Chapter 033: I did it

1K 64 230
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

~~
Aya's POV

Papunta kami ngayon ni Ara sa hospital para bisitahin si Jaymee. Ilang linggo na kasi ang lumilipas nung nangyari sa kanya ang pagkahulog sa hagdan eh. Wala na tuloy akong makasabay na mag drawing ng mga original character.

"Aya, Okay ka lang? Tahimik ka yata ah?" Tanong sa akin ni Ara habang naglalakad na kami ngayon sa hall ng hospital para puntahan ang kwarto kung saan si Jaymee naka confine.

"Oo.. Okay lang ako." Pinilit ko pang ngumiti sa kanya. Wala kasi silang alam kung ano ang totoong nangyari at sinisisihan ko yun. Paano ko ba sasabihin sa kanila?

"Ito na yata ang kwarto niya oh!" Wika pa ni Ara sabay turo sa kwarto na may numerong nakalagay na 407. "Tara, Let's pasok na!" Ngumiti pa siya at agad na niyang pinihit ang doorknob.

Pagkapasok namin sa loob ng kwarto ay agad naman naming nakita ang iba naming mga kaklase na nasa loob ng kwarto na nakaupo sa mga upuan.

"Guys, Andito na pala kayo!" Bati pa ni Ara sa kanila.

"Kanina pa kaya kami dito haha!" Wika pa ni Kenedy na tumawa pa nang makita kaming pumasok.

"Okay na ba si Jaymee?" Pag-alalang tanong ko sa kanila sabay lapit sa katawan ni Jaymee at hinawakan ko ang kamay nito.

"Nakita mo namang comatose pa siya diba?! Sobrang Okay siya! Sobrang Okay talaga!" Pagpipilosopo pa ni Cool na nasa pabagsak ang tono ng kanyang boses.

Binalewala ko nalang siya at kinalimutan ko nalang ang lahat na tinanong ko yun sa kanila kasi baka mapilosopo na naman ako na sagot. Alam ko naman na hindi okay si Jaymee dahil comatose pa rin siya hanggang ngayon, Pero ang gusto ko lang naman malaman ay kung merong magandang balita na maipapahayag nila sa akin. Hindi yung pilosopo ng pilosopo agad. Haysst...

"Teka, Asan ang Mama't, Papa ni Jaymee?" Pagtatakang tanong pa ni Ara at nilibot pa ang kanyang paningin sa loob ng kwarto. Ngayon ko lang napagtanto na di ko rin napapansin na wala pala ang mga magulang ni Jaymee dito at tanging ang mga kaklase lang namin.

"May mga trabaho kasi sila kaya wala sila dito." Mahinhing sagot pa ni Rain. "Kaya nagpaalam nalang muna kami ni Ryle sa kanyang mga Parents na as his classmates ay tayo muna ang magbantay sa kanya for now. It's the least we can do." Dagdag pa niya na sagot na sinabayan pa niya ng matamis na ngiti.

Pagkasabi pa niya ng mga katagang iyon ay bigla nalang lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Wala kasi silang alam sa buong nangyari kay Jaymee eh. Alam ko naman kung sino ang tumulak kay Jaymee sa hagdanan, Pero kailangan ko munang itago ang lahat kasi di pa ako handa na sabihin sa kanila kasi baka pag malaman nila, Lalayuan na nila ang taong yun at ayoko nun. Pero mas lalo akong nakokonsensiya sa part ni Jaymee at sa kanyang mga magulang dahil sa mga nangyari na ang alam lang naman nila ay nahulog sa Jaymee sa hagdanan. Pero ang totoo ay meron talang tumulak sa kanya. Sorry, Jaymee..

"Hindi dapat nangyayari to kung walang mamamatay tao sa room natin duh!" Rinig kong sambit pa ni Sarah na nakahalukipkip pa habang nakaupo sa isang upuan na parang sosyal. "I'm definitely sure that it's Kai who's doing all of this! Gosh! Kahaggard niya! Pfft.." Dagdag pa niyang pagtataray.

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now