Chapter 047: Deadly Finals

667 45 18
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

Kai's POV

Pagkatapos ng tatlong araw na pananatili ko sa loob ng hospital upang magpagaling ay nakalabas na ako. Bakas pa rin yung mga mark ng sugat ko pero bumabalik na naman ang lakas ng katawan ko. Hindi ko na rin inaalala ang kung anong nangyari sa akin nung una at pilit ko nalang iyon na kinalimutan. I just act like nothing happen and just act as the usual me.

Pagkapasok ko sa classroom namin ay nakatingin silang lahat sa akin na may dala ng mga matatamis na ngiti na nakapinta sa kanilang mga labi. Pati sina Sarah at Cool totoong nakangiti na rin ng makita ako at hindi na nila ako sinalubong g panbibintang. Parang naging normal na lahat, Lahat ng ngiti na nawala ay muling nagbalik. Pero hindi lahat ng ngiti ay pang habam buhay dahil nawawala din ito sa huli.

Kahit na nakangiti silang lahat, Kita pa rin sa kanilang mga mata ang takot at kaba dahil bukas na ang katapusan ng lahat. Bukas na ang final exams namin.

Agad naman akong nagtungo sa upuan ko at inilapag ang backpack ko sa katabing empty seat. Inilibot ko ang aking paningin sa buong classroom at tiningnan ang mga bakanteng upuan. Labingtatlong bakanteng upuan ang nawalan ng tagaupo. Buhay ng labingdalawa naming mga kaklase ay nawala at ang isa naman ay buhay nga pero in comatose naman. Kamusta na kaya si Jaymee?

Kahit ngayon, Hindi pa rin ako makapaniwala na hahantung ako sa ganitong klaseng mga pangyayari sa buhay ko. Ni hindi ko nga dinasal na sana mangyari ang lahat ng 'to.

Noon, Sa mga movies ko lang napapanood ang mga bagay na di ko gustong makita, Pero ngayon para na akong isang karakter sa isang movie na tumatakbo para sa kaligtasan ko. Pero hindi lang naman ng kaligtasan ng buhay ko ang gusto kong itakas sa impyernong nangyayari sa amin ngayon. Gusto ko ring itakas at iligtas ang buhay ng mga kaklase ko. Bahala na kung ako ang mamatay, Basta wag lang mawala ang mga taong tinuturing kong mga kaibigan kahit sa kaunting panahon.

Pinapangako ko na tatapusin ko ang lahat ng 'to kahit buhay ko pa ang nakataya.

Agad namang pumasok si Miss Aede na may dala dalang mga testpapers at tumayo sa harapan pagkatapos niyang ilagay ang mga testpapers sa itaas ng teacher's table.

"Class." Tawag niya sa amin at agad naman kaming lahat tumingin sa kanya. "The final exam was moved. Instead na tomorrow ang finals exam niyo, Ngayon niyo itatake ang finals sa araw na 'to." Nagulat kami sa binalita niya sa amin. Kitang kita sa lahat ng mga kaklase ko ang hindi makapaniwalang mga ekspresyon sa kanilang mukha. Kahit ako eh nabalutan din sa pagtataka. Dapat ay bukas pa ang final exams namin, Pero bakit namove ngayon?

"Pero, Miss, Bukas pa ang final exams diba? Bakit po namove ngayon?" Taas kamay na nagtanong si Rain.

"No further explanation. Yan ang sabi ng Principal." Walang ganang sagot ni Miss Aede sa kanya.

Alam kong nag aalala rin para sa amin si Miss Aede dahil sinabi namin sa kanya tungkol sa natanggap naming mensahe na galing sa Class Murderer. Kaya hindi mawala sa mga mata niya ang takot pero dinaan nalang niya ito si ngiti. Isang pilit na ngiti. Batid kong natatakot din siya sa mga nangyayari dahil napasama na siya sa sa buong misteryong nangyayari sa class namin.

~~

Patapos na ako sa panghuling testpaper na tinake ko which is English. Favorite subject ko yun kaya nakuha ko lang lahat ng sagot dahil kahit marami ang nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw ay nagawa ko pa rin ang mag aral ng mga kaunting subjects.

Hindi ko namalayan na lumalalim na pala ang gabi dahil madilim na sa labas. Bakit parang ang bilis yata ng oras ngayon? Parang ang liwanag pa sa labas kani kanina lang pero gabi na pala. Siguro ay dahil sa 10 subjects namin na tinake.

Tatayo na sana ako para ipasa kay Miss Aede ang english test paper ko ng bigla nalang nawala yung mga ilaw sa buong campus pati sa room namin at agad nalang nagsigawan ang buong mga kaklase ko sa takot. Tumibok naman ng mabilis ang puso ko sa kaba at takot.

Dahil sa mga malalalakas na sigawan ay hindi ko na alam kong ano na ang nangyayari sa buong paligid ko dahil nanatili lang akong nakaupo sa upuan ko na para bang napako na ako sa upuan. Sobrang ayoko sa dilim. Hindi ako sanay sa sobrang madidilim na lugar. Para akong mahihilo.

Bigla nalang nawala ang mga sigawan ng mga kaklase ko at lahat nalang ay parang natahimik kaya agad naman akong kinabahan sa kung ano na ang nangyari sa kanila.

"Guys?" Tawag ko.

"K-K-Kai? I-Ikaw ba yan?" Rinig kong nagkakandautal pa si Sharmaine. Nanginginig ang boses niya.

"Sharmaine, Saan ka?"

"N-Nandito lang ako sa upuan ko, Kai."

"Guys, Saan kayo?!" Boses yun ni Art.

"Nandito lang kami!" Rinig ko namang sagot ni Ryle at Rain.

"I hate the darkness! I hate this! Please help me! Guys!" Rinig kong pagtili naman sa boses ni Sarah.

"Wag ka ngang sumigaw, Sarah!" Pagpipigil sa kanya ni Cool.

Kahit boses lang nila ang naririnig ko ay alam ko kung kani-kaninong mga boses ang nagsasalita.

"Guys, Please keep calm." Sabi ko naman sa kanila na pilit pang tumayo sa kinauupuan ko at palingon lingon pa sa buong paligid ko. Halos lamunin na talaga kami ng kadiliman dahil kahit saan ko man igala ang paningin ko ay wala talaga akong ilaw na makita. Sana ay walang nangyayaring masama sa mga kaklase ko sa kadiliman na to.

"Guys, Stay where you are. Hintayin nalang natin na bumalik na ang ilaw. Wag na kayong magsigawan." Utos ko sa kanila at bumalik sa pagkakaupo ko.

"Miss Aede?" Rinig kong tawag nina Aya at Ara kay Miss Aede na nanginginig din ang mga boses nila.

"A-A-Andito lang ako, Class. I'm also staying kung saan man ako ngayon. Nakaupo pa rin ako sa teacher's table. D-D-Don't worry. Stay put to where you are." Sagot ni Miss Aede na nagkakandautal pa. Katulad namin, Nanginginig din ang boses niya na animo'y natatakot din.

Maya-Maya pa'y unti unti nang bumalik ang mga ilaw, Pero imbes na magsaya ay laking gulat naming lahat ng makita ang mga duguan at wala ng buhay na katawan ng mga kaklase namin na nakaupo pa rin sa mga upuan nila. Lahat sila puro saksak sa may dibdiban at sa tiyan pati sa leeg nila na parang ginilitan na kulang nalang ay matanggal na ang mga ulo nila. Bumabaha din ng dugo ang buong classroom namin. Kitang kita ko nanlalaki ang mga mata ng mga ibang kaklase kong buhay pa habang tinitignan ang mga bangkay ng mga lalaking kaklase namin.

Joshua. Mike. Ricky. Kier. Aren. Jessie. Leslie. Ken. Gon. at V. Lahat sila wala ng buhay sa kanilang mga upuan.

Napalingon naman kami kay Miss Aede ng sumigaw siya ng malakas. Laking gulat ko nang pumasok sa loob ng classroom namin ang taong muntik ng pumatay sa akin. Ang Class Murderer. Nakasuot pa rin siya ng isang nakakatakot na maskara at itim na bestida.

"This is what I called a Deadly Finals."Humalakhak siya ng para bang isang demonyong tawa na nakatingin sa amin. "Now, Who's next?" Agad namang nagsitakbuhan ang mga kaklase ko pati si Miss Aede palabas ng classroom. Pilit pa akong sugurin ng Class Murderer pero hinila na ako palabas ni Sharmaine at tumakbo na rin kami ng kahit saan palayo sa classroom namin.

"You can run, But you cannot freakin' hide away from me, You dummies!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sorry guys kung hindi ganoon kasigla ang chapter na to. Siguro madalian lang? Hahaha pero don't worry, I'm gonna edit this anyway after matapos ng story na to kaya sana ay nag enjoy pa rin kayo sa pagbabasa ng chapter na to. Thanks.

P.S.

-If you ever like, enjoy, or even love this chapter, Please leave your vote by clicking the button and give your comments down below. Thanks.
~Hikari

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now