Chapter 017: Fall

1K 67 29
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

Cristopher's POV

Natataranta kami kasi nawalan na naman ng malay si Illie. Agad naman namin siyang tinulungan at binuhat namin siya ni Cool patungo sa clinic.

Pagkapasok namin sa clinic ay nabigla si Nurse Yolei ng nakita niya na naman si Illie ng walang malay.

"Napapadalas ng nangyayari sa kanya yan ah?" Wika niya ng kalmado habang tumayo sa kanyang kinauupuan at lumapit sa amin. "Ano bang nagyari?"

"Hindi po namin alam, Miss." Pangungunang sagot ni Cool. "Bigla nalang naming nakita siya na nakahiga na sa sahig ng walang malay."

Sumang-ayon nalang din ako kay Cool at tumango nalang din sa aking ulo.

"Ahh ganun ba?" Pagpapakompirma ni Nurse Yolei. "Sige patulugin niyo muna siya diyan. I'm sure dahil sa init ng panahon siguro yan." Dagdag pa niya.

Alam naman namin na hindi yan siguro ang rason kung bakit nahimatay si Illie. Sigurado akong may rason pang iba na kung bakit siya nawalan ng malay.

Umupo nalang kami ni Cool sa mga upuan na katabi sa clinic's bed habang si Nurse Yolei ay bumalik sa kanyang mesa at patuloy sa kanyang pagsusulat na mga kahit ano.

Nakadungaw lang ako ngayon sa kisame habang iniisip ang sobre na naglalaman ng mga larawan ng mga taong nagkasala. Alam ko namang malaking pagkakamali ang nagawa ko noon, Pero lahat ng yun pinagsisihan ko na. Ayoko na ngang maalala ulit pa yun eh.

Napabuntong hininga lang ako ng malalim at hindi namalayan kung ano na nangyayari sa aking paligid.

"Cristopher!!!" Tawag ni Cool sa aking pangalan ng malakas na para bang may problema.

Nabalik ako sa realidad at tiningnan ko si Cool ng pagtataka. "Bakit ba?" Tanong ko na napakunot pa ang aking noo.

"Si Illie!!" Napasigaw siya.

Tiningnan ko yung hinihigaan niya at nakita ko na wala na talaga siya sa kama. "Saan siya?!" Pag-aalala ko.

"Pumunta siya sa rooftop, Sinundan siya ni Nurse Yolei! Kanina pa kita tinatawag pero di ka naman nakikinig sa akin!" Pagpapahayag niya na para bang umiinit na naman ang ulo niya.

"Tara!!" At lumabas na kami sa Clinic na nagtatakbuhan patungo rooftop.

Cool's POV

Naupo kami ni Cristopher sa tabi ng kama na kinahihigaan ni Illie. Kainis kasi eh! Ba't ko pa babantayan ang babaeng to?! Ano bang nangyayari sa kanya at madalas na siyang nahihimatay?! OA at kadramahan niya siguro to?! Pakshet naman!

Dahil wala akong ibang magawa at bantayan nalang siya hangga't magising siya ay ipinikit ko nalang ang mga mata ko habang si Cristopher naman ay nakadungaw sa kisame na parang may malalim na iniisip. Kaya ayun, Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"Ba't nasa rooftop ako?! Teka! Sino yun?" Pagtataka ko habang may isang babae na hahakbang pa ng kaunti ay mahuhulog na talaga siya patungo ground floor. Maraming tao ang naghihiyawan para bumaba ang babae, Pero tila wala siyang marinig. Nababaliw na ata siya? Papakamatay ba siya?!

Lumingon siya ng kaunti at si Illie pala ang babae na tatalon. Pipigilan ko sana siya sa kanyang gagawin pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko na para bang nakapako ako sa aking tinatayuan. "ILLIE!!" Sigaw ko pero di ko mailabas ang aking boses.

Class Murderer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon