Chapter 008: Video and Sins

1.2K 89 15
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

~~
Kai's POV

Ikinonek namin sa USB chord ang Video Camera patungo sa laptop ni Jaymee at doon nakita namin ang isang file na nagngangalang "11P1 sins". Nagtaka kami kung bakit may sins na nakalagay. Ano kaya ang ibig sabihin nun'? Natatakot at nanginginig man ay cli-nick nalang ni Jaymee ang file gamit ang mousepad at doon nakita niya ang isang Video na may nakalagay na "Jordan".

"Bakit nakalagay ang pangalan ni Jordan?" Tanong na narinig ko kay Aya na nagtataka.

"I-play mo na, Jaymee! Para malaman na natin kung ano ang Video na yan!" Pautos na sabi ni Cool kay Jaymee.

Kitang-kita ko na nanginginig ang mga kamay ni Jaymee na para bang hindi niya kayang i-click ang nasabing Video file. "Ako na lang, Jaymee!" Sabi ko habang tumango lang ang ulo niya at umalis siya sa kanyang kinauupuan at ako ang pumwesto. Takot man ay hindi ko ito minalayan at cli-nick ko nalang ang Video.

Ang ibang kaklase ko ay nasa likod ko pumwesto at kagaya ko, lahat sila nag-aabang din kung ano ang lilitaw sa video. Nagsimula nang mag play ang video at bigla kaming nabigla sa nakita namin na nagdulot sa paglaki ng aming mga mata.

"Si.... Si..... Jordan, ba yan?...." Natatakot na sabi ni Rain na tinakpan niya ang kanyang bibig dahil sa hindi siya makapaniwala sa nakita namin sa video.

Si Jordan.... Nasa isang madilim na lugar siya at nakatali ang buo niyang katawan sa isang upuan. Saan ba siya naroroon? May kinalaman ba ang Class Murderer nito sa kanya? Bakit siya nakatali?

"Sa lahat ng makakapanood sa videong ito, Sana ay wag kayong mandiri sa akin.... May aaminin ako sa inyo.... May nagawa akong hindi tama, Nagkasala ako."

Nagulat kaming lahat sa sinabi niya na may nagawa siyang hindi tama at nagkasala siya. Pero ano yun? Oo, Alam kong bully si Jordan, Pero mabait naman siya at kaya niyang magpatawad kahit sila ang nagkaroon ng mali at hindi siya. Pero di ako mapakali sa mga sinabi niya at patuloy na nanood ako sa video.

Nagpatuloy siyang nagsalita sa Video at kitang-kita na nahihirapan na talaga siya sa pagsasalita. Nakita ko ring dahan-dahan na tumulo ang mga luha niya sa kanyang mata.

~~

Inamin niya lahat sa Video, Tungkol sa nangyari sa kanya at ng kanyang pinsan, Di kami makapaniwala sa nagawa niya. Halos lahat ay nakanganga pagkarinig sa inamin niyang kasalanan na nagawa niya.

"Hindi ko alam na ganun pala siya..?"

"Oo nga eh.. Buti nalang at hindi tayo nabiktima niya.."

Narinig ko ang mga simula ng bulong bulongan ng mga kaklase naming mga babae na tila'y nandidiri na kay Jordan na nasa video. Nanganganib na nga ang buhay niya, Nakuha pa nilang mag bulong-bulongan. Mabuti na nga at sinabi niya sa totoo ang mga nangyari sa kanya, Pero di talaga pwede ang lahat ng nagawa niya... Hindi talaga...

At doon, Nung patuloy kaming nanood sa video ay dun nakita namin kung paano sinunog si Jordan ng isang nakamaskarang tao. Di namin makita kong sino siya dahil sa maskara niyang nakakatakot.

Nagsigawan ang iba sa nakita nila at ang iba naman ay napatakip mata sa takot na para bang di nila kayang panoorin ang nasusunog na si Jordan na nasa video.

Di namin nakita na sumigaw si Jordan, At napapikit mata lang siya hangga't siya ay masunog na ng tuluyan at naging abo na. Napatulo ang mga luha ko na kanina pa namumuo sa aking mga mata. Gusto ko na sanang i-off ang video ng biglang nagsalita ang nakamaskarang tao na tumatawa lang sa background ng video habang pinagmamasdan niya si Jordan na nasusunog.

"Oh, Ano? Nagustuhan niyo ba ang pinanood niyo?" Pasimula niya na nasa tonong pambibiro. "O di kaya'y nabitin kayo? Dahil kung ganun, Wag kayong mag-alala dahil marami pa kayong aabangan sa mga susunod na mga yugto! At sisiguraduhin kong lalo niyo pang magugustohan ang mga susunod na palabas! Ihanda niyo nang aminin ang mga nagawa niyong mali" At pagkatapos sa huling salitang sinabi niya ay natapos na ang Video.

"Ayaw ko pang mamatay!" Wika ng umiiyak na si Illie habang nakayakap siya sa maginoo na si Cristopher na halos mabasa na ang kanyang uniporme dahil sa mga luha ni Illie. "Ayaw kong matulad kay Jordan!" Pagpapatuloy pa niya na umiiyak pa rin sa dibdib ni Cristopher.

Pinatahan naman ito ni Cristopher na dahan dahang dampiin ang likod ni Illie. Alam ko ang nararamdaman ni Illie, Gusto ko ring umiyak. Pero gusto kong magpakatatag. Ayaw kong magpakahina. Gusto kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Jordan. Pero paano ko mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay nila Bea at Jordan kung ni isang Clue na pwede akong mapalapit sa Class Murderer ay wala ako.

Kitang kita ang pagtingala ng mga kaklase ko habang bumalik sila sa mga upuan nila ng walang imik at parang lahat sila nanginginig sa napanood namimg video. Pati si Jaymee na gusto na niyang ibalik ang laptop niya sa kanyang bag ay di niya magawa na para bang naging estatwa siya.

"Guys...." Tawag ko sa kanila pero kahit isa man lang sa kanila ay hindi kumibo. Kahit na si Andy na ang pinaka YOLO sa classroom namin ay hindi rin nakapagsalita dahil sa takot.

Di ko alam gagawin ko...? Bakit pa ba to nangyayari sa Class namin?... Bakit pa nagkaganito?...

Ryle's POV

"Guys..." Rinig ko ang pagtawag ni Kai sa amin, Pero walang kumibo ni isa sa amin. Siguro nanginginig pa sila sa takot ng matapos nilang panoorin ang video kung saan nasunog si Jordan. Oo, Aamin ko na natakot din ako sa napanood ko, Nanlaki nga yung mga mata ko kanina habang nakita ko si Jordan na nag-aapoy na ang kanyang buong katawan. Di ako makapaniwala... Patay na talaga si Jordan?

Di na talaga kapani-paniwala tong nangyayari sa amin ngayon... Parang impyerno na... Each and every day binabantayan ko nasa paligid ko dahil baka ako na naman ang isusunod ng pamisteryosong Class Murderer na yan! Sino pa ba kasi yan?!

Napaupo ako sa aking armchair at kinuha nalang ang Filipino book ko at magkunwaring nagbabasa pero hindi naman talaga.

Ano ba tong ginagawa ko? Dapat ako ang Class Mayor! Dapat lutasin ko ang mga nangyayari ngayon! Pero parang Okay na si Kai sa kanyang ginagawa, So, Okay lang naman din siguro na pabayaan nalang namin siya. Isa pa, Parang kaya niya na to!

~~"Ihanda niyo nang aminin ang mga nagawa niyong mali!"~~

Naalala ko tuloy ang sinabi ng nakamaskara na tao na sinabi sa video na paniniwala ko ay ang Class Murderer. Sa mga katagang iyon ay bigla kong naalala ang nangyari noon... Isang pangyayari na di ko talaga makakalimutan... Isang pangyayari na aking sinisisihan, Pero nararapat lang ang ginawa ko sa kanya....

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Paano ba malulutas ni Kai ang mga nakakakilabot na mga pangyayari?

Makakahanap kaya siya ng Clue?"

~~

Haystt.. Anyway, If you love or like this chapter, Please don't forget to vote to support the author.
        -Hikari ♡

Class Murderer (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat