Chapter 029: Secrets To Be Told

887 63 51
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

Arvie's POV

Malaking pagkakasala ang nagawa ko noon, Kaya gusto ko na tong ipaalam kahit sa isang tao man lang. Ayaw ko nang magtiis pa sa aking problema, Kaya sana kung mamamatay man lang naman pala ako... Sasabihin ko na ito sa isa sa mga kaklase ko. Para naman magkaroon ng konsensiya ang kaluluwa ko kahit kaunti.

"Si Jilly!" Napaisip nalang ako bigla sa kanya at dali-dali kong kinuha ang phone ko at agad na hinanap ang contact ko kay Jilly. Alam kong meron akong number ni Jilly!

Nakita ko na agad ang number niya at agad ko naman siyang tinext.

"To: Jilly Sasi 11P1

Message Body:
                     Jilly, Gusto kitang makausap ngayon. May sasabihin lang ako sayo. Mag-aantay ako sayo ngayon sa Park! Please be there at 8:00 pm. Di ako aalis!"

At sinend ko na yung message ko sa kanya. Pagkasend na pagkasend ko ng message ko ay agad akong nagbihis at lumabas na sa aking dorm room patungo sa park.

Umupo ako sa isang bench sa park at halos higit isang oras na akong naghihintay kay Jilly dito pero kahit isang reply ay wala akong natanggap sa kanya. "Baka di siya pupunta..." Sabi ko sa isip ko na habang nakayuko pa ang ulo ko na tinitignan ang phone ko.

"Oh, Arvie! Anong ginagawa mo dito?"

Ryle's POV

As their Mayor, Kailangan kong ako-in ang lahat ng responsibilities dito sa Class namin. Ako naman talaga ang nagsabi sa kanila na itago nila ito na sikreto eh, So siguro oras na para sabihin ko na sa mga teachers ang nangyayari sa class namin.

"Miss, Let me tell you everything!" Agad naman akong naghands up para sabihin na sa lahat kay Miss Aede at sa ibang mga school staffs ang mga nangyayari sa amin.

"Meron pa bang ibang gustong sumali sa Mayor niyo para tulungan siyang sabihin sa amin ang tungkol sa mga nangyayari sa Class na ito?" Tugon ni Miss Aede sa amin habang inilibot niya ang kanyang mga paningin sa loob ng classroom namin, Pero ni isa walang rumesponde kay Miss.

"Ako nalang din po, Miss!" Narinig kong wika pa ni Rain, Ang Vice mayor namin. "As a Vice mayor of this class, Kailangan ko ding gawin ang part ko bilang isang officer!" Dagdag pa niya.

Tumango lang si Miss at agad naman siyang lumabas kasama ang ibang mga school staffs. Agad naman kaming sumunod dalawa ni Rain sa kanila papalabas ng Room.

"Mayor and Vice Mayor, Hindi tayo pwede mag-usap dito sa labas ng room niyo!" Pahayag ni Principal Saviour. "We must go to my office! To the Principal's office!"

At agad naman kaming pumunta sa Principal's Office kasama si Miss Aede, Nurse Yolei, Principal Saviour at si Rain at ako habang ang ibang school staffs ay pinabalik sa kanilang faculty office.

"Maupo muna kayo!" Utos sa amin ni Principal Saviour at agad naman kaming umupo sa mga upuan na nasa loob ng Principal's office.

Umupo rin si Principal Saviour sa kanyang upuan na nasa tapat ng table niya habang sina Miss Aede at Nurse Yolei naman ay tumabi sa amin kung saan kami nakaupo ni Rain.

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now