Chapter 038: Hidden Message

756 53 91
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

Kai's POV

Nabalitaan ko kung ano ang nangyari sa classroom namin nung unang araw pero wala ako doon kasi nilagnat ako sa mga araw na yun kaya buong araw lang ako nakatambay sa Dorm Room ko kasama si Sharmaine na siyang nag-aalaga sa akin.

Nabalitaan din naming lahat ang nangyari kay Jilly na sobra naming ipinagdadalamhati. May nakapansin kasi na isang estudyante na bukas yung pinto ng dorm room niya kaya sinilip niya sa loob at nakita niya dun sa tapat ng pintoan na nakahandusay ang katawan ni Jilly na dumudugo yung isa niyang mata na parang tinusok ng kung anong matulis na bagay. At dun din namin nalaman ay patay na pala siya.

Hindi ko namalayan na ang dami palang nangyari nung mga nakalipas na araw at wala naman akong kaalam alam dahil sa lagnat ko.

Pagkatapos kong ihanda lahat ng mga dadalhin ko sa school at pati ako nakabihis na din sa uniform ko ay kinuha ko lahat ng clues na itinago ko sa ilalim ng aking kama at inilapag sa itaas ng study table ko.

"Talagang wala akong magets sa mga ibig sabihin ng mga clues na nakita ko." Bulong ko sa aking sarili na binuksan ko pa ang pulang notebook ni Jordan.

Ngayon ko lang narealize na sobrang dami pala ng drawings at mga lettering niya dito sa kanyang notebook. Pero may napansin akong kakaiba sa isang pahina sa kanyang notebook maliban sa last page kung saan nakalagay ang numbers na 303.

Sa isang pahina ng notebook niya ay may mga numbers na nakalagay na hindi ko pa napansin noon nung binuksan ko ito pero sure ako na handwriting pa rin ito ni Jordan.

3-12-1-9-18-5
9-19
20-8-5
11-9-12-12-5-18

Yan ang mga numbers na nakita ko sa isang pahina. Ang weird nga eh dahil parang may format yung pagkakaplastado ng mga numbers na nakalagay. Ano kaya ibig sabihin nito?

Titingnan ko pa sana ng mabuti ang mga numbers pero narealize ko na ay late na naman pala ako kaya agad kong ipinasok sa bag ko ang red notebook at ibinalik sa pagtago ang mga ibang clues sa ilalim ng aking kama.

Nagmamadali naman akong lumabas ng dorm at nilock ito. Agad naman akong nagtatakbo palabas ng dorm building namin dahil 5 minutes nalang bago ang first period ng klase namin.

Late na ako! Late na ako! Ang tanging iniisip ko sa aking ulo ngayon habang ako'y takbo pa rin ng takbo pero bigla nalang akong napatigil nung napagtanto ko na english yung first period namin ngayon.

"Wala pa palang substitute teacher namin para sa English at Research subject namin ngayon."

Tumigil ako sa pagtatakbo at ipinatong ang mga kamay ko sa aking tuhod dahil hinahabol ko pa ang hininga ko. Higit na isang buwan na pala ang nakakalipas mula nung namatay si Miss Donna, Ang teacher namin sa English at Research. Pero sabi naman ni Miss Aede na may substitute teacher naman daw na dadating pero hanggang ngayon ay wala pa ring nagpapakita. Siguro natatakot na ang iba pang mga teachers na magturo sa section namin dahil sa mga nangyayari.

Pagkarating ko sa classroom namin ay pinagtitinginan na naman ako ng masama nila Sarah at Cool kasama ang mga grupo nila. Pero binalewala ko nalang sila at tumungo nalang sa aking upuan.

Nakita ko na si Sharmaine na nakaupo na sa kanyang upuan at inilapag ko na rin ang bag ko sa aking upuan.

"Wala pa ba sila?" Tanong ko kay Sharmaine ng napansin kong wala pa sina Andy at Jane sa kanilang mga upuan.

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now