Chapter 004: The Letter

1.7K 101 46
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

~~~
Halos mga dalawang araw na ang nakakalipas sa pagkamatay ni Bea ng Class 11P1 dahil sa isang Class Murderer na Classmate lang din nila pero di pa nila alam kung sino.

Kinaumagahan, Pagkatapos nung nakuha nilang lahat ang Mensahe ng Class Murderer ay agad na nag tipon-tipon lahat ng Class Officers ng 11P1 sa student's lounge para mag meeting tungkol sa nangyayari.

"Guys, Sa tingin niyo, Totoo kaya yung sinabi ng Class Murderer?" Pasimula ni Kier na ang Class Secretary. "Totoo ba kayang papatayin niya tayo isa-isa at Classmate lang natin siya?"

"Who knows? Siguro?" Di siguradong sagot ni Illie na isang Multimedia Officer. "Bakit Kier? Ba't mo natanong yan? Siguro ikaw yung Class Murderer no?" Sabay titig ng seryosohan kay Kier.

"Hindi ah!" Paglalaban ni Kier sa kanyang sarili habang winave niya ang kanyang dalawang kamay in front of him.

"Okay guys! Tama na yang pagtatalo niyo!" Patahan na sabi ni Ryle na ang Class Mayor. "Kaya nga tayo nandito para pag-usapan tong nangyayari sa atin, diba?"

"So, Ano na naman tong pag-uusapan natin? Ang pag-sikreto na naman sa message na natanggap nating lahat kagabi?" Sambit ni Annie na isang Class Auditor.

"Parang ganun na nga!" Sagot ni Rain na ang Class Vice Mayor. "Sana maintindihan niyo kung bakit natin isesecret lang sa ating class ang lahat ng nangyayari sa atin ngayon para di madumihan ang pangalan ng section natin!" Paliwanag niya ng masinsinan.

Nanahimik nalang si Annie at nakinig nalang sa sinabi ni Rain.

"So, Guys, Sabi nga nung Class Murderer ay classmate lang natin siya, So, Malalaman lang natin kung sino siya!" Wika ni Ryle na parang sigurado sa kanyang sinasabi.

"Gaano ka kasigurado?" Tanong ni Ara na isa ding Class Auditor. "Sure kaya ka na makilala lang natin siya ng ganun kadali?"

"Oo nga! Sa dami dami ng tao sa room natin, It could be anyone!" Wika ni Jaymee na isang Class Treasurer. "So, Kailangan nalang ba natin pagbintangan lahat?" Dagdag niya pa sabay ayos sa kanyang glasses.

"I know it's bad to blame innocent people, But as long as we know na isa sa mga classmates natin o isa sa ating mga officers ay ang Class Murderer, I think na mas maigi pa na di muna tayo lahat magtiwala ni isa sa ating Class!" Paliwanag ni Ryle na may pagka seryoso sabay tingin sa ibang mga Officers.

Nanahimik lang sila at nagsitinginan sa bawa't isa maliban kay Kai na isa ding Multimedia Officer.

"Okay ka lang ba, Kai?" Tanong ni Illie na medyong nag alala habang hinawakan niya ang kanang balikat nito. "Parang ang lalim ng iniisip mo ah!"

Earth to Space at bigla nang bumalik si Kai sa kanyang lalim na pag-iisip at namalayan nalang niya na tinitigan siya ng ibang officers na parang nag-alala na sa kanya.

"O-Okay lang ako..." Paputol na sagot niya habang pinipilit na ngumiti ang kanyang mga labi. "It's just that... Naalala ko lang si Bea... Officer din siya katulad natin, Pero in the blink of an eye ay wala na siya... Miss ko na yung mga biruan niya sa atin, Yung mga pambubully niya sa akin na nakakainis na, Miss ko na rin yun. Sana... Di nalang siya nawala..." Wika niya na unti unti nang tumutulo ang kanyang mga luha. "Alam kong it could be anyone sa Class natin yung Class Murderer at pwede rin na maging ako yun, Pero alam ko sa sarili ko na inosente ako at hindi ako yung Class Murderer. Kaya nga, Sa ngayon, Gagawin ko lahat ng makakaya ko mahanap lang yung Class Murderer na isa sa mga classmate natin! Ayaw kong may mamatay ulit ni isa sa atin.." Paliwanag niya na hindi nalang namalayan na umiiyak na pala talaga siya.

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now