Chapter 025: Where this lead?

960 63 143
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

Kai's POV

"Gusto kitang makausap bukas sa aking opisina, May gusto lang aking ipakompirma sa'yo."

Naalala ko ang sinabi sa akin ni Detective Harrison nung bumisita siya dito noong isang araw. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa kanyang sinasabi pero kailangan ko siyang puntahan para malaman kung ano ang pakay niya.

Magaling na ang pakaramdam ko kaya papasok na ako sa araw na ito,Pero kita pa rin ang blackeye sa kaliwa kong mata na tinama ko galing sa kamao ni Cool pero kailangan ko nang pumasok sa araw na ito para makausap si Detictive Harrison mamayang lunch sa kanyang opisina.

Habang naglalakad ako sa hallway, Pakiramdam ko ay pinagtitinginan ako ng mga tao sa t'wing dumadaan ako. Para akong natutunaw sa mga malalamig nilang tingin. Ewan ko ba kung bakit nararamdaman ko ito, Pero dahil siguro to sa nangyari noong unang gabi na feeling ko pinagtitinginan ko ako ng mga tao kahit hindi naman.

Huminga ako ng malalim nang makatayo na ako sa labas ng classroom namin. Inosente ka Kai, Wag kang matakot!  Sabi ko sa aking sarili at pinihit ko na ang doorknob at binuksan ang pinto at pumasok na sa classroom namin. Biglang natahimik ang classroom namin pagpasok ko at lahat sila nakatingin sa akin.

"Look who's back? It's the Class Murderer, Guys!" Rinig kong wika ni Sarah habang kinukuha niya ang atensiyon ng lahat at nagsimula nang magbulong bulongan ang lahat.

Hindi ko nalang sila pinansin at dumiritso nalang ako sa aking upuan. Inilapag ko na ang bag ko sa armchair na inuupuan ko at umupo nalang.

"Wag mo nalang silang pansinin, Kai!" Sabi pa ng katabi ko na si Sharmaine. "Wala lang kasi silang magawa sa mga buhay nila, Kaya ganyan sila eh!" Dagdag pa niya at tiningnan ang ibang mga kaklase namin.

Nginitian ko nalang siya bilang sagot ko at hindi nalang din siya pinansin.

"Guys sa tingin niyo, Mabubuhay pa kaya tayong lahat until at the end of the school year? I mean... Mamamatay lang naman tayong lahat diba?" Rinig kong pagtataray na sabi na naman ni Sarah na parang nagpaparinig ng mga salita at ako yung pinapatamaan niya. "Hay naku! Di na talaga tayo mabubuhay nito.. Omaygash nakakahaggard!"

Kahit masakit sa damdamin ang pinapatama niyang mga salita sa akin ay di ko na talaga siya pinansin at chinecheck ko nalang ang phone ko para maaliw ang sarili ko.

"Pilit pang nagpapakabayani para magmukhang inosente pero sa totoo, Siya lang pala ang may gawa! Gaguhan eh!" Kumuros pa si Cool habang nakikipagtawanan pa siya sa kanyang mga kaibigan. "Mamamatay tao talaga haha!"

Alam kong kahit hindi ako nakatingin sa kanila ay ako ang tinitignan nila sa kanilang mga matutulis na mga mata na parang kutsilyo. Halakhak dito, Halakhak doon, Pambibintang dito, Pambibintang doon lang ang naririnig ko sa kanila. Mga masasakit na mga salita na tila'y patalim na nakakamatay. Pero binalewala ko lang yun at hindi ko nalang yun isinaulo at patuloy lang na inaaliw ang sarili ko sa pag scroll up and down sa phone ko.

"Palibhasa, Feeling Inosente kahit hindi naman!"

"Bro wag kang ganyan, Baka iiyak na siya HAHAHAAHHAHAHA!"

"Bayaning Mamatay Tao!"

"Baka papatayin niya na tayong lahat omaygaad! Hahaha!"

Patuloy ko pa ring naririnig sa iba naming mga kaklase ang masasakit na mga salita na pinangungunahan nila Sarah at Cool. At dumating na nga sa point na hindi ko na kinaya at sumabog na ang bulkan sa ulo ko dahil napupuno na ako sa kanila.

Class Murderer (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن