Gusto ko ng makitang nagtatalsikan ang mga dugo nila!" Reklamo pa ni Claire na kinakamot pa ang kanyang ulo. Kahit kailan talaga hindi siya marunong maghintay at kumalma.

"Just wait, Claire. The final game will start later once they're all awake." Sabi ko pa sa kanya na nilalaro pa ang kutsilyong hawak ko ngayon sa kamay ko. Agad naman siyang tumigil sa pagrereklamo at napasandal nalang sa pader.

Walang makapagsalita ni isa sa kanila kanina at nanatiling nakatingin lang sa akin. Siguro ay hindi sila makapaniwala kung sino ang taong nakatayo sa harapan nila kanina. I'm sure they're all surprised.

Dahil wala namang nagsalita sa isa sa kanila ay pinausukan ko nalang ang buong library ng pampatulog na usok habang sinuot ko ang aking gas mask. Nawalan naman silang lahat ng malay at kaya dinala ko sila rito sa rooftop at isa isang tinali sa upuan.

Naramdaman ko nalang ang mga pag ungol nila na naging hudyat na gising na silang lahat.

"Ano to?! Bakit ako nakatali?!" Pagpupumiglas pa ni Art sa upuan. Hindi naman siya makakatakas eh dahil sa sobrang pagkakatali ko sa lubid sa kanya. Mauubos lang enerhiya niya.

"Help! Help!" Sigaw naman ni Sarah na umiiyak pa. Kahit kailan sobrang hina pa rin ng babaeng to kahit na maldita siya.

"Jaymee, Bakit mo to ginagawa?." Nabaling ko ang atensyon ko kay Kai ng magsalita siya. "May kasalanan ba kami, sayo?" Ngumisi lang ako sa kanya at dahan dahang lumapit na marahang hinawakan pa ang baba niya.

Class Murderer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon