Epilogue

989 39 7
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

20 years later...

"Miss De Guzman, What is your inspiration para makagawa ng ganitong klase ng kwento?"

"Miss De Guzman, Bakit ito yung ginawa niyong kwento?"

"Miss De Guzman, Please tell us some of the reasons kung bakit nagawa niyo ang ganitong klase ng kwento."

Dinagsa ng mababahang tanong ng mga media ang isang babae na nakasuot ng eyeglasses at nakaponytail pa as she's signing her books. Napangiti lang ang babae bilang sagot niya sa mga tanong ng media at pinagpatuloy niya ang pagbobook sign sa kanyang libro.

"Ate Sharla De Guzman, Pa picture po!" Nakangiting sambit pa ng isang babae at agad na tumango ang babaeng nagngangalang Sharla.

Binigay ng babae ang kanyang phone sa kanyang kaibigan at agad naman siyang kinuhanan nito ng picture kasama si Sharla De Guzman, Ang pinakasikat na author ngayon sa buong pilipinas dahil sa libro niya na pinamagatang "Class Murderer".

"Salamat po!" Pasalamat ng babae na may matamis na ngiti pa sabay alis.

Nagpatuloy sa pagbobooksign si Sharla hanggang sa nawala na ang mga taong nagpapapirma sa kanyang libro.

Tatayo na sana siya para makapag ayos na nang may humabol pa na isang babaeng fan na nakasuot ng yellow na hoodie. "Papirma, Sharmaine."

Nagulat si Sharla ng marinig niya sa babae ang isang napakamilyar na boses. Ang boses na matagal na niyang kinalimutan. Ang boses ng isang tao na isa sa kanyang mga kinatatakutan.

Napatigil siya sa pagpipirma nang tignan niya yung mukha ng babae pagkatanggal nito sa kanyang hood.

Lahat ng alaala ng nakaraan ay bumalik sa kay Sharla pagkakita niya sa mukha ng babae. Sobra siyang nanginginig na para bang nakakita ng isang multo.

"Surprised?"

"Miss Aede?"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

And the story is finally done! Whooo! Thank you for reading this until here, Cheer Squaders! I hope you enjoyed reading.

P.S.

-If you ever like, enjoy, or even love this chapter, Please leave your vote by clicking the button and give your comments down below. Thanks.
~Hikari

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now