Chapter 028: The Witness

928 64 117
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

Jane's POV

"No way! He's the Class Murderer?" Napabulong ako ng makita ko kung paano niya hampasin ng baseball bat si Aries na nagdulot ng pagkawala ng malay nito.

Nandito lang ako nagtatago sa isang puno habang pinagmamasdan ang lahat ng mga nangyayari. Alam na din pala ni Jilly ang lahat!

Nakita ko na agad niyang binuhat si Aries at sikreto ko naman siyang sinundan ng patago para malaman kung ano ang binabalak niya kay Aries. Papatayin kaya niya si Aries?

Napansin kong pumasok siya sa Dorm building ng mga teachers. Pero bakit pumunta siya don? Anong nandun?

Hindi sa curious, Pero sadyang naglakad lang ang paa ko ng kaniya kanya at pumasok ako bigla sa teacher's dormitory.

Napapansin kong sobrang tahimik pala ng dorm na ito, Walang katao tao di tulad ng dorm naming mga estudyante na maraming tao ang naglalakad dito, naglalakad doon ang makikita. Pero dito? Not even a shadow of a mouse makikita mo.

"Oh well, Kunti lang naman ang teachers eh! Kaya naiintindihan ko!" Sabi ko pa ng mahina na napakibit balikat pa ako.

Pero, Teka.... Saan na siya?

Inilibot ko ang tingin ko na nagbabasakaling makita ko siya ulit kung saan niya dadalhin si Aries. Kung ano ang gagawin niya kay Aries.

Agad nakuha ang atensiyon ko sa mga trails of blood na nasa sahig.

"Siguro galing to sa dumudugong ulo ni Aries..?"

Sinundan ko naman ang trail kung saan ako dadalhin nito at dinala ako nito sa 3rd floor ng dorm.

"Saan ba niya dinala si Aries?" Nagtaka ako at tumigil ang patak ng dugo sa tapat ng isang pintuan ng isang dorm room. "I know for sure na nasa loob si Aries ng kwartong to!"

Kakatokin ko na sana ang pinto ng biglang may mga yabag ang narinig ko na paparating dito.

Dali-dali naman akong nagtago sa likod ng isang malaking flower vase na katabi ng room kung saan naroroon si Aries.

"Oh my god!" Napabulong ako at laking gulat ko nang makita ko ang mukha ng babaeng pumasok sa kwarto na yun. Teka! Ba't pumasok siya sa loob? Don't tell me, Na kasabwat siya ng Class Murderer namin na classmate! Ohmaygaad!

Gusto ko sanang sabihin sa lahat ng mga kaklase ko lahat ng nalalaman ko pero may isang part ng sarili ko ang pumipigil na dapat mag observe muna ako ng super para sa mga proofs.

Okay, So naririnig kong nag-uusap sila sa loob ng kwarto at itinapat ko naman ang aking tenga sa pintuan para marinig kung ano man ang pinag-uusapan nila sa loob.

"Ano? Mission Accomplished na?" Rinig kong tanong ng babae sa loob.

"Tingnan mo oh! Mga ilang minuto nalang at mamamatay na rin siya haha!" Tumawa yung lalaki sa loob.  But wait? Mamamatay? Si Aries ba tinutukoy niya? Siya nga ba talaga ang totoong Class Murderer? Oh my!

"Well, That's good to hear!" Wika pa ng babae na feeling ko nasisiyahan talaga siya. "Sayang naman... May potential pa nga siyang maging killer, Pero nagtraydor siya! Tsk!" Parang nadisappoint siya yata? But wait? Anong ibig niyang sabihin? Don't tell me na involved rin si Aries sa mga killings ng mga classmates namin? No way! "But still, Paano na yan? May ahas pang nakaka-alam? Anong gagawin mo?" Pagkarinig ko sa mga salita na yun ay agad aking kinabahan. Ako ba ang tinutukoy nilang ahas na nakakaalam? Papatayin rin kaya nila ako? Well, Obvious naman na papatayin nila ako kasi kasali ako sa 13 Sinners. Andun ang picture ko. Gosh! Marami na akong nalalaman. Ayaw ko na dito!

Class Murderer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon