Chapter 027: Drowned

769 58 16
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

Jilly's POV

"Takbo, Jilly! Takbo!" Sigaw sa akin ni Aries habang nagtatakbo kami ng mabilis patungo sa dorm building namin dahil sinunsundan niya kami.... Ang pumapatay sa section namin... Ang Class Murderer!

"Tapos na akong makipaghabulan sa inyo!" Napatigil kami sa pagtakbo ng humarang siya sa daan. "Ngayon, Kayo na naman ang maging taya.." Mahinang sabi pa niya na ngumisi pa ng nakakaloko na para bang isang ngisi ng demonyo.

Akmang tatakbo na sana kami ulit ng biglang bumagsak si Aries sa lupa.

"Aries!!" Tawag ko pa sa kanyang pangalan na may pag-alala. At dun ko napagtanto na may hawak hawak na palang baseball bat ang Class Murderer na ginamit siguro sa paghampas kay Aries kaya siya nabagsak sa lupa.

"J-Jilly... T-Tumakbo ka na...B-Bilis.... Sabihin mo na sa....mga..kaklase... natin.." Pautal at paghihirap niyang tugon pa sa akin.

Gusto ko mang tulungan siya, Pero inisip ko nalang na mas mabuti pa na malaman muna ng lahat ang katotohanan bago pa man mahuli ang lahat. Ayaw kong sayangin ang pagsasakripisyo ni Aries!

"Maghanda kang malaman ng lahat to'!" Sigaw ko pa sa Class Murderer pero ang mga mata niya'y tumingin pa rin kay Aries at wala sa akin.

Nagmamadali nalang akong tumakbo palayo kung saan sila at agad na nagtungo sa Dorm Building namin.

Hingal na hingal ako at hinabol ko pa ang aking hininga ng makatayo na ako sa labas ng Dorm Building.

"Paano ko to sasabihin sa kanila? Maniniwala kaya sila sa akin?!" Gulong gulo ako sa pag-iisip ko nang makapasok ako sa dorm room ko kung ano ang sasabihin ko sa mga kaklase ko. Baka di nila ako paniwalaan na siya lang pala ang Class Murderer! Anong gagawin ko?

Biglang tumunog ang phone ko at may isa akong natanggap na mensahe sa isang unknown number.

"Reciepient: 09728419625

Message Body:
                    Jilly, Gusto kitang makausap ngayon. May sasabihin lang ako sayo. Mag-aantay ako sayo ngayon sa Park! Please be there at 8:00 pm. Di ako aalis!"

Nagtaka na naman ako kung sino tong nagtext sa akin. Mukhang wala akong panahon na bisitahin kung sino man ang taong nag-anyaya sa akin dahil busy na nga ako nag-isip kung ano ang sasabihin ko sa mga kaklase ko para magtiwala sila sa akin na alam ko na ang totoong Class Murderer, May dadagdagin pa? Aba'y hindi pwede to!

Kailangan ko na talaga tong sabihin sa kanila bago pa man mahuli ang lahat.

Aries' POV

Iminulat ko ang mga mata ko at inilibot ko ang paningin ko sa aking paligid. Nasa loob ako ng isang madilim na kwarto kung saan nakatali ang buong katawan ko sa upuan na kinauupuan ko ngayon.

"Mabuti naman at gising ka na, Aries!" Sabi ng isang boses sa isang sulok na madilim. Teka! Ngayon ko lang napagtanto na ang kwarto na ito ay siyang kwarto kung saan pinapatay yung ibang mga kaklase namin. Isusunod na ba talaga ako ng gagong to?!

"Handa ka na ba, Aries...?" Unti-unti siyang lumakad patungo sa'kin at itinapat ang kanyang bibig sa aking tenga. "Sa iyong kamatayan?.."

"Pfft!" Ngumisi ako ng bigla at agad niya akong tiningnan sa kanyang malalamig na mga mata. "Di magtatagal malalaman din ng mga kaklase natin na ikaw ang pumapatay sa kanila! Sasabihin ni Jilly ang totoo sa kanila. Malay mo, Sa mga oras na ito'y.... Pinaghahanap ka na ng mga kaklase natin para ikaw naman ang kanilang patayin!" Kahit nahihirapan ay nagawa ko pa ring takutin siya sa aking mga nasabing salita habang nakangisi ng pandemonyong ngisi sa kanya.

Class Murderer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon