Chapter 035: Dead Bodies

834 55 156
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

~~~~~

Art's POV

Habang suot suot ko ang Saviour Soccer Uniform ko ay napaaga ako sa pagpasok sa school dahil may early morning practice pa kami ng team ko sa soccer.

Pagkadating ko sa campus gym ng school namin ay agad ko namang nadatnan ang iba kong mga teammates na nagpapractice na ng kani-kanila lang habang hinihintay ang Coach namin na si Coach Ronnie na dumating.

"Uyy bro!" Tawag ng isa kong ka teammate at agad naman akong napalingon sa kanya. "Tara laro tayo!" Pag-anyaya pa niya sa akin at tumango nalang ako sa ulo ko.

Habang kami ay naglalaro ay agad na nawala ng balanse yung katawan ko na nagdulot ng pagsubsob ng mukha ko sa lupa dahil nadapa ako.

"Bro, Okay ka lang?" Paninigurado ng isa ko pang ka teammate habang tinutulungan akong tumayo.

"O-Oo, Okay lang ako." Sagot ko sa kanya na kinamot ko pa ang ulo ko at pinilit pa ang ngumiti.

"Guys, Break muna tayo! Tutal, Wala pa naman si Coach Ronnie eh!" Utos ng isa ko pang ka teammate at umaproba nalang ako at ang ibang teammates ko sa sinabi niya at nagpahinga muna kami ng ilang sandali.

"Art?" Rinig kong may tumawag sa pangalan ko habang nakatalikod ako at paglingon ko ay si George lang pala na taga 11P2. Bestfriend ni Ken. Ngayon ko lang napagtanto na teammate ko rin pala siya sa soccer.

"Oh, George. Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Ba't ba sunod sunod na ang patayan ng mga kaklase mo? Ano ba talagang nangyayari?" Bigla nalang tumibok ng malakas ang puso ko sa kaba dahil sa tanong na narinig ko sa kanya.

"E-Ewan ko... S-Siguro coincidence lang lahat.. Di ko alam.." Nagkakandautal pa ako sa pagsagot ko sa kanya na pinilit ko pang ngumiti.

Biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha at naging blanko ito pagkarinig niya sa sagot ko sa kanya. Ano bang nangyayari sa kanya? Ba't tinanong niya yun?

"Coincidence, Art?" Panimula niya na napakunot noo pa. "Sa tingin mo, Coincidence lang ang lahat? Sunod-sunod na ang patayan ng mga kaklase niyo at Coincidence lang? Takte naman oh! Maniniwala sana ako na coincidence lang ang lahat kung isa lang yung namatay na mga kaklase niyo, Pero marami na eh! Coincidence pa ba yun?!" Sambit pa niya na nag eecho na ang kanyang boses sa loob ng gym.

Putang to! Ako pa yung sinasambitan niya ng mga salita to! Aba, Eh yung mga magulang ko nga hindi pa ako nasigawan eh, Siya pa ang uuna? Aba'y hindi ko palalampasin to!

"Ano bang problema mo, George?!" Sigaw ko sabay tulak sa kanya ng malakas na nagdulot ng pagkatumba niya sa sahig.

"Tang'na! Wag mo kong matulak tulak, Art! Tinatanong lang kita!" Sigaw niya pabalik sa akin at agad naman siyang tumayo sa pagkakatumba niya na sinugod pa ako at agad niya akong kwinelyuhan.

"Kung may gusto kang malaman, Edi tanungin mo yung putang inang bestfriend mong si Ken! Wag mo kong tanungin kasi pati ako gulong gulo na sa mga nangyayari, Dadagdag ka pang gago ka?!" Patuloy na pagmumura ko sa kanya at tinulak ko na naman siya sa pangalawang pagkakataon at nabitawan niya ako. At nang dahil dun, Naging isang malaking gulo. Nag suntukan kaming dalawa. At siyempre, Hindi naman ako papatalo sa mga gagong katulad niya! Kung hindi lang niya ako sinambit sambitan, Hindi sana magkakaganito! Tang'na talagang puta!

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now