Chapter 022: Down The Stairs

1K 62 150
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

Cool's POV

"Sabi ko na nga ba eh! Si Kai talaga ang may gawa nito lahat!" Inis na inis kong pinagsusuntok ang pader. "Papakahero pa para sa lahat, Pero siya lang pala ang gumawa ng lahat ng ito! Ang putang yon! Di siya tao! Isa siyang demonyo!"

"Huminahon ka, Cool! Di pa naman natin alam kung totoo nga na si Kai ang may gawa nito lahat eh!" Pakalma daw sa akin ni Ricky, Pero imbis na pakalmahin ako ay uminit ng sobra ang ulo ko.

"Hindi pa ba sapat yun sa inyo ang nakita niyo kagabi?!" Suhestiyon ko na napalakas ang aking boses. Kainis talaga! "Malinaw nga na si Kai talaga ang Class Murderer! Sigurado na ako!" At agad kong binulsa ang aking mga kamay sa magkabilang bulsa ng pants ko at agad na naglakad palayo para makapaghangin sa aking mainit na ulo. Bakit pa ba naging Cool ang pangalan ko kung maiinitin ang ulo ko? Fck!

Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kagabi, Alam ko namang walang kasalanan si Kai at alam ko namang hindi siya ang Class Murderer, Pero ang mga nakita ko kagabi ang nagpapatunay na siya nga ang Class Murderer!

Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Jilly na patungo ng campus. Matagal ko na rin siyang hindi nakikita dahil sa palagi siyang absent dahil sa kanyang sakit na palaging nilalagnat.

"Uyy Jilly!" Tawag ko sa kanya at inakbayan pa siya na biglang nagpalamig ng aking ulo at nawala ang pagkamainitin.

"Cool?" Nagulat siya pagkaakbay ko sa kanya. "Bakit mo ko inaakbayan?" Napakunot nalang siya na tumingin sa akin.

"Wala lang! Miss na kasi kita! Kaytagal mo kayang hindi pumasok, Saan ka ba galing? Di pa ba nawawala ang lagnat mo? Nag worry kaya ako sayo!" Binahaan ko siya ng mga matatamis na salita at biglang napalitan ang ekspresyon ng kanyang mukha. Parang nandidiri.

"Ew! Kadiri mo!" Sambit pa niya na tinanggal pa niya ang kamay kong nakaakbay sa kanya. Natatawa nalang ako sa kanyang pagka boyish. Cute nya kasi eh. "Kung matagal tagal man akong hindi pumasok, Wala ka nang paki don! Wag kang matsismoso, Di ka gwapo!" At nagmamadali siyang naglakad patungo campus ng naiinis.

Natawa lang ako dito sa kinatatayuan ko habang tinitignan siyang naglakad palayo. Tanging siya na nga lang ang nagpapasaya sa akin. Ang nagpapawala ng init sa ulo ko!

Pero, Bigla ko na namang naisip si Kai, Ang natatanging taong nagpapainit na naman ng ulo ko. Hindi pa tayo tapos, Gago!

Jaymee's POV

Maaga akong nakarating sa campus namin at ako pa ang unang estudyante sa classroom namin. May gagawin kasi akong project ngayon sa filipino subject namin kaya napaaga ako ng dating.

Inihanda ko na ang aking mga kagamitan para sa paggawa ko ng aking project sa teacher's table. Hindi kasi ako nakagawa kagabi dahil sa mga nangyari.

Dahil nga sa mga nangyari, Hindi ako nakatulog ng maayos. Paulit ulit ko kasi yung inisip kahit na sinabihan na kami ni Mayor na kalimutan na muna ang mga nangyari. Pero hindi ganun kadali eh! Nabaon na sa utak ko ang mga nangyari.

"Pero hindi pa rin ako naniniwala na si Kai ang Class Murderer! Kilala ko kaya siya, At alam kong hindi niya iyon magagawa!" Nasabi ko sa aking sarili habang nilalagay ang mga design sa aking project. Inayos ko muna ang salamin sa aking mata at nagmamadaling tapusin ang project ko para di ako mag panic mamaya.

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now