Chapter 013: Miss Donna is Dead

1.1K 73 45
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

Ryle's POV

Tumayo ako sa harapan ng mga kaklase dahil may mahalaga akong inaanunsiyo sa kanila. Alam kong hindi nila mapapaniwalaan ang masasabi ko sa kanila, Pero kailangan kong sabihin sa kanila. "Guys, Maupo muna kayong lahat!" Utos ko na sabay ay umupo naman din silang lahat. "Bigyan niyo lang ako ng 5 minutes ti explain what's going on! So ganito guys...." Panimula ko na parang pinipigilan ako ng bibig ko para magsalita.

"Sabihin mo na sa kanila kasi." Bulong ni Rain sa akin habang tinabihan niya ako. Napatango nalang ako bilang sagot. Dinadahan-dahan kong isabi sa kanila ang gusto kong sabihin.

"Guys, Patay na si Miss Donna!" Napayuko ako kaagad sa sinabi ko sa kanila. Kita sa kanilang mga muka ang pagkabigla at pagkagulat sa narinig nila.

"Huh?! Kailan pa?!" Pasigaw ni Illie na may namumuong luha sa mga mata niya, Sabay tayo sa kanyang upuan.

"Kagabi daw...." Bilang sagot ko sa tanong niya. "Nabangga kasi ng isang carrier truck ang sinasakyan na jeep ni Miss Donna pauwi eh, Kaya ayun." Pahinang paliwanag ko sa buong kaklase ko na kita ang lungkot na ekspresyon na nakapinta sa mukha ko.

"Kanina mo nalaman yan, Mayor?" Pagtatakang tanong ni Ara sa akin.

"Chinat ako ni Miss Aede sa nangyari sa kanya. Akala ko nga biro lang niya, Pero totoo pala." Kinuyom ko yung mga kamao ko na tinitingnan sa mata si Ara na hinihintay ang sagot sa tanong niya.

"Pero, Wag kayong mag-alala, May papalit naman sa atin na bagong English at Research subject teacher next week daw. So maghintay nalang tayo. Kaya for now, Ang gagawin lang natin para sa English at Research ay attendance lang." Dagdag ko namang paliwanag sa kanila.

Paupo na sana ako sa upuan ko ng biglang nagsalita si Renz. "Di kaya, Kagagawan to ng Class Murderer kay Miss?"

Gusto kong maniwala pero di ko alam dahil nabangga ang jeep na sinasakyan ni Miss Donna ng isang malaking carrier truck, So, I'm sure na wala na siguro kinalaman ang Class Murderer nito. Pero naniniwala naman ako ng kunti na ang Class Murderer talaga ang may gawa sa aksidente ni Miss. Pero Bakit?

Ken's POV

Naglalakad kami ngayon patungo sa campus kasama ang bestfriend kong si George. Ilang minuto na akong hindi umiimik dahil sa mga nangyayari sa amin sa classroom namin. Di kasi ako makapaniwala na patay na si Jordan, Ka squad ko pa naman siya. Kahit nalaman ko ang pagkakasalang nagawa niya ay di ako mandidiri sa kanya, Kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya.

"Ken, Okay ka lang?" Nabigla ako ng tinapik ni George ang balikat ko.

"O-Oo! Okay lang ako, Bakit?" Pautal na sagot ko sa kanya na pinipilit ko ang ngumiti.

"Kanina pa kasi kita kinakausap eh, Pero i ka naman nagreresponde sa mga sinabi ko sa'yo. Para kasing malalim ang pag-iisip mo eh." Paliwanag niya na inakbayan pa ako sa balikat.

"Sorry. Ano nga ulit yung sinasabi mo?" Wika ko sa kanya na may halong pagtataka.

"Wala!" Napalakas niya ang kanyang pagsagot na nakasimangot medyo ang mukha at binitawan ako sa pag-aakbay. "Pero, Teka, Pre, Ano bang nangyayari sa section niyo? Ewan ko lang ha, Pero habang nagtatagal, Nagkaka weird na kayong lahat. Ramdam ko talaga! May nagaganap bang kakaiba sa class niyo, Pre?" Napatigil ako sa paglakad at tumingin sa kanya na para bang di ako makapniwala sa narinig ko sa kanya. Alam niya ang nangyayari sa amin? Dapat sikreto lang kasi to eh! Paano niya nalaman?

"M-May nalalaman ka ba?" Paputol ko na tanong sa kanya.

"Wala naman akong nalalaman. Ang tanging alam ko lang ay parang may weird na kakaibang nangyayari sa section niyo. Ewan ko, Pero nararamdaman ko lang!" Sagot niya at naglakad na ng diritso sa campus. Napahinga ako ng malalim dahil baka alam niya, Pero hindi pala. Pero nararamdaman niya. Kung nararamdaman niyang weird na ang nangyayari sa section namin, Di kaya'y nararamdaman din ito ng iba?

~~

Pagkadating namin sa campus ay agad na kaming umakyat sa hagdanan patungo 5th floor. Di na lang kami nag elevator dahil maraming tao ang nakalinya dito.

Pagkadating namin sa 5th floor ay agad na kaming pumunta sa mga classroom namin. Nasa 11P2 ang kaibigan kong si George kaya tabi lang kami ng classroom. Nang pumasok ako sa aming silid ay nakita kong tumayo sa harapan si Mayor at inutusan kaming umupo sa upuan namin dahil daw may mahalagang iaanunsiyo siya.

Nabigla ako sa kanyang sinabi.

"Guys, Patay na si Miss Donna!"

Kai's POV

Naiwan akong mag-isa sa library na nakatayo pa rin at hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi ni Aries kanina na may nalalaman siya tungkol sa Class Murderer. Posible ba kayang isa siya sa mga Class Murderers? Pero hindi naman siguro.

~~"Gamit ang susing binigay ko sayo, Marami kang matutuklasan na mga bagay na di dapat makita ng mga mata mo, Kai!"~~

Naalala ko muli ang sinabi niya sa akin at tiningnan ang Susi na nasa palad ko. Anong ibig sabihin nito? Ba't Susi?

Nakapinta sa mukha ko ang pagtataka dahil sa medyo naguguluhan ako. Nagsasabi kaya siya ng totoo? Mapagkakatiwalaan ko kaya si Aries? Parang ang hirap magtiwala talaga ngayon dahil alam kong marami pala ang Class Murderers at di lang siya nag-iisa. Grabe na talaga! Hindi ko na alam kung sino ang makakapagkatiwalaan ko sa aking mga kaklase.

Naguguluhan man ay pilit ko munang inalis ang Class Murderer sa isip ko, Dahil late na ako. Mapapagalitan na naman ako nito! Dali-dali kong kinuha ang backpack ko at ibinulsa ang susi. Nagmamadali akong lumabas at tumakbo ng mabilis patungo sa classroom.

Pagkadating ko sa labas ng classroom namin ay hinabol ko muna ang paghinga ko at pinuwesto ko ang kanang kamay ko sa aking dibdib na hingal na hingal.

Pipihitin ko na sana ang doorknob nang may narinig akong nag-iiyakan sa loob ng classroom namin. Nagmamadali akong pumasok at nakita ko na wala pang teacher. Huminga ako ng malalim dahil sa tuwa. Yey! Di ako late!

Pero nagtaka ako kung bakit tahimik ng mga kaklase ko at ang iba naman ay umiiyak. Ano bang nagyari sa kanila? Dumiritso nalang ako sa aking armchair at umupo, Naibaling ko ang mata ko kay Aries na tinitignan pala ako. Hindi ko alam pero bumalik na ang kalmadong ekspresyon niya sa mukha. Napakamisteryoso talaga siya. Ginantihan ko nalang siya ng ngiti.

"Andy, Anong nangyari? Ba't ang tahimik at yung iba umiiyak?" Tanong ko sa katabi kong si Andy.

"Patay na kasi si Miss Donna, Kaya ayun nagdrama ang lahat!" Paliwanag niya ng seryoso at nawala ang YOLO na tono ng boses niya.

Nabigla naman ako sa kanyang sinabi at parang di talaga ako makapaniwala. Patay na si Miss Donna?

"Kailan daw?! Bakit?!" Tanong ko muli sa kanya.

"Chill lang bruh! Hinay-hinay lang sa pagtanong." Wika niya at tinignan ako. "Kagabi daw siya namatay sabi ni Mayor. Nabangga kasi daw ng isang malaking Carrier truck ang sinasakyan na Jeep ni Miss Donna." Pagpaliwanag niya.

Napakagat ako sa labi ko sa mga sinabi ni Andy. Pati si Miss Donna patay na? Wag mong sabihin na ang Class Murderer ang may gawa nito? 

Di ako makapaniwala.....

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Haystt.. Anyway, If you love or like this chapter, Please don't forget to vote to support the author.
        -Hikari ♡

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now