Chapter 039: AZ126

668 53 108
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

Kai's POV

"At ano naman yan?!" Rinig kong tanong ni Sarah na nasa pagtataray na tono habang isinusulat ko sa board ang codes na nakasulat sa red notebook ni Jordan.

"Clue 'to!" Turan ko pa na napalingon pa ako sa kanilang lahat sabay pakita sa kanilang lahat ang pahina ng notebook kung saan nakasulat ang mga number codes.

"Wait..." Napatingin naman ako kay Ricky. "Sa pagkakaalala ko, Kay Jordan ang notebook na yan, diba? Yan yung palagi niyang ginagamit sa t'wing nagdadrawing siya at nagsusulat ng kanyang mga letterings. Bakit yan nasa 'yo?" Pagkasabi na pagkasabi ni Ricky nun na napakunot pa ang kanyang noo dahil siguro sa pagtataka ay tumingin silang lahat sa akin.

"Napulot ko 'to sa daan noong araw na papunta ako dito upang isolve natin yung riddle of death." Panimula ko pa. "Hindi ko nasabi sa inyo na may mga clues ako para magpapatunay kung sino ang totoong Class Murderer. At itong notebook na 'to ni Jordan ay kasali sa mga clues." Paliwanag ko.

"Teka! Teka! Ano naman ang kinalaman sa notebook niya?! Ha?!" Tanong pa ni Cool na pinabagsak ang kanyang tono sa kanyang pagsasalita at tiningnan na naman ako ng masama.

Kahit naiinis man ako sa kanya dahil sa ginawang pagtulak niya sa akin kanina at nasugatan pa yung braso ko ay kinalma ko naman ang sarili ko at sinagot lang siya ng maayos.

"Dahil dito." At binuksan ko naman ang final page ng notebook at ipinakita sa kanilang lahat ang mensaheng nakasulat sa huling pahina ng notebook at nagsilapitan naman silang lahat para basahin ang nakasulat na mensahe.

"303

Ang numerong nakasulat ay magpapalapit sayo sa mga class murderers." Napatingin sa akin si Sharmaine habang iniisa isa niyang basahin ang bawat salitang nakasulat.

"Anong 303? At mga Class Murderers?" Napakunot nalang siya bigla at nakaguhit sa kanyang mukha ang pagtataka dahil sa kanyang nabasa. Alam ko rin ang feeling sa una kong pagbabasa ng mensahe na yun. Nagtaka din ako at napakunot ang aking noo dahil hindi ko magets lahat. Pero alam ko naman na may mga meaning ang mga clues na ito eh, Kaya malalaman ko rin sa susunod kung ano ang ibig sabihin nito.

"Hindi ko pa rin alam kung ano ang ibig sabihin ng numbers na 303, Pero ang tanging alam ko lang ay hindi nag-iisa ang Class Murderer."

"You mean, Marami sila?"

"Who knows? Siguro?"

Napakibit balikat lang ako sa tanong ni Sharmaine dahil kahit ako mismo hindi alam ang mga kasagutan sa tanong niya, Dahil ni isang ideya ay wala ako.

"I don't believe you, Kai!" Nabigla nalang ako ng inilapag ng malakas ni Sarah ang notebook sa teacher's table. "For me, You're still my suspect, And that won't change! Ikaw ang pumatay sa mga kaklase natin!" Dagdag pa ni Sarah na inirapan pa ako at hinalukipkip pa niya ang kanyang mga kamay sabay upo sa kanyang upuan pabalik.

"Oo nga Kai!" Sumambit pa si Cool at agad akong nilapitan. "Paano ba namin makakapagtiwalaan ang isang mamamatay tao?! Gago lang ang maloloko mo, Hindi kami!" Ngumisi pa siya pagkakasabi nun pero ako nalang ang lumayo sa kanya at hindi nalang din siya pinansin at ibinalik ko nalang ang aking tingin sa code na isinulat ko kanina sa board.

Nagsibalikan din sa kaniya-kaniyang mga upuan ang mga kaklase ko upang makinig sa aking sasabihin sa kanila, Pero meron namang iba na walang pakialam kaya nandiyan nalang sa kanila kung makikinig sila o hindi.

Agad namang tumayo sa tabi ko si Carlos na dala dala pa yung marker na ginamit ko para ipansulat sa white board namin.

"Si Carlos nalang ang mag explain sa ating lahat kung ano ang ibig sabihin ng number code na ito guys." At agad naman akong umupo pabalik sa aking upuan.

"Guys kung alam niyo ang alphabet ay malalaman niyo na ang sagot sa code na ito." Panimula pa niya. Kung andito lang si Jane, Malamang nasolve na rin niya ang code, Pero wala siya dito ngayon kaya sayang naman. Absent kaya siya?

"3-12-1-9-18-5
9-19
20-8-5
11-9-12-12-5-18. Kung titignan niyong mabuti, Ang mga numbers na ito ay parang normal lang, Pero sa totoo lang, Hindi to normal dahil may nakatagong mensahe sa bawat arrangement ng mga numbers nato. So, para madali ako sa explanation, Ang code na ito ay tinatawag na AZ126 Code or alphanumeric substitution in simplier terms."

Habang nag-eexplain si Carlos sa harapan ay napanganga nalang ako sa amazement dahil hindi ako makapaniwala kung paano niya nalaman yun. Akala ko si Jane lang ang hilig magsolve at magcipher ng mga codes, Pero pati pala si Carlos? Amazing lang dahil ngayon ko pa narealize. Kaya nakinig nalang ako ng mabuti sa kanyang mga sinabi.

"Sa mga walang alam kung ano ang AZ126 Code. Ito ay yung sequence of numbers from 1 up until 26. And if you still don't get it, Well, In the alphabet. Nag consist siya ng 26 letters overall in total kaya kung anong number from 1-26 ang nakalagay sa code ay yun din yung letter na ilalagay niyo. At malalaman niyo rin kung ano na ang ibig sabihin ng mensahe na nakatago sa mga numero."

Pagkatapos niyang ipaliwanag sa amin ang ibig sabihin ng code na yun ay kanya kanya ding kumuha ng mga papel at ballpen ang mga kaklase ko pati ako para buo-in ang hidden message na yun.

"3 is for letter C." Habang sinusulat ko pa lahat ng letters sa alphabet at binibilang pa ito.

At nabuo ko naman ng sakto ang code at nakita ko ang isang mensahe na nagpakilabot sa akin na tumindig pa yung balahibo ko. Unti unti ko namang binasa ang mensahe.

"Claire
Is
The
Killer"

Ang nakalagay na mensahe. Pero pinagtataka ko lang....

Who is Claire?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hahaha short update lang muna for now! Hope you enjoy reading this, Thanks.

P.S.

    -If you happen to enjoy, love, like, or even excited in this part. Please leave a vote by clicking the ✩ button and also share your thoughts in the comments section below. Have a good day/night my cheers!
             
                         -Hikari ♡

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now