Chapter 005: Riddle Of Death

1.6K 103 73
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

~~
"Ano to?!" Pagtatakang tanong ni Ryle habang nanlalaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita sa papel. Isang bugtong na nakasulat gamit ang dugo.

"Bakit, Ryle?" Wika ni Kai na nag-aalala.

"Guys, galing sa Class Murderer to!" Sambit niya na nanginginig na ang boses. "Bugtong to ng Class Murderer!"

Nagulat ang lahat sa narinig nila na nagpatindig sa mga balahibo nilang lahat, Na halos lahat ay nakanganga sa takot at parang di na sila makasalita.

"Riddle Of Death....." Sinimulan niyang basahin ang mensahe.

"January 1,
October 4,
April 3,
December 1,
August 1,
November 1.

Lutasin niyo ang ibig sabihin ng bugtong na yan', Dahil isa sa buhay ng inyong mga kaklase ang nakataya.
-Class Murderer. "

Nanlaki ang mga mata ng buong klase pagkarinig nila sa bugtong na binasa ni Ryle sa kanila sa harapan.

"Anong klaseng bugtong yan?!" Wika ni Ken ng pabagsak na tono.

"Kakalito yung putang Class Murderer na yan!" Dagdag ni Carlos sabay kamot sa kanyang ulo na naiinis ang kanyang ekspresyon sa mukha. "Kung sino man sa atin ang Class Murderer na yan! Pwede bang magpakilala nalang kayo?! Di na to nakakatuwa ah!" Sabi niya habang minamasdan niya ang buong kaklase sa kanyang mga unti-unti nang maging demonyo na mga mata.

Nagsitinginan ang lahat na para bang iba na ang kanilang mga tutok sa isa't-isa. Parang demonyo na sila.

"Guys!" Tawag ni Kai sa lahat. "Wag muna tayong magsitinginan ngayon na parang mga demonyo! Kailangan muna nating lutasin ang bugtong na ibinigay niya sa atin, Kung di, Meron na naman sa atin ang mamamatay!" Paliwanag niya.

"Ano nga ulit yung bugtong?" Tanong ni Jane na napatayo sa kanyang kinauupuan.

Iniabot ni Ryle kay Jane ang papel kung saan nakasulat ang bugtong ng Class Murderer. Binasa niya ito ulit at kumuha ng permiso kay Ryle kung pwede ba siya yung sasagot sa nakakalitong bugtong at pinayagan naman siya ni Ryle.

At maya-maya pa'y pumasok na si Miss Donna sa classroom nila na naweweirdohan na sa buong klase dahil ang lahat ay nakasimangot nalang sa kani-kanilang mga upuan, Yung iba tulala, at yung iba naman ay sobrang tahimik. Parang hindi na ramdam ng guro ang dating 11P1 na sobrang maingay at masayahin noon.

"Class, I don't really know what's going to all of you." Pasimula niya sabay ngiti sa klase ng napakatamis na ngiti. "But, If there's something going on, You better tell it to an adult, Okay?"

Napatango nalang ang lahat sa kanilang mga ulo ng walang imik na boses at nakasimangot pa rin ang kanilang mga mukha.

Ilang sandali pa'y sinimulan ng buksan ng guro ang bago niyang leksyon para sa kanila.

~~Lunch break

Pumunta ng mag isa si Kai sa library nila upang mapag-isa isa muna at para malaman niya kung ano ang sagot sa bugtong na ibinigay sa kanila ng class murderer.

Habang hawak-hawak ang strap ng kanyang backpack while naghahanap siya ng komportable na upuan para makapag-isip ay nakabangga niya si Jordan na may hawak-hawak na isang pulang notebook sa kanyang kaliwang kamay.

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now