Chapter 010: Jealousy

1.2K 74 90
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

~~
A/N: "Nangyari ito nung buhay pa si Bea at ito ang explanation sa Chapter 1"

Jenny's POV

"Jenny, Punta tayo sa cafeteria!" Painosenteng anyaya ni Bea na tumayo sa harapan ko. "Tara! Ililibre kita!" Dagdag pa niya at laking gulat ko ng bigla niyang hinatak ang aking kamay palabas ng classroom at naglakad patungo sa cafeteria. Kita ang saya sa kanyang mukha nung' sinamahan ko siya.

"Jenny, Ano gusto mo?" Tanong niya sa akin na may dala pang pangiti-ngiti. How plastic! Pftt.. Ginagawa lang naman niya to para mapagtakpan ang nagawa niyang kasalanan! Ako lang kasi yung nakakaalam sa ginawa niya noon eh! Di naman talaga niya ako kinakaibigan.

"Ahh, Kahit ano lang! Ikaw naman ang manlilibre sa akin eh!" Tugon ko sa kanya na sinabayan ko din ng pinakapeke kong ngiti na hindi namang halata na peke.

Bumili nalang siya ng dalawang banana cue para saming dalawa. How cheap! Pero, Okay lang libre niya naman eh, So whatever!

"Jenny oh!" Habang inaabot niya sa akin ang isang banana cue. "Salamat sa libre, Bea!" Wika ko sabay abot sa banana cue na kanyang inabot at ngumiti nalang ako. But fake.

Umupo kami sa isang table at kinain ang banana cue. "Ang sarap no?" Sabi niya sabay subo sa kanyang banana  cue. "Oo nga eh.." Hindi ko man gusto pero kinain ko nalang, Kasi kahit kunting respeto maipakita ko sa kanya. Kahit fake lang!

Tatayo na sana kami sa table na inuupuan namin ng biglang dumating si Art at pabigla niyang hinampas ang table. "Oyy!!"

Nagulat kami sa paghampas niya na nagdulot ng pagtawa niya ng malakas sa amin na para bang natutuwa talaga siya. "Parang ganun lang, Nabigla na agad kayo?"

"Really, Art?!" Malakas na pagkakasabi ko na pumipinta ang simangot sa aking mukha. "Hahaha, Sorry na nga eh!" Dagdag pa niya na may dalang ngiti sa kanyang labi.

Ng nakita ko ang ngiti niya ay bigla nalang nawala ang pagkasimangot ko at nginitian nalang siya pabalik. Ewan ko ba? Pero sa t'wing nakikita ko siya na nakangiti, Ay napapangiti rin niya ako... Gusto ko na talaga si Art!

Pagkatapos niyang mag sorry ay tinabihan niya si Bea at inakbayan ito. Ayan na naman! Nakakairita at nakakainit talaga ng ulo yang si Bea! Palagi nalang siya ang atensyon ni Art! Grabe talaga ang kalandian ng babaeng yan! Maximum overload 100%! Ew! Such a b*tch! Selos na kung selos, Pero gusto ko talaga si Art, At ayaw ko talaga kay Bea, Landi landi talaga!

Kahit nagseselos ako sa dalawa na kulang nalang buhatin sila ng mga langgam dahil sa kakasweet nila ay umarte nalang ako ng hindi ako naapektuhan sa mga nakita ko. Agad namang tumabi si Aren sakin. Ang bestfriend ni Art. "Okay ka lang?" Tanong niya sakin na may ngiti sa kanyang labi na nakapinta. "Oo, Okay lang ako! Salamat sa pagtatanong!" Sagot ko at nginitian ko na lang din siya pabalik. Fake pa rin ang ngiti ko, Pero hindi katulad na ngiti pag si Bea ang kasama ko, Kasi kung fake ang ngiti ko ngayon, Mas fake pa talaga pag kasama ko siya!

"Bea, Punta tayo sa mall ngayong sabado. Okay lang ba?" Anyaya ni Art sa kanya na hinigpitan pa niya ang pagkaka-akbay sa malanding babaeng kaharap niya. "Okay lang sakin, Basta libre mo?" Tugon ni Bea na tumawa ng mahina pero dinig na dinig ko ito. Malandi na nga, Pabebe pa! Sobrang Pabebe!

Class Murderer (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz