Class Murderer: Compiled

1.1K 28 2
                                    

Prologue

Wala akong ibang nararamdaman kung di takot lang at sobrang panginginig ng buong katawan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, Ngayon na wala na ang mga kaklase ko. Ako nalang ang natitirang buhay sa class namin.

Napatitig nalang ako ngayon sa nagbabagang dagat ng apoy ng nasusunog na building na nasa harapan ko na halos napako na ako sa kinatatayuan ko ngayon dahil gulat pa rin ako sa lahat ng mga pangyayari. Parang di pa rin ako makapaniwala sa lahat ng mga nangyari sa araw na to. Hindi ko inaasahan na magtatapos ang lahat ng ganito.

Unti unti ng tumulo ang mga luha ko pababa sa aking pisngi dahil hindi ko pa rin kayang tanggapin na wala na ang mga kaibigan ko. Patay na sila. Lahat ginawa namin para makatakas sa patibong ng Class Murderer, Pero walang natirang buhay ng mga kaklase ko maliban sa akin. I feel so selfish for being the only one alive.

Agad namang nagsidatingan ang mga pulis dahil napansin daw nila ang apoy na kumakalat na sa buong campus. Tinulungan naman ako nila akong makatayo sa pagkakaluhod ko sa lupa na tulala pa rin sa aking nakita.

"Tell me everything that happened." Wika ni Detective Harrison na hawak hawak pa niya ang kanyang maliit na notebook at ang isang ballpen na para bang handa na niyang isulat ang mga maaaring sasabihin ko sa kanya.

Napabuntong hininga nalang ako at pinahid ang luha sa aking mata gamit ang palad ko at agad na binuka ang aking bibig para magsalita.

"Yung Class Murderer po....."

Student's Attendance Book

Boys:

1. Carlos Abrenica
2. Cristopher Villaguardia
3. Ryle Belotindos
4. Jaymee Valderosa
5. Mike Getuaban
6. Jordan Kilokilo
7. Kenedy Cutab
8. Joshua Maquilan
9. Kai Llaneta
10. Art Sungkip
11. Renz Soquillo
12. Cool Arche
13. Ricky Pogoy
14. Kier Enot
15. Aren Araneta
16. Jessie Canete
17. Leslie Patalinghug
18. Ken Besabella
19. Arvie Besabella
20. Aries Delicano
21. Gon Monterona
22. V (Five) Booc

Girls:

1. Aya Cogal
2. Jane Cogay
3. Annie Nucos
4. Ara Amistad
5. Illie Indig
6. Andy Lealde
7. Sarah Quintinita
8. Jenny Manguilimotan
9. Rain Bretana
10. Jilly Sasi
11. Bea Bulac

Chapter 001: Bloody Knife

Nagmamadaling sumakay si Kai sa elevator ng ito'y nagbukas dahil siya ay 30 minutes late na para sa first period, which is English pa naman na favorite subject niya.

"5th floor lang po ako, Guard." Wika niya sa gwardiyang nagkokontrola sa elevator na sinasakyan niya.

At tumango lang ang gwardiya sa kanya.

Habang umaandar ang elevator patungo sa 5th floor kung saan ang classroom niya. Napansin niya na ang kanyang katabi sa elevator na nakasuot nang black hoodie ay may suot na ID ng kanilang school. Napatitig si Kai sa misteryosong taong katabi niya kasi di niya makita kung ano ang itsura nito dahil nakatakip ang hoodie nito sa kanyang mukha.

Titig na titig parin siya nito at napansin niya na hinawakan nito ng maagi ang kanyang bag na parang may tinatago.

"Ano kaya laman sa kanyang bag?" Natanong niya sa kanyang isipan na parang hindi niya na napapansin na nasa 5th floor na pala siya at tinatawag na siya ng guard para bumaba na sa elevator.

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now