Chapter 011: Behind The Bloody Knife

1.2K 75 25
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

~~

Class Murderer's POV

Ihinagis ko ang matalim na kutsilyo sa lupa at tumalikod na ako at naglakad papuntang dorm room ko. Wala namang nakakita sa akin. So okay lang! Kahit na may makakita pa ay malalampasan ko pa rin sila, Ninja kaya ako!

"Sigurado ka bang kaya niyang patayin si Bea?" Tanong niya sa akin habang ako'y umupo sa sofa na like a boss.

"Of course naman! Siguradong-sigurado ako! Alam ko kaya lahat ng sikreto nila, At alam ko rin ang mga panlaban sa mga kahinaan nila!" Sambit ko sa kanya na napangiti ako bigla. Isang mademonyong ngiti. "At isa pa, Di rin magtatagal, Mamamatay din yung Jenny na yun! Kung papatayin niya si Bea, Edi magkakasala din siya, So lahat ng magkasala ay dapat patayin! May koneksiyon man o wala! Kailangan nilang mawala!" Napangisi ako ng bigla habang sinasabi ko ang mga niyon sa kanya.

"Dapat lang! Kailangan na talagang mamatay ng lahat ng nagkasala!" Suporta niya sa sinabi ko. Hindi ba niya alam na ginagamit ko lang siya? Sobrang bobo talaga! Parang siya na siguro ang taong pinakabobo sa lahat ng tao na nasa lupa.

"Malapit lapit na at di rin magtatagal ay makilala niyo naman ako! Tiisin niyo muna ngayon at iisa-isahin ko lahat ng nagkasala!" Wika ko na ang kasabay pa nito ay napinta ang mala demonyong ngisi na nasa labi ko.

Jenny's POV

Hindi ako pumasok sa first period namin at nag stay lang ako dito sa 3rd cubicle ng girl's CR habang tinatali ang hawakan ng kutsilyo ng isang puting yarn at pinunasan ko din ang kutsilyo ng artificial blood para parang totoo. Alam ko na kasi kung ano ang gagawin ko mamaya. Magpakasaya ka muna ngayon, Bea!

Lumabas ako sa cubicle na pinagtataguan ko at isinabit ang kutsilyo sa isang nakakurba na wire sa itaas ng pinto ng CR, Para ang hahawakan ko nalang ay ang dulo ng yarn para pag pumasok ang malanding babae na si Bea dito sa CR mamaya pagkatapos ng first period ay bibitawan ko ang dulo ng lubid upang diritso hulog to sa ulo niya. Oh diba? Maganda ang pagkaplano ko?

~~

Ayan na! Natapos na rin ang first period namin, Dali-dali naman akong nagtago sa 1st cubicle at inantayan ko ang pagpasok ni Bea, Habang hawak ko pa rin ang dulo ng yarn na naghahanda para sa pagbitaw ko nito.

At doon, Tama ang prediksyon ko, Andiyan na si Bea sa labas ng Cr at kasama pa si Illie na hinawakan ng maigi ni Bea ang kamay ni Illie. Papasok na sila at unti unti kong binitawan ang dulo ng yarn na nasa kamay ko at naghanda nalang ako sa pagtusok nito sa ulo ni Bea. Matatawa talaga ako!

Nung pabagsak na ang kutsilyo ay narinig ko si Illie na sumigaw dahil napinsan niya ito na pabagsak. "Bea, Mag ingat ka!" Sabay hila sa uniform ni Bea palabas at bumagsak na bahagya silang nakaupo sa sahig sa labas ng CR. Nakakairita tong si Illie! Nakikialam!

Napansin ng iba naming mga kaklase ang pagbagsak ng dalawa sa sahig at dali-dali ko namang itinaas ang lubid para di nila makita ang kutsilyo na hinulog ko. "Shit!" Bulong ko. Muntik na ako dun' ah! Pano ba kasi? Kung hindi pa nakialam ang Illie na yun! Dapat nagtagumpay na ako!

Bumalik nalang sina Bea at Illie sa classroom kasama ang iba pa naming mga kaklase. Hayst! Ano ba ito? Di ako nagtagumpay! Tss...

Dahan-dahan ko nalang hinila pabalik ang yarn kung saan nakatali ang kutsilyo at ibinalik nalang to sa backpack ko. Nakasimangot man ang mukha ko ay wala nalang akong ibang magawa kung di pumasok nalang sa classroom namin. Nag isip ako ng paraan para di nila makita ang kutsilyo sa bag ko dahil minsan binubuksan ni Bea ang bag ko ng walang paalam sa akin. Malandi na nga, Di pa nagpapaalam kung may gustong kunin sa bag ko! Napag-isipan ko na lang na sa itinaas nalang ng board ilagay ang kutsilyo. Wala namang makakapansin kung ilagay ko yun sa itaas eh.

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now