Chapter 15: The 13 Sinners

1K 73 89
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

Kai's POV

Ipinakita ko sa mga kaklase ko ang sobre at sinabi ko sa kanila ang lahat ng nangyari na nagdulot na pagkaalam ni Sharmaine sa mga nangyayari sa section namin pero di pa rin siya makapaniwala sa kanyang mga narinig.

"Seryoso ba kayo sa sinabi niyo na may Class Murderer?" Pakompirma niya.

Tumango lang naman kaming lahat sa kanya para umu-o, Pero nakapinta pa rin sa mukha niya ang pagtataka.

Binasa ko ang nakasulat na mga salita sa labas ng sobre.

"The 13 Sinners..."

Nagtaka naman silang lahat sa kanilang narinig na para bang nagtatanong sila kung ano ang ibig sabihin ng binasa ko.

"Ano ibig sabihin niyan?!" Pagtataray na tanong ni Sarah.

Nagkibit balikat lang ako at binuksan kung ano ang laman ng sobre. At dun' ko nakita ang labing tatlong larawan ng labing tatlong kaklase namin. "Ba't may larawan kayo dito?" Ipinakita ko sa kanila ang mga larawan.

Nagsitayuan silang lahat para tignan ng maigi ang larawan. Inilapag ko naman ang lahat ng larawan sa teacher's table.

"Ba't may larawan ako?" Pagtatakang tanong ni Sarah na nakapameywang pa.

"Pati ako?" Wika pa ni Rain.

"Anong ibig sabihin neto?" Naguguluhang tanong ni Ryle habang pinulot ang larawan niya na kanyang nakita.

"Baka mga lodi kayo ng Class Murderer, Kaya kinuha ang mga larawan niyo!" Pabirong sabi ni Cool at natatawa pa.

"Kasama din ang larawan ni Bea at Jordan oh!" Sambit ni Illie na tinuturo ang dalawang larawan. Pero ang pagkakaiba sa larawan ni Bea at Jordan ay ito ay may nakalagay na "X" sa kanilang mga larawan. "Ano ibig sabihin ng X?" Dagdag pa ni Illie na nagtataka.

"X? Alam ko yan!" Panimula ni Ara at nakuha niya ang atensyon naming lahat nagbabasakali na marinig namin ang sasabihin niya. "Siya yung umiwan sa akin! Diba X tawag nun?" Napatawa siya sa kanyang sinabi.

Napabuntong hininga ang lahat sa narinig nila pati ako. Ano ba yan? Akala ko kung ano na? Eh, X pala na Ex ang tinutukoy niya. Like talaga? Nasa piligro buhay nating lahat at maghuhugot pa? Iba din si Ara eh, Iba din!

"Guys tingnan niyo oh! May nakasulat sa likod ng larawan ni Bea!" Ipinakita ni Carlos sa amin ang nakasulat na mensahe sa likod ng larawan ni Bea.

"May tinatagong pagkakasala ang babaeng to', Kung gusto niyong malaman ay alamin niyo kay Jenny."

Nagtaka kaming lahat sa nakita namin na mensahe.

"Asan si Jenny?" Tanong ko sa kanila.

"Umabsent siya. Di daw siya makakapasok ngayong araw na ito dahil uuwi daw siya sa kanila." Sagot naman ni Rain.

"Pagkakasala?" Bulong ni Aya na narinig naman namin. "So, May nagawa din si Bea na pagkakasala?" Wika niya.

"Anong ibig mong sabihin, Aya?" Pagtatakang tanong ni Jessie.

"Yung video tungkol kay Jordan! Naaalala niyo pa ba yun? Nung sinabi ng Class Murderer na maghanda sa pag-amin sa ating mga mali! Siguro ito yung ibig-sabihin ng Class Murderer! Lahat ng merong larawan na nakalapag diyan sa mesa ay ang mga taong may nagawang kasalanan!" Paliwanag niya ng seryosohan.

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now