Chapter 020: Curiousity Kills

991 62 15
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

Kai's POV

"May isa na namang namatay..." Bulong ko sa aking sarili habang tinitignan ang lahat ng mga clues na nakuha ko na nakalapag sa aking mesa.

Ang video camera ng Class Murderer, Ang Red notebook ni Jordan na may nakasulat na 303 na number, Ang susi na ibinigay sa akin ni Aries at ang Mga picture ng mga classmates kong mga 13 Sinners daw.

Napakunot noo nalang ako dahil wala akong maisip na ni isang ideya kung ano ang ibig sabihin ng mga clues na ito. Wala talagang pumapasok sa utak ko kung sino ang posible na Class Murderer, Pero ginagawa ko ang lahat para lang malutas ko to bago pa niya kaming patayin lahat. Alam kong hindi lang ang 13 Sinners ang target niya, Pati kami.. Ako..

Nag ring ang phone ko na ringtone ko pag may tumatawag sa akin at agad ko namang kinuha ang phone ko sa bulsa ng aking backpack para tignan kung sino ang tumatawag. Baka importante..

"Calling: Jenny......

Answer Call or End Call"

Si Jenny pala ang tumawag? Bakit? Ano ba kailangan niya at tinawagan niya ako sa mga oras na ito? Akala ko ba'y nasa kanila siya ngayon?

"Hello, Jenny?" Sinagot ko ang tawag.

"Hello, Kai? Pwede ba kitang makausap ngayon?" Bungad niya.

"Eh, Nag-uusap na nga tayo eh!" Natawa ako ng kunti.

"Hindi, Ibig kong sabihin, Gusto kitang makausap ngayon in person. May sasabihin lang ako sa'yo. Importante to! Punta ka dito sa Dorm's Cafeteria! Bilisan mo!" Dagdag niya pa na halatang seryoso ang tono sa kanyang boses.

"Teka! Akala ko ba nasa inyo-" At bago ko pa man natapos ang sasabihin ko ay agad na niyang pinutol ang tawag. Ano bang sasabihin niya?

Wala mang kaalam alam kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin ay agad kong tinago ang mga clues sa ilalim ng kama ko at dali-daling lumabas ng aking dorm room kahit naka pantulog pa ako na attire.

Ang dilim na sa linalakaran kong hallway patungo sa cafeteria ng dorm namin. Natutulog na kasi ang lahat ng estudyante kaya in-off na lahat ng ilaw dito sa hallway. Pero ang pinagtataka ko, Bakit ngayon pa kami mag-uusap? Pwede namang bukas! And really? 12:00 midnight na kasi eh, Diba sarado na ang cafeteria sa mga oras na yun?

Kinakabahan ako. Pero seryoso kasi ang tunog ng kanyang boses kanina sa phone eh nung tumatawag siya. Kaya kahit na nanginginig sa takot ay naglakas loob pa rin akong puntahan si Jenny. Baka importante talaga ang sasabihin niya.

Nakarating na ako sa harapan ng pinto ng cafeteria, Pagkabukas ko sa pinto ay ang dilim sa loob ng cafeteria. Obviously! Eh, Tulog na nga ang mga kasera dito eh lol haha! Tanging ang liwanag lang ng buwan na nag rereflect sa salamin ng mga bintana ang natatanging ilaw.

Pumasok ako sa loob at may nakita akong isang anino na nakaupo sa isang upuan sa loob ng cafeteria sa may sulok. "Jenny?" Tawag ko sa kanya.

Pinuntahan ko siya at tinapik ang kanyang balikat. "Jenny, Ano ba pag-uusapan natin? Jenny?" Paulit-ulit kong tanong sa kanya.

Nakatalikod na upo pa rin siya sa akin at di lumingon. "Jenny? Ano ba? Bakit ba? Ano bang pag-uusapan natin?!" Napalakas ng kunti ang tunog ko at humarap ako sa kanya at biglang nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now