Chapter 040: Vision

792 54 84
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

Jaymee's POV

Naglalakad ako ngayon sa isang mahabang pasilyo at hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Kusang lumakad lang ang aking mga paa ng kanya kanya lang.

Kahit saan man ako tumanaw ay puti lang palagi ang nakikita ko. Parang nasa malalim din ang pag-iisip ko kaya hindi ko namalayan ang mga bagay bagay na nangyayari sa paligid ko. Kahit na puti lang yung palaging nakikita ko ay nararamdaman ko pa rin na may nangyayari talaga sa tigdudulo ng mga mata ko. Pero ano?

Halos wala akong maalala lahat. Ang alam ko lang ay may lalakarin akong isang napakalayong lugar. Isang lugar na mapayapa at tahimik at walang gulo na nagaganap. Pero hindi ko alam kung ano ang tawag sa lugar na yun, Dahil yun lang ang alam ko. Kailangan ko talaga siyang lakarin upang makarating na ako doon.

"Jaymee. Jaymee."

May narinig akong isang bumubulong na boses ng babae sa hangin. Jaymee? Parang narinig ko na ang pangalan na yun, Pero hindi ko maalala kung saan at sino.

"Jaymee. Jaymee."

At sa pangalawang pagkakataon ay narinig ko na naman ang boses ng babae. Pero ngayon ay hindi na siya bumubulong sa hangin, Parang...

Lumingon ako sa likod at nakita ko dun ang isang babaeng nakatayo. Maikli ang buhok niya na aabot lang sa shoulders, Maputi siya, At yung inosente niyang mukha ay bumagay sa kanyang kagandahan.

"Sino ka?" Walang kaganang-ganang tanong ko sa kanya. Nginitian lang naman niya ako at agad niya akong nilapitan at niyakap.

"Jaymee." Nabigla ako sa ginawa niya. Pero teka? Ako ba ang ibig sabihin niya? Si Jaymee? Ba't hindi ko maalala? Medyo naguguluhan ako pero winala ko lang dahil baka nagkamali lang siya na pagtawag ng tao.

"Jaymee. Ikaw si Jaymee!"

"Ako si Jaymee?"

"Oo! Ikaw si Jaymee!"

Mukhang ako nga talaga ang Jaymee na tinutukoy niya. Bigla namang may nagplay sa likod ng mind ko at nakita ko lahat. Naaalala ko na lahat...

"I remember now!" Bungad ko pa na patingin tingin pa ako sa paligid. "Naaalala ko na ang lahat." At tumingin naman ako agad sa babae at naalala ko rin kung sino siya. "Rhea?" Pagkasabi ko nun ay ngumiti siya sa akin. Di ako pwedeng magkamali. Siya nga si Rhea. Ang kababatang kaibigan ko noon na sumakabilang buhay na dahil sa sakit niya sa puso.

"Salamat naman at naaalala mo na lahat, Jaymee." At kumawala siya ng yakap.

Nginitian ko naman siya bilang tugon ko sa kanya.

"Bakit ba ako nandidito, Rhea? Patay na ba ako?" Napakunot noo pa ako sa pagtatanong ko sa kanya.

"Hindi ka pa patay, Jaymee. Nandito ka lang sa white hallway. Which is, Dito naglalakad ang mga taong yumao na patungo sa langit." Paliwanag pa niya. Pero kung mga yumao lang ang naglalakad dito, Ba't ako nandito?

"Bakit ako nandito kung mga yumao lang ang dapat na naglalakad dito?"

"Naligaw ang kaluluwa mo, Jaymee. Kaya nga kita tinawag upang pigilan ka sa paglalakad mo dito dahil maaaring pagdating mo sa dulo ay tuluyan ka na talagang mamatay, Jaymee."

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now