Chapter 031: Mess

824 55 243
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

Kai's POV

Pagkapasok naming dalawa ni Sharmaine sa classroom namin ay lahat ng kaklase namin ay sobrang tahimik, At umiiyak si Miss Aede sa harapan na pinapakalma pa ni Nurse Yolei, At ang nagpagulat sa akin ng husto ay ang nakahandusay na katawan ni Renz sa sahig na bumubola ang kanyang bibig.

"A-Anong nangyari?" Pagtatakang tanong ko sa kanila. Pero ni isa sa kanila ay walang sumagot sa akin at kanya kanya lang silang gumagawa ng kahit ano sa kanilang mga upuan.

"Hmph! Sila pa yung tinatanong, Di pa sumasagot!" Rinig kong sabi ng pabulong ni Sharmaine na nakasimangot pa ang kanyang ekspresyon sa mukha. "Balik na tayo sa upuan natin, Kai!" At hinatak niya ang kamay ko papunta sa aming upuan na nagpatibok na naman ng malakas ng puso ko.

"Andy, Ano bang nangyayari?" Tanong ko kay Andy na katabi ko sa right side. "Ba't ang tahimik? Ba't umiiyak si Miss Aede? Anong nangyayari kay Renz?" Agad ko siyang binahaan ng mga tanong.

"Bruh, Chill lang!" Aniya na nasa sarkastiko ang tono ng kanyang boses. "Marami ang nangyari nung pumunta kayo sa opisina ng Detective na yun." Paliwanag pa niya.

"Bakit? Ano bang mga nangyari?" Tanong ko pa sa kanya at agad siyang tumingin sa akin ng diritso.

"Patay na si Aries!" Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Patay na si Aries? Hindi ako makapaniwala na wala na siya. Pero bakit?

"Eh? Sure ka ba, Andy?" Paninigurado ko sa kanya na pilit ko pang ngumiti.

"Bruh, Nakabitay ang katawan niya sa may pintoan ng boy's CR kanina. Nagkagulo pa nga eh, Dahil hinanap ka nila Sarah kasi ikaw daw ang gumawa nun kay Aries." Pasarkastikong pahayag niya sa akin, Na siya namang nagpatigil sa akin na pagtanong ko sa kanya nung sinabi niya na hinanap ako nila Sarah. Ako na naman ba ulit ang pinagbibintangan niya?

"Mayor, Mag attendance nalang kayo! Tatawag nalang kami ng Ambulansya!" Bungad ni Miss Yolei at lumabas na sila ng tuluyan ni Miss Aede ng classroom.

Pagkalabas na pagkalabas ni Nurse Yolei at ni Miss Aede ay nagsitayuan ang lahat papunta sa nakahandusay na katawan ni Renz sa sahig at naging maingay na naman ang room namin.

"Hanggang saan pa ba ito?!"

"Kailangan ba talagang mamatay tayong lahat?!"

"Ano ba tong napasukan kong section! Ang malas naman! Shit!"

Mga naririnig kong mga salita sa bibig ng mga kaklase ko.

"Hindi sana mangyayari to, Pag walang mamatay tao sa room natin!" Rinig kong wika ni Sarah na halatang nagpapadinig at ako yung pinatatamaan. "Akalain mo naman.... Ilang minuto lang nawala at dalawa na agad yung namatay? Hayst! Nakakahaggard na talaga to, Gosh!" Pagtataray pa niya.

Hinayaan ko lang siyang magsalita at pinalusot ko nalang sa kabilang tenga ko ang mga nadidinig ko.

"Ano bang nangyari sa kanya?" Tanong pa ni Sharmaine na lumapit sa katawan ni Renz.

"Luh? May patanong tanong pa? Edi siyempre namatay duh! Kailangan pa bang itanong yun?" Pagpipilosopo ni Sarah na nakahalukipkip pa.

"Ikaw ba tinatanong ko, Sa...rah?" Agad na tumayo si Sharmaine at pumunta pa kay Sarah na nakahalukipkip din. Ano na naman ba ang gagawin niya?

Class Murderer (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum