Chapter 026: Karma Strikes (Confession Chapter)

877 57 72
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

Andy's POV

Sinagot ko ang tawag ni Mama at napaluha nalang ako sa sinabi niya.

"Anak, May iba na ang Papa mo.... Pasensiya na...." Rinig ko na nababasag pa ang kanyang boses sa kabilang linya. Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya na may iba na si Papa. Hindi ako makapaniwala na kayang gawin yun ni Papa kay Mama. Paano na kami? Paano na ang pag-aaral ko?

Binaba ko nalang ang phone ko ng hindi kinakausap si Mama ng isa mang salita. Pero maiintindihan naman niya siguro kung bakit ko binaba ang phone ko. Siguro alam niya na naiiyak na ako dito.

Kung sana hindi ko nalang ginawa ang mga ginawa kong pagkakasala noon... Hindi sana magkakaganito ang pamilya ko.. Hindi ko akakalain na darating din ang araw na ito... Ang karma ko..

Maaaring sinasabihan nila ako palagi na ako ang pinaka YOLO na babae sa mundo dahil pumapasok lang ako pag gugustuhin ko, Mag-aaral lang pag ginusto, At sobrang chill lang sa mga bagay bagay palagi at hindi pinoproblema ang mga bagay kahit nagdudulot na to' ng hindi maganda sa'kin.

Sana, Meron namang makaintindi sa akin kung bakit nagkaganito ang personalidad ko. Dahil ito sa mga nangyari noon... Sa mga ginawa kong pagkakamali na ikinasira ng isang pamilya...

2 years ago

Hindi ako yung typical na babae na gusto ang mga manika at mga pambabaeng bagay. Ako lang naman si Andy sa umaga at si Trixy sa gabi.

May isa akong trabaho sa gabi na hindi pa alam ng mga malalapit kong mga kaibigan o sa mga magulang ko.

Isa akong "Tease Stripper" na babae na nagtatrabaho sa mga Bar Club tuwing gabi. Pangkatuwaan ko lang to, Kaya for short, Pampalipas oras.

Kung ang nakikita ng mga tao ay ang kainosentehan at ang pagkamatahimikin ko t'wing umaga. Well, Ang mabuting si Andy ay nagiging wild, seductive, at sexy na si Trixy tuwing gabi.

Palagi akong nagseseduce ng mga lalaki sa club at nadadala ko rin naman sila sa pang-aakit ko sa kanila at kadalasan nga natitigasan na sila dahil sakin eh haha.

Isang gabi, Sinabihan ako ng Manager namin na may bago daw akong customer na kailangan akitin. Kaya go naman ako nun! Magaling kaya ako mang seduce wahaha!

Pagkapasok ko sa isang kwarto ay may isang lalaking nakaupo sa kama na nakatingin lang sa pintuan, Ayy sa akin pala haha.

"Andito ka na pala." Bungad pa niya sabay tayo sa kamang kinauupuan niya. "Ikaw pala ang mag i-entertain sakin. Mabuti naman at isang magandang binibini ang ibinigay sa akin." Pambibiro pa niya na tumawa pa ng kunti.

"Grabe naman po kayo mambiro, Sir haha!" Sabi ko pa na nilalaro ko ang aking buhok.

Lumapit siya palapit sa akin at tiningnan niya ako ng diritso sa mata at ipinalapit pa niya ang kanyang mukha sa akin at ngayon ko lang napansin na hindi siya sobrang matanda di kagaya ng mga usual customers ko na matanda na talaga. Itong customer ko ngayon ay kahit may edad na siya ay gwapo pa rin siya, matangos ang ilong, makapal ang kilay, moreno, at mapula pa ang mga labi niya. Sarap halikan niya na bigla nalang ako napakagat labi. Pero ang napapansin ko sa kanya ay ang kanyang mga mata. Nangungusap ito, At parang nagsasabi ang kanyang mga mata na hindi siya masaya sa kanyang ginagawa.

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now