Chapter 042: Skinned

835 52 42
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

Jane's POV

Napasigaw nalang ako ng malakas sa aking nakita kay Andy. Ang mga binti niya ay humiwalay sa kanyang katawan at may nakatusok pa na isang malaking bakal sa pribado niya. Puro dugo ang nakikita ko sa sahig at kulang nalang para bahain ang buong kwarto ng dugo.

"You're next, Jane!" Sabi ng boses ng isang lalaki na nasa nakakakilabot na tono na may mga yapak pa ng mga paa ang naglakad palapit sa akin. At nung naaninagan na siya ng ilaw ay siya pala talaga.

"Anong ginawa mo kay, Andy?! Hayop ka! Mamatay tao ka!" Nalakasan ko bigla ang boses ko habang dumadaloy na pababa sa mga pisngi ko ang mga luhang kanina pa namumuo sa aking mga mata. "Hindi ka ba naawa sa kanya?!"

"Ba't naman kami maaawa? Eh bagay lang naman sa kanya na mangyari yun no! Duh!" This time, Ang babae na naman ang nagsalita. Grabe. Di rin ako makapaniwala na isa din siya sa mga gumagawa ng mga patayan sa class namin. Sobra ang pagtitiwala namin sa kanya, Pero papatayin lang niya pala kami isa-isa? Bakit ba nila ginagawa to?

"Grabe! Mga wala kayong mga pus-" Bago ko pa man matapos ang gusto kong sasabihin ay nagsalita muli ang babae.

"Talaga, Jane?" Pasarkastiko niya at tiningnan pa ako ng masama. "Kami nga ba ang walang puso? Oh, Ikaw? Baka nakakalimutan mo, May ginawa ka rin noon na masama? Nakakatawa naman." Agad naman akong kinilabutan sa kanyang sinabi. Bakit? May alam ba siya sa ginawa ko noon? Bakit alam niya?

Nagpupumiglas pa rin akong makawala sa pagkakagapos. Pero sobrang kapal ng lubid kaya kahit ano pang gawin ko para makaalis ay di ko magawa. Ayaw ko pang mamatay.

"Are you ready to die, Jane?" Ngumisi pa ng nakakaloko ang lalaking to. "Dahil kung handa ka na ay sisimulan ko na!" At agad nama ng may nilabas siyang isang gunting sa kanyang bulsa sa kanyang pants.

Yun rin ang ginamit niya sa pagtusok sa mata ni Jilly.

"Bakit niyo ba ginagawa to?" Hagulhol ko pa at tiningnan pa sila sa maluha luha ko pang mga mata. Ayoko pang mamatay. Di pa ako handang mamatay.

"Malalaman mo rin, Jane......." Wika pa ng babae na itinaas pa niya ang kanyang kilay na nakatingin sa akin at ngumisi pa. "Pag patay ka na...."

Nanindig ang balahibo ko sa kanyang panhuling sinabi at agad naman ako na patuloy sa aking paghagulhol ng malakas. At kahit gusto kong makawala sa pagkakagapos ko ay sumuko nalang ako sa pagpupumiglas dahil alam ko naman na kahit anong gawin ko para makawala sa lubid na nakatali sa katawan ko, ay di pa rin ako makawala. Siguro ito na talaga ang katapusan ko..

Lumapit naman ang lalaki palapit sa akin at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa na ngumingisi pa ng nakakalokong ngisi na hinaplos haplos pa niya ang kanyang chin.

"Well, Dahil, Maingay ka at alam mo na ang totoo. Siguro, Ang bagay na gawin sa'yo ay patahimikin sa pagsasalita." At itinuro pa niya ang gunting malapit sa akin. "And I just got the bright idea for that!" Agad niya naman hinawakan ang panga ko at pilit na pinabubuka yung bibig ko. Ano bang gagawin niya sa akin?

"P...Pl..ease... A...yo..ko.. pa..ng.. ma..ma..tay..." Pagmamakaawa ko pa na na linakasan pa niya ang paghawak sa panga ko hanggang sa ngumanga na ang bibig ko ng kusa dahil hindi ko na talaga siya mapigilan kahit ano pang gawin ko ngayon.

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now