Chapter 045: Where the key will take me?

751 49 81
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

Kai's POV

Habang papalipas ng papalipas ang araw ay papalapit ng papalapit din ang araw ng final exams namin, which is the day na kung saan magtatapos na ang lahat ng patayan sa class namin kagaya ng sinabi ng Class Murderer sa message niya sa bawat isa sa amin. One week na din ang lumipas nung namatay si Annie dito mismo sa classroom namin. Walang gustong magsalita tungkol sa mga nangyari. Trauma pa siguro sila.

Kakabalik ko lang dito sa dorm ko galing sa mahabang araw ng pagrereview namin sa school dahil kunting araw nalang at final exams na namin. Napagod ako kung kaya't dali dali akong napahiga sa aking higaan.

Habang hawak-hawak ko ang aking cellphone ay cli-nik ko naman agad ang messenger app ko at chinek kung nagchat sa akin si Sharmaine.

"Wala?" Disappoint na bulong ko sa aking sarili. Nasanay kasi ako na may natatanggap akong chat na galing sa kanya twing nakakabalik ako sa dorm. Busy ata siya?

Dahil wala naman siyang chat ay unti-unti ko nalang na ipinikit ang mga mata ko. Hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

~~

Madilim ang buong paligid ko at kahit na saan ko man ilibot ang mga paningin ko ay wala akong makita na kahit kunting liwanag. Sobrang baho din ng amoy na nasisinghot ko na para bang amoy patay na kung ano mang hayop kaya tinakpan ko ang aking ilong gamit ang kamay ko.

"Nasaan ako?" Pagtatakang tanong ko sa aking sarili.

Naramdaman ko nalang na may isang kamay na tumapik sa aking balikat at paglingon ko ay bigla nalang akong napasigaw sa takot ng bumukas ng kunti ang ilaw at nakita ko ang katawan ni Bea na walang ulo na hawak hawak pa ang balikat ko gamit ang kaliwa niyang kamay.

Halos mapasigaw ako sa takot dahil nung inilibot ko ang aking tingin sa buong paligid ay nakapalibot ang mga bangkay ng patay naming mga kaklase. Saan ba ako? Nanaginip lang ba ako?

Hanggang sa napansin ko na may bumukas ng pinto at iniluwal nito ang isang nakahood na tao. Teka? Siya yung taong nakahood na nakasabay ko noon sa elevator at siya din yung taong nagbigay sa akin ng sobre na naglalaman ng mga 13 sinners.

May hawak siyang isang kutsilyo sa kanyang kanang kamay at tumabo ng mabilis palapit sa akin na tinutok pa sa direksyon ko ang kutsilyo. Sisigaw sana ako pero kahit anong gawin ko ay walang lumalabas na boses sa bibig ko. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata, Para handang maramdaman ang pagdiin ng kutsilyo sa kung saang bahagi ng katawan ko man niya isaksak.

~~

Hingal na hingal akong bumangon sa aking higaan. Sobrang dami ng pawis ko nang hawakan ko ang aking noo. Ngayon ko lang napagtanto na nanaginip lang pala ako all the time kanina. Pero bakit parang may hindi tama? Na parang totoo lahat ng nakita ko sa panaginip ko? Sobra na naman akong kinakabahan kakaisip sa mga maraming tanong na naghahari sa isipan ko.

Pansamantalang tinitignan ko ang mga clues na inilapag ko sa itaas ng aking study table at nakuha naman ang atensyon ko sa susi na ibinigay sa akin ni Aries noong buhay pa siya.

"Gamit ang susing binigay ko sayo, Marami kang matutuklasan na mga bagay na di dapat makita ng mga mata mo, Kai!"

Naalala ko muli ang huli niyang sinabi sa akin pagkabigay niya nitong susi sa akin noon. Pero ano bang ibig sabihin niya na marami akong matutuklasan na mga bagay na di ko dapat makita? Sobrang gulo! Ni hindi man lang niya inexplain further kung ano ang ibig niyang sabihin.

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now