Chapter 036: Panic

782 54 168
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

A/N: Kung nagbasa ka ng mabuti, Malalaman mo at maiintindihan mo talaga ang kwento.
~~

Jilly's POV

Halos mga ilang araw na din akong hindi na naman pumasok sa school dahil hindi ko pa rin maialis sa isip ko ang mga nangyayari sa klase namin ngayon. Lalong lalo na ngayon na alam ko na kung sino ang totoong Class Murderer sa amin. Ayaw kong pumasok di dahil para maiwasan siya sa paningin ko, Kung di sobrang pagsisi ko sa nangyari kay Arvie. Namatay siya dahil hindi ko agad siya pinuntahan ng mga gabing iyon sa park. Feeling ko ako ang may kasalanan kung bakit siya pinatay ng Class Murderer eh. Ayaw ko na tong maulit. Gusto ko nang manahimik. Ayaw ko nang mainvolve pa sa mga nangyayari.

"Recipient: 09728419625

Message Body:
                      Jilly, Gusto kitang makausap ngayon. May sasabihin lang ako sayo. Mag-aantay ako sayo ngayon sa park! Please be there at 8:00 pm. Di ako aalis!"

Binasa ko ulit ang huling mensahe na minessage niya sa akin ng mga gabing iyon. Kung sana inagahan ko lang ang pagpunta ko. Hindi sana siya namatay. Hindi sana siya pinatay ng Class Murderer. Grabe na talaga to. Sobra-sobra na talaga ang ginagawa niya sa amin. Hanggang kailan pa ba niya ito tatapusin? Pag patay na kaming lahat? Gusto ko nang matapos na ang lahat ng 'to. Ayoko na.

Naalala ko na naman ang mga nangyari sa mga gabing tinext ako ni Arvie. Pero hindi ko kilala kung kaninong numero yun kaya binalewala ko nalang dahil sa sobrang pagpapanic ko sa aking kaloob-looban. Nag iisip pa ako ng plano kung paano ko sasabihin sa mga kaklase ko ang totoong Class Murderer, Kaya di ako agad nakaresponde sa mensahe niya.

Hanggang sa chinat niya ako ng gabing iyon na pumunta daw ako sa park. At pag sinabi kong siya. Ang siya na pumapatay sa mga kaklase namin. Ang Class Murderer.

Dahil sa kaba ay agad naman akong pumunta ng park at biglang nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Nakahandusay ang katawan ni Arvie na may tusok pa na kutsilyo sa dibdib niya kung saan ang kanyang puso. Dumudugo pa ito pero hindi na humihinga si Arvie. Patay na siya...

Dahil sa nangyari sa kanya sa gabing iyon, Ay pilit kong isinaksak sa aking sarili na ako ang may kasalanan kung bakit namatay si Arvie. Kung sana pinuntahan ko lang siya ng maaga, Sana ay hindi siya pinatay ng Class Murderer.

Sa tuwing naiisip ko ang mga lahat ng yun ay palagi nalang akong naluluha. Naluluha dahil hindi ko na to kaya. Napanghihinaan na ako ng loob. Di na ba matatapos to?

"Tok! Tok!"

Biglang may kumatok sa labas ng pintoan ng dorm room ko. Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba o hindi dahil baka siya ang nasa labas. Ewan ko, Pero pinangungunahan ako ng takot at nanginginig pa yung buong katawan ko habang nakatayo sa tapat ng pinto ko.

"Jilly?" Isang pamilyar na boses ng babae ang tumawag sa pangalan ko. "Nandiyan ka ba sa loob?" Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang boses ng kumatok sa pinto ko at dahan dahan kong inunlock ang doorknob at binuksan ang pinto.

"Jane?"

Jane's POV

And so, Naglalakad ako ngayon patungong campus namin. Pero dahil sa lahat ng mga nangyari, Sa lahat ng mga nakita ko. I'm not really feeling well. I don't think that I can focus nito sa class namin now na alam ko na kung sino ang totoong Class Murderer. Sobrang gulong gulo ang ulo ko kung paano ko sasabihin sa aking mga kaklase ang aking nalalaman.

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now