Chapter 044: Stop it Annie!

749 47 2
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

Kai's POV

Nabigla kaming lahat na magkaklase sa mga pangyayari dito sa classroom namin. Sobrang bilis ng pangyayari na parang napako na ako dito sa kinatatayuan ko dahil hindi ko maigalaw ang mga paa ko para humakbang ng isa pang hakbang. Hindi ko alam pero nanginginig ako at tumibok din ng mabilis ang puso ko sa kaba at takot nang sugurin ni Annie si Ryle sa dala niyang kutsilyo.

"HINDI!!" Napasigaw ako ng malakas nang makita kong sinubukang saksakin ni Annie si Ryle sa bandang dibdib niya pero mabuti nalang at mabilis siyang nakaiwas pero agad na namang nanlaki ang mga mata ko nung makita kong dumudugo yung kaliwang braso ni Ryle. May hiwa siya.

"Ahh!" Napasigaw si Ryle at hinawakan niya ang dumudugo niyang braso. Napatingin lang kaming lahat sa kanya at wala ni isa sa amin ang naglakas loob na tulungan si Ryle para pigilan si Annie sa kanyang ginagawa.

"Namatay lahat ng mga kaklase natin dahil pinatago mo lahat sa amin! Leche ka! Ikaw nalang sana ang namatay!" Naiinis na sabi ni Annie na tiningnan pa si Ryle ng masama na animo'y wala lang sa kanya ang nangyari kay Ryle.

"A-Annie, Pinatago ko lang sa inyo na sikreto ang lahat at hindi pinasabi sa iba dahil gusto ko lang protektahan ang class natin. Maniwala ka." Ika ni Ryle na napangiwi pa sa kanyang mukha habang hawak hawak niya ang kanyang kaliwang braso na punong puno pa ng mga dugo ang rumaragasa pababa sa sahig. Halos nagkamantsa na din ang kanyang uniform sa sarili niyang dugo.

"Protektahan?!" Paulit pa ni Annie na kumunot pa ang kanyang ulo at tinaas pa niya ang kanyang kilay na tiningnan si Ryle. "Kung gusto mo kaming protektahan, Sana ay pinasabi mo nalang sa mga teachers ang totoo nung una habang maaga pa! Pero dahil diyan sa kabaliwan mong ipatago lang sa amin, Marami na ang namatay na mga kaklase natin!" Mariin na sabi niya na pabagsak ang tono ng kanyang boses at nakita ko na naglakad na naman siya ng dahan-dahan palapit kay Ryle ng mapaupo ito sa sahig.

Gusto ko na sana talagang lapitan at pigilan si Annie pero pinipigilan pa rin ako hanggang ngayon ng mga paa ko. Pinangungunahan ako ng takot. Kahit ang mga ibang mga kaklase ko ay nakatulala lang silang lahat at nanlaki pa ang kanilang mga mata na pinapanood pa rin ang mga sumusunod na mangyayari.

Naghihirap na umatras si Ryle palayo dahil hindi niya magamit ang isa niyang kamay dahil nakahawak ito sa sugat ng kaliwa niyang braso at habang palapit ng palapit si Annie sa kanya na itinutok na naman ang kutsilyo sa direksyon ni Ryle.

"Sorry, Ryle. But your life ends here." Pagkasabi nun ni Annie ay hindi ko nalang malala ang mga sumunod na nangyari dahil parang feeling ko eh sobrang napakabilis ng lahat na pangyayaring nagaganap ngayon sa classroom namin para alalahanin pa ang oras.

Ang naalala ko nalang ay kusang tumakbo ng mabilis ang mga paa ko papunta kay Annie at inagaw sa kanya ang kutsilyo at inihagis ito palabas ng room namin na naging dahilan sa pagbagsak ko sa sahig at agad namang nawalan ng malay.

~~

Unti unti kong iminulat ang aking mga mata at nakita kong pinapalibutan ako ng iba kong mga kaklase ko.

"Mabuti naman at gising ka na." Wika pa ni Sharmaine na guminhawa pa ng malalim at nginitian pa ako ng matamis.

Napaupo naman ako bigla sa higaan kung saan man ako ngayon at inilibot ko pa ang aking mga mata sa kwarto kung saan man ako naroroon.

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now