Chapter 003: Creepy Messages

1.9K 115 129
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

~~
Nanglaki ang mga mata nila sa kanilang nabasa na message na nareceived nila sa mga iba't-ibang unknown numbers.

"Ano ibig sabihin nito?" Panimulang tanong ni Sarah sabay tayo na nanginginig. "Ano ibig sabihin ng 32 Left Alive at 1 Dead?"

"Baka wrong sent lang siguro yung Sender!" Wika ni Cool sabay tawa.

"Maniniwala talaga ako na wrong sent to kapag hindi kaparehas yung message na nareceive nating lahat! Eh, Pare-parehas lang eh! Paano magiging wrong sent to ha? At kapal pa ng sender para gumamit ng iba't-ibang numero! Wow! RK niya ha para magkaroon ng maraming simcards!" Naiinis na sagot ni Sarah sabay ikot sa kanyang mga mata.

"Parang nagets ko ang ibig sabihin ng message na ito!" Sambit ni Ricky na itinaas ang kanyang kamay.

Tumingin ang lahat ng Class sa kanya at nakinig sa kanyang pinaliwanag na teorya.

"Ang nagets ko dito ay baka yung 1 dead ay si Bea yung tinutukoy at yung 32 left alive ay tayo yung tinutukoy. Tayo ngayon! Na nabubuhay pa sa class na ito."

"So, Your point is?" Sambit ni Rain.

"Baka gusto ng killer na patayin tayo isa-isa! Baka ito yung ibig sabihin ng 32 left alive kasi 33 over all naman tayo at nung namatay si Bea, 32 nalang tayo ngayon! Siguro yun ang ibig sabihin ng message na ito!" Paliwanag niya.

Dahil sa narinig na paliwanag na teorya ni Ricky, Natakot ang lahat sa kanyang mga sinabi. Baka nga kasi totoo ang sinasabi nito.

Bigla na namang nanahimik ang buong class at ang lahat ay nasa malalim ang pag-iisip na parang huling araw na lang nila.

"Andy! Jane!" Tawag ni Kai sa kanyang mga katabi na nagdulot sa paglingon nila sa kanya. "Sa tingin niyo, Totoo kaya yung sinabi ni Ricky about sa kanyang teorya?"

"I dunno! Kasi kung mamatay tayo isa-isa edi amazing!" Yolo na sagot ni Andy sabay dab pose na tumawa ng kunti.

"Really?!" Sambit ni Kai na medyo naiinis sa sagot ni Andy. "Ikaw Jane? Naniniwala ka ba? Please wag mo kong ipilosopo katulad ni Andy!" Pakiusap niya.

"Para sa akin no? Parang may point yung teorya niya na kanyang sinabi sa atin kasi may nakalagay kasi sa message na 32 left alive. So baka talaga ang tinutukoy ng message ng yun ay tayo sa class na ito at sa pagkamatay ni Bea. Pero ang hindi ko lang nauunawaan ay, Bakit naman tayo papatayin isa-isa kung sino man yung gustong pumatay sa atin. I mean, Wala naman tayong ginawa sa kanya, diba?" Paliwanag ni Jane ng seryosohan habang nakatingin sa kanyang phone na paulit ulit na tinitignan yung nakakabalabag na mensahe.

"Pero sino naman ang gustong pumatay sa atin?" Wika ni Kai na nagtataka.

"Ewan!" Sagot ni Jane na walang kaalam-alam.

Biglang nag iba yung expresyon sa mukha ni Kai na parang nag aalala habang iniisip kung ano pa ba ang posibleng mangyari, Kung maniniwala ba siya sa sinabi ni Ricky. Nalilito na siya.

Maya-Maya pa'y bumalik na si Miss Donna sa room kasama ang school nurse.

"Class, Andito na ang school nurse natin. Saan na yung nahimatay kanina?" Tugon niya.

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now