Chapter 048: Class Murderer

914 37 38
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

Third Person's POV

Takbo lang ng takbo sina Sarah na nakakapit pa sa kamay ni Cool palayo sa kanilang classroom. Hindi na nila inisip ang mga mangyayari kung di ang makatakas lang palayo sa Class Murderer na humahabol sa kanila.

Pumasok naman silang dalawa sa loob ng Library at dali daling nagtago sa ilalim ng mga mesa. Pinatay nila ang ilaw sa loob ng Library para hindi malaman ng Class Murderer kung saan silang dalawa nagtatago.

"Cool, Wala ka bang napapansin?" Hingal na hingal na bulong ni Sarah na nanginginig pa ang boses niya ng dahil sa takot na namumuno sa boong katawan niya ngayon. Napakunot noo lang naman na tinignan siya ni Cool.

"Napapansin na ano?"

"Look, Hindi ka ba nagtataka na parang walang ibang mga tao dito sa campus natin kung di ang tayo lang na nagtatake ng final exams natin? Isn't it weird? Diba dapat merong ibang mga estudyante ang nagtatake din ng mga finals nila? Pero bakit parang ang class lang natin ang may final exams while yung iba ay hindi. At lahat ng mga students at teachers ay wala." Nagtatakang paliwanag pa ni Sarah na hininaan pa ang kanyang boses sa pagsasalita dahil ayaw niyang baka marinig ng Class Murderer ang boses niya.

"Now that you've mention it." Biglang napatigil si Cool sa pagsasalita ng may marinig siyang mga yabag ng mga paa na papasok sa library. Ngayon lang niya napagtanto na nakalimutan niya palang ilock ang pintoan ng library.

Papalapit ng papalapit ang mga yabag ng mga paa kung saan silang dalawa nagtatago.

Walang ibang magawa si Sarah ng mapaluha nalang dahil sa takot at kaba sa mga posibleng mangyari. Tinakpan naman ni Cool ang bibig ni Sarah upang hindi ito makagawa ng ingay sa kanyang pag iyak. Parang mga tambol ang mga puso nila na ngayo'y tumitibok ng sobrang malakas ng dahil sa takot ng tumigil ang mga paa sa paglalakad sa harap ng mesang tinataguan nila.

Nagulat nalang sila ng bumagsak sa sahig ang isang lalaking pamilyar sa kanila na sumusuka pa ng dugo dahil may saksak pa ito sa may bandang dibdib niya ng ilang beses. Agad naman silang lumabas sa pinagtataguan nila at tinulungan ang nag aagaw buhay nilang kaklase.

"T-Tumakbo na kayo...." Ang huling nasabi ng binata bago siya mawalan ng hininga na itinuro pa ang kanyang hintuturo sa likod nina Sarah at Cool.

Carlos' POV

Bakit walang ibang tao? Paulit ulit na tanong ko sa isip ko habang patuloy pa rin ako sa pagtatakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero ang gusto ko lang ay makalayo sa classroom namin.

Nagtataka na nga ako dahil kahit saan ako dadaan sa pagtatakbo ko upang manghingi ng tulong ay wala akong ibang makitang mga estudyante o mga boses man nila na nag uusap. Nakakabinging katahimikan lang ang naghahari sa boong campus namin. Ano bang nangyayari?

Tumakbo naman ako papasok sa Science laboratory namin para magtago. Hingal na hingal at pilit ko pang hinahabol ang aking hininga ng makapasok ako sa loob ng lab at bahagyang umupo na hinawakan pa ang mga tuhod ko.

Napakadilim dito sa loob ng Science Laboratory namin kaya ito ang napili kong pagtaguan dahil sigurado akong hindi ako mahuhuli ng Class Murderer dito.

Nagtungo naman ako sa likod ng isa sa mga cabinet na nasa lab para matago ko ng  maayos ang sarili ko. Para akong isang bata nakaupo sa likod ng cabinet dahil nakayakap pa ako sa mga tuhod ko. Kahit na nakakasigurado akong hindi ako matagpuan ng Class Murderer dito sa lab ay nanginginig pa rin ang buong katawan ko sa takot at kaba. Baka kasi kahit anong segundo baka mamatay na ako nito.

Class Murderer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon