Chapter 007: Confession

1.3K 85 25
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

~~
Jordan's POV

Ilang saglit lang ay kinuha ng nakamaskarang Class Murderer ang gallon na may gas na iniwan niya sa sahig sa harapan ko, Binuksan niya ito at ibinuhos sa aking katawan, Mula ulo hanggang paa, Basta, Sa buong katawan ko ibinuhos niya at nagbuhos din siya ng kunti sa sahig. Pinalibot niya ang pagbuhos ng gas sa akin ng pabilog. Mukha alam ko na talagang gustong gawin niya. Susunogin niya ako?

"Oh yan! At nakaligo ka na din!" Pabirong wika niya at lumakad pabalik sa mesa at tumayo katabi nito. "Ngayon, Aminin mo na ang salang nagawa mo noon bago ka dalhin sa impyerno ng mga magbabagang apoy mamaya!" Dagdag pa niya na nagdulot ng sobrang pagkainis ko.

"Sunogin mo nalang ako! Gago ka!" Sigaw ko sa kanya na sobrang galit na galit. "Wala akong aaminin na kahit ano sayo!" Dagdag ko pa na napatingin ang mga mata ko sa sahig na para bang may gusto akong lubayan.

"Ahh, Kung ayaw mong sabihin, Edi ihanda mo na sarili mo dahil sa mga sandaling ito ay pupunta ka na sa impyerno kasama ang mga nagbabagang apoy!" Sambit pa niya na parang nananakot sa akin habang kumuha siya ng posporo sa bulsa ng kanyang pantalon sa ilalim ng maitim na tela na suot niya. "Uulitin ko, Aamin mo ba ang sala na nagawa mo? O hindi?"

Hindi ako nakasagot sa tanong niya at patuloy na tumingin lang sa sahig. Bahala na kung ano mangyari sakin, Bahala na kung susunogin pa niya ako, Basta kung sa impyerno man ako ilagay, Edi sa impyerno! Paki ko?

"Ahh kung ayaw mo, Edi simulan na natin ang pag Video sayo kung paano ka mamatay!" Sabi niya na sabay pa nito ay tumawa siya ng malakas na parang demonyo talaga na tawa at kita ko na sinimulan niya ng mag-video sa akin.

"Sinimulan ko ng mag-record ng video sa'yo! Tutal, Hindi mo naman aaminin ang nagawa mong pagkakasala, So, wag na nating ipatagal pa ang palabas!" Dagdag pa niya sabay kuha ng isang stick ng posporo at hinanda niya ng sindihan ito.

Natatakot ako ngayon, Sa totoo lang. Pero wala na talaga akong paki. Nagsimula na akong pagpawisan sa takot at kaba at tumulo na ang mga ito sa sahig.

~~"Kahit isakripisyo ko pa yung buhay ko, Basta di ako susuko, Maalam ko lang kung sino ang Class Murderer!"~~

Naalala ko bigla yung sinabi ni Kai na lulutusin niya ang lahat ng ito, Hindi man matibay pinagsasabi niya dahil alam kong baka sa mga oras na ito, Ay siya na ang isusunod sa gagong class murderer na to, Pero may tiwala ako sa kanya na kaya niya talagang lutasin lahat ng ito hangga't maaga pa!

Sisindihan na dapat niya ang posporong hawak niya pero pinigilan ko siya. "Teka!!" Sigaw ko na inangat ang ulo ko sa pagkakayuko sabay tingin sa kanya. "Wag mo munang ituloy kung ano man ang gagawin mo!" Dagdag ko pa na naiinis nang tiningnan ko ang maskara niya.

"Ayan! Sasabihin mo na sala mo? Yan gusto ko! Sige! Patuloy mo!" Nakuha pa niyang mang-asar sa akin habang nilagay ang posporo sa ibabaw ng mesa.

Kahit takot at kaba man ang naghahari sa kalooban ko ay hindi ko pinansin ito at tumingin nalang ako sa Video Camera ng taas noo at nagsimula ng magsalita. Kahit nahihirapan ako dahil sa nakatali ang kamay at paa ko ay nagsalita na ako. Aaminin ko na ang lahat...

"Sa lahat ng makakapanood sa videong ito, Sana ay wag kayong mandiri sa akin... May aaminin ako sa inyo... May nagawa akong hindi tama, Nagkasala ako."

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now