Chapter 024: The One Who Knows

947 67 90
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

Aries' POV

Alam ko na siya ang pumatay kay Jenny dahil wala na namang iba ang gagawa nang ganun ka brutal na pagpatay sa mga kaklase namin. Kaya hindi nga ako pwede magkamali, Siya nga talaga ang pumatay.

"Bakit mo pinatay si Jenny?!" Bagkus ang naiinis na ekspresyon sa mukha ko habang hinila ko siya sa likod ng school namin. "Dahil sa ginawa mo ay napagbintangan si Kai! Ano bang pumasok diyan sa kukuti mo at nagawa mo yun ha?!"

Ngumisi lang siya at tumalikod sa akin na hindi man ako sinasagot. "Sagutin mo ako!" Sigaw ko sa kanya.

"Ayaw na ayaw ko sa mga pakialamera!" Sagot niya na humarap pa sa akin ng blanko ang ekspresyon sa kanyang mukha na tiningnan pa niya ako sa kanyang mala demonyong mga mata. "Muntik na akong mabisto dahil sa babaeng yun, Kaya ayun nararapat lang sa kanya ang Mamatay!"

"Pero kahit na-" Naputol ko ang sasabihin ko sa kanya ng bigla siyang sumingit.

"Atleast hindi ako traydor!" Wika pa niya na ngumisi pa ng nakakaloko.

"Anong ibig mong sabihin?" Pagtataka ko.

"Pfft! Wag ka ngang umarte ng wala kang alam!" Sarkastiko niyang panimula na lumalakad palapit sa akin. "Sabihin mo nga, Aries! Bakit mo ibinigay ang Susi mo kay Kai? Gusto mo atang mabisto tayo ah!" Dagdag pa niya na hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Tapos na ang pinagawa niya sa akin!" Sambit ko pa sabay tulak sa kanya palayo sa akin. "Kaya wala ng rason para manatili sa akin ang susing yun! Hindi ko na kinakailangan yun!"

"Tignan lang natin kung saan ka magtatagal sa iyong katrayduhan na ginawa mo, Aries.... Mag-ingat ingat ka, Baka sa mga oras na ito, Ikaw ang isusunod ko!" Pagbabanta pa niya sa akin na may ngiti pang hindi ko maipaliwanag kung masama ba ang ngiti na yun o ano nga ba.

"Wag na wag mo kong bantaan, Kung sa salita ka lang naman at hindi sa gawa!" Pang-aasar ko sa kanya na sinabayan ko pa ang ngumisi ng nakakaloko.

Nakita ko ang pagkainis ng ekspresyon sa kanyang mukha nung inasar ko siya.

"Wag na wag mong kalimutan na may pagkakasala ka ring nagawa.... Pasalamat ka at hindi konektado ang nagawa mong mali sa kanya." Dagdag pa niya at lumakad na palayo sa akin na bumalik na sa loob ng school.

Bakit? Ano bang pakialam niya sa nagawa ko? Hindi naman niya alam ang lahat ng nangyari ah! Wala talaga siyang alam sa buong nangyari!

3 years ago

Inihanda ko na ang Jersey shirt at Jersey short ko na may numero pang 10 dahil excited na ako sa basketball championship namin bukas. Ilang araw ko rin itong pinaghahandaan. Mabibigyan na din ng bunga ang pawis at pagod ko.

~~

Kinaumagahan, Gumising ako ng maaga para makapaghanda na. Sabi kasi nang Coach namin ay kung posible ay dapat 7:00 Am Sharp ay nandun na kaming lahat ng team ko kung saan iheheld ang basketball championship. Sa MR3 Court!

Mga bandang 6:30 ay umalis na ako ng bahay para mag antay na ng Jeep. At pagkatindig ko palang sa labas ng gate namin ay may huminto ng isang Jeep sa harapan ko. Ayos! Maaga talaga ako makakarating sa MR3 nito! At agad na akong sumakay sa Jeep at dahil swerte ako, Hindi siksikang Jeep ang sinasakyan ko. Mga pito lang kaming pasahero.

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now