Chapter 009: Red Notebook

1.2K 80 80
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

~~
Jilly's POV

Sumilip ako ng kaunti sa bintana ng dorm room ko at kitang-kita ko kung paano hampasin ng dos por dos na stick ang ulo ni Jordan sa isang nakamaskarang tao. Natakot ako sa nakita kong mga pangyayari, Lalo na nung' bumagsak sa lupa ang nakahandusay na katawan ni Jordan. Alam kong nawalan lang siya ng malay, Pero dumudugo yung ulo niya dahil sa lakas na pagkahampas ng dos por dos.

"How I love to do this everyday!" Rinig ko na sinabi iyon ng nakamaskarang tao na tumawa pa ng sobrang malakas. Nakakatakot ang tunog ng boses niyang tumatawa.

Gusto ko na talaga sanang tumakbo palabas sa dorm room ko upang manghingi ng tulong pero hindi ko magawa, Dahil yung mga paa ko, Hindi sila gumagalaw na para bang nakapako na sila dahil sa takot na nadarama ko.

Habang patuloy pa rin akong nakasilip dito sa likod ng kurtina ng bintana ko, Nakita kong binubuhat ng nakamaskarang tao si Jordan palabas sa gate ng dorms. Di ko alam kong saan niya dadalhin si Jordan, Pero alalang alala ako. Gusto ko na sanang lumabas pero natatakot akong baka bumalik yung nakamaskara at ako na naman ang hampasin niya ng dos por dos. Pero sa pagkakakita ko, Iniwanan niya ang dos por dos kung saan nagkawala ng malay si Jordan, Kung saan ang dugo ni Jordan... Teka... May naiwan pa ding isang bagay dun.... Isang notebook?...

Agad-agad akong bumaba sa dorm ko na nasa 3rd floor papunta sa ground floor. Minamasdan ko muna sa glass door kung nandiyan pa yung nakamaskarang tao, Nilibot ko ang paningin ko at sigurado na ako na wala na talaga yung taong nakamaskara dahil di ko na siya nakita.

Lumabas ako at dali-dali kong kinuha ang pulang notebook na nakahandusay sa daan. Binuksan ko ito, At nakita ko ang pangalan ni Jordan sa first page ng notebook.

"Jordan Kilokilo."

Binasa ko. Sa kanya pala to? At pagbukas ko sa ibang pages ng notebook ay wala namang kakaiba kung di puro mga letterings at drawings niya. Parang normal lang siya kung tawagin man. Tiningnan ko din ang dos por dos na hinampas kay Jordan kanina na nakahandusay din sa daan. Balak ko sanang kunin ito, Pero di ko nalang itinuloy kasi baki mapagbintangan ako sa pamamagitan ng pagcheck ng handprints nito.

Iniwan ko nalang na nakahandusay don ang Dos por dos na stick at tanging ang pulang notebook lang ang dinala ko pabalik sa dorm room ko.

Nag ring bigla yung phone ko at may isang mensahe akong natanggap galing kay Mama.

"Anak, Okay ka na ba diyan? Wala na ba ang lagnat mo? Bibisitahin ka namin diyan ng Papa mo bukas ng hapon para pumunta sa hospital at magpacheck-up."

Hindi man makita na nag-aalala siya, Pero ramdam ko na sobra talaga siyang nag-alala sa akin. Absent kasi ako ng one week dahil sa lagnat ko. Well, Okay na naman ako, Pero nahihilo pa rin ako sa t'wing naglalakad papunta sa campus. Hinahanap na din ako ng adviser namin na si "Miss Aede" dahil hindi ako nakapagbigay ng excuse letter o rason man lang sa kanya kung bakit absent ako.

Umupo ako sa kama ko na dala dala pa rin ang notebook sa kamay ko. Singpula talaga ng dugo ang kulay nito pero maganda naman siya.

Ng dahil sa lagnat ko, Di ko na alam ang nangyayari sa classroom namin ngayon, Pero ang tangi kong alam ay patay na si Bea ng dahil sa isang Class Murderer na kaklase lang namin. Pero wala pang nakakaalam kung sino. Kaya nga nung nakita ko yung nakasmakarang tao na humampas kay Jordan gamit ang Dos por dos ay nanginginig ako sa takot eh. Dahil baka yun ang Class Murderer?

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now