Chapter 019: Bloody Gift

1.1K 66 25
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

Ryle's POV

Pagkabukas ko sa giftbox na nakalapag sa teacher's table ay nagsigawan ang lahat ng babae at nagulat naman ang iba ng bumulaga sa amin ang putol na ulo ni Cristopher at kasama pa nito sa loob ay ang kanyang mga organs na puno pa ng dugo.

"Ahhhhh!! Hindi ko na kaya to!" Sigaw ni Sarah na nawala ang kanyang pagkamatarayin dahil sa kanyang nakita. "Ba't ba kailangan pang mangyari ang lahat ng ito?" Napaiyak nalang siya.

Sa totoo lang, Nandiri talaga ako sa aking nakita, Kasi may mga uod na ang kanyang organs at nangangamoy na. Para siyang isang patay na kambing, na daga, na pusa? Basta malapit sa mga ganyan pero di ko maipaliwanag kung ano ba talaga ang amoy.

"Kailangan natin tong itago guys!" Pahayag ko sa kanilang lahat.

"Itago na naman?!" Sambit pa ni Annie na halatang naiinis. "Alam niyo ba na kailangan na natin tong isabi sa mga teachers ang mga nangyayari dito sa classroom natin?! Ba't ba lage nalang sikreto dito, Sikreto doon ang ginagawa natin?! Siguro ikaw ang gumawa niyan kay Cristopher, Mayor ano?!" Dagdag pa niya na napalitan ang ekspreyon sa mukha ko.

"Ang ibig ko lang naman ay dapat di natin to isabi sa mga teachers dahil magdadala lang tayo ng marami pang problema sa kanila! At tsaka isa pa, Hindi ako ang gumawa kay Cristopher niyan no! Wag mo kong pagbintangan! Mayor niyo ako dapat makinig kayo!" Suhestiyon ko.

Dahil sa inis ay umupo nalang ako sa aking upuan at isinaksak ang headset ko sa aking tenga at nagsoundtrip nalang. Kainis!

At pagkatapos non ay agad namang gumawa ng paraan ang iba naming mga kaklaseng lalaki para itago ang nakita namin.

"Itinapon nalang namin doon sa maliit na bodega don sa ground floor para walang makakaalam." Paliwanag ni Kenedy na lumapit sa akin

Di ko nalang siya pinansin dahil wala namang patutunguhan ang pag-uusapan na ito. Naging maluwag nalang ang damdamin ko dahil naitago na nila ang giftbox na naglalaman ng ulo at mga organs ni Cristopher.

Jaymee's POV

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita at muntik na ngang nahulog ang salamin ko sa mata dahil sa pagkagulat ko. Ulo ni Cristopher at ang kanyang mga organs ang nakalagay sa loob ng giftbox. Halatang presko pa ito dahil sa napakapulang dugo na rumaragasa pero marami nang uod ang gumagapang dito at nangagamoy pa. Napatakip nalang ako sa ilong ko dahil sa baho nito.

Pero ang mas nakakakilabot na nagpatindig pa ng balahibo ko ay dilat pa rin ang mata ni Cristopher at iniharap ang kanyang mukha sa loob ng box.

"Kailangan natin tong itago guys!" Pahayag ni Ryle sa aming lahat.

"Itago na naman?!"Rinig kong sambit pa ni Annie na halatang naiinis. "Alam niyo ba na kailangan na natin tong isabi sa mga teachers ang mga nangyayari dito sa classroom natin?! Ba't ba lage nalang sikreto dito, Sikreto doon ang ginagawa natin?! Siguro ikaw ang gumawa niyan kay Cristopher, Mayor ano?!" Dagdag pa niya na napalitan ang ekspreyon sa mukha ng aming mayor.

"Ang ibig ko lang naman ay dapat di natin to isabi sa mga teachers dahil magdadala lang tayo ng marami pang problema sa kanila! At tsaka isa pa, Hindi ako ang gumawa kay Cristopher niyan no! Wag mo kong pagbintangan! Mayor niyo ako dapat makinig kayo!" Suhestiyon pa niya.

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now