Chapter 050: Fiery Revelations

844 42 6
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

Kai's POV

Mabait. Mapagmahal. Maaruga. Matulungin. Mapagpasensiya at siya rin ang tinuturing pangalawang ina namin sa aming class. Napakagenerous ni Miss Aede sa aming lahat. Gusto niya lahat fair para sa amin at ayaw niya na mabagsak kaming lahat sa mga exams namin. Siya din yung motivator ng bawat isa sa amin at siya din yung taong mapagsabihan namin sa aming mga problema. 

Hindi ako makapaniwala na ang isa sa mga taong gumagawa ng patayan sa class namin ay ang taong sobrang pinagkatitiwalaan namin at yung tao pa na tinuturing siya bilang pangalawang ina sa bawat isa sa amin. Pero bakit?

"Miss Aede?" Hindi makapaniwalang bigkas ni Rain sa kay Miss Aede na abot tenga pa ang ngisi yang nakakaloko.

"Surprised?" She chuckled a bit. 

"I-Isa ka sa mga gumagawa ng patayan sa class namin?" Kunot noong pagtataka pa ni Ryle na nagkakandautal pa dahil sa panginginig ng boses niya.

"More like, Ako yung may pasimuno sa lahat." Sabi pa niya na agad namang humalukipkip at taas kilay na tiningnan niya kami. 

Wala sa sarili ko lang na tinignan siya dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap ang mga brutal na patayan na nakita ko kanina. Oo, Nakayuko lang ang ulo ko kanina pero minsan ay pasulyap ko pa rin na tinitigan ang mga nangyari. 

Gusto ko nga sanang sumigaw dahil sa takot sa mga nakita ko pero pinilit kong magpakatatag nalang at hinayaang tignan ang buong nangyayari. Hindi ko rin silang magawa na tulungan dahil nakatali pa rin ako sa lubid at alam ko na kahit ano pang pagpupumiglas ang gagawin ko ay hindi pa rin ako makakawala dahil sa sobrang higpit ng pagkakatali sa buong katawan ko. 

"Bakit Claire-" Napahinto si Rain sa kanyang gustong sabihin nang ilabas ni Miss Aede ang ID niya mula sa bulsa ng hoodie na suot niya at ipinakita ito sa amin. Binasa naman namin ang nakasulat na pangalan sa kanyang ID. 

CLAIRE AEDE G. VERNALES

The four of us gasped together in surprised as we read the full name that is written on Miss Aede's Identification Card. 

Ngayon ko lang napagtanto kung bakit medyo pamilyar sa akin ang pangalan na Claire dahil one time ay sinabi sa amin noon ang buong pangalan ni Miss Aede nung nagpakilala siya sa amin sa harapan sa class. I was so blind that the one who's doing all of the killings in our class is right in front of us. Bakit ngayon ko pa narealize yun?

Agad naman niyang ibinalik sa bulsa ng kanyang hoodie ang kanyang ID at muli kaming tinignan. Para na siyang hindi yung dating Miss Aede na kilala ko na may maamo at inosenteng mukha. Dahil ngayon, Kaharap ko na siya na nagngingitngit ang mga mata niya na sobrang sama na makatitig at ngumisi pa ng masama. Para na siyang isang demonyo.

"Well, Who would have thought na sa labingdalawang sinners ay dalawa nalang ang nabubuhay at nakaabot sa panghuling stage ng laro? I must say. Congrats sa inyong dalawa Rain at Ryle dahil sa lahat ng napagdaanan niyo ay long live pa rin kayong dalawa." Pumalakpak naman siya na parang may celebration ang nagaganap dahil sa malakas na pagtawa niya.

Napakunot noo naman ako sa kanyang sinabi. Labingdalawang sinners? Sa pagkakaalala ko eh labingtatlong sinners yun at hindi labindalawa. Bakit nawala yung isa? Ano ba ibig sabihin niya? 

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now