Chapter 016: Debt

1.2K 67 64
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

Jilly's POV

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at nagising ako sa lugar na puro puti lang ang nakikita ko. "Nasan' ba ako?" Pagtataka ko.

"Nasa Clinic ka." Wika ng isang lalaking nakaupo katabi sa hinihigaan kong kama. Teka.... Parang si Arvie?

"Bakit ako nasa clinic?" Tanong ko sa kanyang habang unti unti akong bumangon sa kamang hinihigaan ko at umupo. "Ano bang nangyari sa'kin?" Habang hinimas himas ko ang aking noo.

"Nakita ko kasi ang walang malay mong katawan na nakahandusay sa daan kanina, Kaya dinala kita dito." Pagpapaliwanag niya sabay bigay sa akin ng tubig. "Okay ka na ba?"

"Ahh.. Salamat, Arvie!" Wika ko sa kanya na nakangiti pa. "At Oo! Okay na din ako!" Pasigurado ko sa kanya.

"Mabuti naman." Napabuntong hininga siya. "Akala ko kasi kung ano na nangyari sayo eh, Nag panic kaya ako!" Dagdag pa niya sabay tawa ng mahina.

"Asus! Malakas kaya ako!" Pabiro ko sa kanya na pinapakita pa ang muscles ko sabay tawa ng malakas.

Unti-unting bumukas ang pinto ng clinic at bumungad sa amin si Nurse Yolei na kasama si Mama at Papa. "Oh, Gising na pala si Jilly!" Anunsiyo niya sa kanila.

Bigla naman lumapit sina Mama sa akin at agad akong yinakap ng sobra. Nakakahiya man sa harapan ni Arvie, Pero di ko siya mabitawan dahil ang tindi ng pagkakayap niya sa akin. "Ma... Pwede niyo na po akong bitawan..." Ani ko.

"Ayy pasensiya ka na Anak." Wika niya at agad tumalikwas sa pagkakayap niya sa akin. "Sadyang sobra lang talaga ang pag-aalala namin ng Papa mo sa iyo kung ano na ang kalagayaan mo dito sa school." Dagdag pa niya.

"Okay lang po ako promise!" Panigurado ko sa kanila na pinilit pa ang ngumiti.

Hayst! Ganyan naman talaga sila eh! Nag-aalala lang sa akin sa t'wing ako'y may sakit, Pero pag wala, Edi wala din! Mas inuuna pa kasi nila ang kanilang mga trabaho kesa sa akin eh! At tsaka, Di naman talaga sila Okay ni Papa, Pilit lang nilang umacting na Okay sila pag nasa harapan ko na, Pero pag tumalikod na sila, Agad na naman yan sila nag-aaway na parang aso't-pusa! May iba't-ibang pamilya na kasi silang dalawa, Kumbaga, Meron na akong mga half sisters at half brothers in both sides. Pero duh! Kahit pa, Sa totoo lang wala naman akong paki sa kanila eh! Oo, Nagpapasalamat ako na maaalahanin sila pagdating sa'kin, Pero it's not like I care anyway! I mean, Ayaw ko talaga sa kanila. Kaya nga dito ako sa Saviour Boarding University nag enroll para di ko sila makita eh, Pero sila naman ang nagpipilit na makita ako. Anyway, Uulit-ulitin ko talaga ang mga salitang "Wala akong paki" sa utak ko!

"So, Jilly, Mauna na ako sa'yo ha?" Pagpapaalam ni Arvie na may ngiti at sinabit na ang kanyang backpack sa balikat niya.

"S-Sige. Salamat ulit." Wika ko ng pautal at lumabas na ng tuluyan si Arvie sa silid.

"Ma'am, Sir, Siguro kailangan niyo nang ipacheck up ang kondisyon ni Jilly sa hospital. Tumataas at umuubos kasi yung lagnat niya sa di mapaliwanag na dahilan eh." Paliwanag ni Nurse Yolei kina Mama at Papa sabay abot ng isang papel.

"Sige po, Nurse Yolei, Salamat!" Ani ni Mama. "Tara na, Jilly!" Anyaya ni Mama habang inaabot ang kanyang kamay.

"Okay..." Tumango nalang ako at kinuha ang mga gamit ko pero di ko inabot ang kanyang kamay. No way! At lumabas na kaming tatlo sa clinic.

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now