Chapter 046: Goodbye, Kai

787 45 49
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

Class Murderer's POV

Papalapit ng papalapit na ang final exams namin and I'm sure that it will be bloody because all of them will bathe in their own red blood. Sisiguraduhin ko na sa araw na iyon ay mamamatay lahat at walang mabubuhay. Kunting tiis nalang at matatapos na din ang larong sinimulan namin haha. Pero bago pa man matapos tung larong to ay kailangan ko muna pigilan ang taong sigurado ako na gagawin ang lahat para sirain lahat ng mga plano ko. Si Kai. Alam kong hindi magtatagal ay unti unti na niyang malalaman ang mga sagot sa iniwan kong mga tanong sa class namin. Pero papayagan ko ba yun? Of course hindi no!

"Gising na ba siya?"Tanong ni Claire sa akin sa kabilang linya ng telepono.

"Hindi pa. Mukhang matatagalan pa bago bumalik ang malay niya." Sagot ko naman sa kanya na walang emosyong tinitigan lang si Kai na nakatali ang buong katawan niya sa upuan na may takip pang duct tape sa bibig niya.

"Ba't ang tagal gumising ng bwesit na yan?!" Rinig kong sigaw niya sa kabilang linya na halatang naiinis na dahil parang 2 hours na yung nakakalipas at hindi pa rin to nagkamalay si Kai. Ganun ba kalakas ang bakal na hinampas ni Claire sa likod ng ulo niya kanina para mawalan siya ng malay?

"Anyway, Sabihan mo ako kung magigising na siya ha? I just can't wait! Marami pa akong ginagawa dito!" At naputol na ng tuluyan yung tawag. She really don't have any patience huh? That Claire? Well, Whatever, Atleast I can trust her.

Tinignan ko lang ang mala inosenteng mukha ni Kai na walang malay na nakayuko ang ulo. Pfft! If I know, Kahit meron siyang inosenteng mukha, May tinatago naman siyang kasamaan sa kaloob looban niya! Wala ng inosenteng tao sa mundong ito, Lahat hindi na makakapagkatiwalaan except for Claire dahil naging loyal kami sa isa't isa at hanggang ngayon ay kakampi pa rin kami para patayin lahat ng mga nagkasala at lahat ng mga asungot na aaligid aligid sa paligid namin.

Kinuha ko naman ang phone ko sa aking bulsa at kinunan ng picture si Kai sa sitwasyon niya ngayon. Grabe! Who would have thought na ang nagpapakahero para sa lahat ay siya na ang isusunod na mawalan ng buhay? Kawawang Kai haha! I can't wait to see his blood squirting right out from different parts of his body.

Naglog in ako sa Anonymous Messenger account ko at agad na sinend ang picture ni Kai sa GC ng section namin. I'm sure they will all be surprised haha. I can't wait to see their reactions.

Sunod-sunod na chat ang lahat ng mga kaklase namin na OA ang mga reactions nila. Haha lol parang hindi pa sila nasanay na makakita ng mga pictures na ganito. Agad naman akong nag log out sa Anonymous messenger account ko at nag log in sa original account ko. Hirap na. Baka mabisto nila na ako ang nagsend nun haha.

Nilapitan ko na lang ang walang malay na si Kai at kinuha ang susi na nakasabit pa rin sa ID niya ngayon. Hindi ko talaga aakalain na mahahanap niya ang kwarto na ito gamit ang susi na ito bilang clue. Oo, Inaamin ko na nabibiliban ako sa kanya, Pero may kasabihan naman tayo na kung sino yung may hawak sa mga sagot ay kailangang sagupain. At ganun din si Kai. Kunti nalang at mabubuo na niya ang bawat sagot sa mga tanong kaya hanggang maaga pa ay kailangan na siyang mawala. Para wala ng nakaka-annoying na asungot na gagambala at pipigil sa mga plano namin. Sayang dahil wala ng mapagbibintangan ng mga kaklase namin para hindi ako mabisto nila at si Kai pa rin ang suspect nila. Pero kailangan na niyang mamatay!

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now