Chapter 030: Poisoned

813 62 81
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

Rain's POV

Pagpasok namin ni Ryle sa classroom ay nagkakagulo na naman ang mga kaklase namin na para bang natataranta at nagpapanic sila.

"Ano na naman ba ang nangyari dito?!" Pagtatakang tanong ni Ryle at agad kaming lumapit sa mga kaklase naming nagkakagulo.

"M-Mayor si Renz!" Ika ni Art na nagkakandautal pa.

Pagkarinig ko sa pangalan ni Renz ay kumaba ng malakas ang puso ko at agad ko silang pinatabi para tignan siya. At nung nakatabi na lahat ng mga kaklase ko ay nakita ko si Renz na nanginginig na nakahiga sa sahig at bumubola pa yung bibig niya.

"Renz! Renz!" Sigaw ko sa pangalan niya at agad ko siyang nilapitan. "Renz! Anong nangyayari sayo?!" Maluha luha ko pang sambit dahil kitang kita ko na parang nawawala na yung itim ng kanyang mga mata at puro puti nalang ang nasa mata niya. Para siyang sinapian ng isang masamang espirito dahil nanginginig pa siya, Pero nung nakita ko ang hawak hawak ng kanyang kanang kamay ay alam ko na agad ang nangyari.

"Guys! Tumawag kayo ng teachers! Bilis!" Rinig kong utos pa ni Ryle sa mga kaklase namin at agad namang nagtatakbuhan ang iba naming mga kaklase palabas ng room para pumunta ng faculty.

"Allergic si Renz ng Orange Juice!" Pahayag ko pa at kinuha ang box ng orange juice na hawak hawak niya sa kanyang kanang kamay.

"So, Ibig mong sabihin nagkakaganyan si Renz sa tuwing umiinom siya ng Orange Juice?" Paninigurado pa ni Aya.

"M-Minsan... Pero hindi naman ganito kalala pag nakainom siya ng Orange Juice eh." Paliwanag ko pa na lumalabas na ang mga luha sa aking mga mata. Kilala ko si Renz, Hindi pa siya nagkakaganito noon. Hindi ganito ang allergy niya sa Orange Juice, Nangangati lang buong katawan niya at hindi ganito na bumubula pa. Sadyang wala na talaga akong kaalam alam kung anong nangyari at bakit nagkaganito!

"Guys! Andito na si Nurse Yolei!" Bungad pa ni Art na hingal na hingal pa pagpasok sa classroom at agad namang rumesponde si Nurse Yolei at dali-dali pumunta kay Renz para icheck siya.

"Nurse Yolei, Okay lang po ba siya?" Pagkakataranta ko pa. Ayaw kong mawala si Renz, Mahal ko siya...

Kita namin na tumayo na si Nurse Yolei na nakayuko pa ang ulo na para bang maglalahad siya sa amin ng bad news.

"Sorry to hear this guys..." Agad akong kinabahan sa sinabi niya at tiningnan niya kami ng may malungkot na ekspresyon sa kanyang mukha at gaya nga ng inisip ko. Maglalahad nga siya ng bad news.

"Patay na si Renz..."

Class Murderer's POV

Hahaha! Buti lang kay Renz at patay na siya! Tatanga tanga kasi at alam niya na allergic siya sa Orange Juice pero ininom pa rin haha bobo talaga si Renz!

Sadyang sinadya ko talaga na ibigay yung Juice dahil dare namin yun sa kanya.

Pero, Hindi lang yun pangkaraniwang Orange Juice, May twist yun haha! Linagyan ko kasi yun ng ethyl alcohol para mas astig kung makakaya ba niya, Pero hindi na niya nakaya eh tsk tsk. Kawawa naman niya at patay na siya. Iniwan niya na ang pinakamamahal niyang si Rain hahaha.

"Merong naglagay ng lason sa juice ni Renz!" Rinig kong pahayag ni Nurse Yolei. Paano niya nalaman? Pakialamera rin pala tong Nurse na ito! Putcha!

"Huh? P-Paano niyo po nalaman, Nurse Yolei?" Pagtataka pa ni Art na nagkakandautal pa.

"Sobra na kasi ang lumalabas na bola sa kanyang bibig which is hindi normal." Paliwanag pa ng Nurse namin na pakialamera!

"P-Pero sino naman ang gagawa nito kay Renz?..." Habang kitang kita ko maiyak iyak pang nagdadrama si Rain na lumuhod pa sa sahig. "Ano ba ang naging kasalanan ni Renz at siya pa ang nilason? Huhuhu..."

Ang drama ng babaeng to! Tang'na!

"Okay lang yan, Rain..." Pagpapakalma pa ni Ara na hinihimas himas pa ang likod ni Rain. Sobrang OA!

"Ang dami nang namatay sa class niyo." Naging wika ni Nurse Yolei. Siguro alam na ng ibang mga teachers ang sikreto ng class na ito na marami na ang namamatay pero hindi pa nila alam na ako yung pumapatay haha!

Agad namang pumasok si Miss Aede na sobrang hingal na hingal pa at nilapitan kaming lahat.

"Ano na naman ba ito?!" Sambit pa niya sa amin na naluluha pa. "May namatay na naman ba?!"

"Parang ganun na nga, Miss Aede." Sagot ni Nurse Yolei na lumapit pa kay Miss Aede. "Nalason yung isa niyong estudyanteng, Renz ang pangalan, Miss!"

Ngumisi lang ako ng patago habang tinitignan si Miss Aede na namomobrelema.

"Buti lang yan sa inyo... Haha!"

Third Person's POV

Napaupo nalang ang kanilang guro sa isa sa mga upuan na hinimas himas pa nito ang kanyang noo ng pabalik balik.

"Class, Hanggang kailan pa ba to matatapos?" Tanong pa ng kanilang guro na unti unti ng lumalabas ang luha sa kanyang mga mata. "Ako yung nahihirapan nung nalaman ko sa Mayor at Vice Mayor niyo na may isang pumapatay dito sa klase niyo at ang masaklap pa... Hindi ko pa nalaman na marami na palang namatay ninyo na mga kaklase pero pilit niyo pa ring sinekreto." Suhestiyon ng guro habang tinignan pa niya ang kanyang mga estudyante na may pag alala na ekspresyon sa kanyang mukha.

"Sorry na po, Miss.." Wika pa ng kanilang Mayor na si Ryle na yinuko pa ang kanyang ulo.

"Hindi niyo ba alam na pati ako mapapahamak sa mga sikreto sikreto niyo dahil ako ang adviser ng class na ito? Sana'y sinabi niyo nalang dapat sa'kin ang mga nangyayari dito noon pa!" Pahayag pa ng guro na tuluyan na talagang umiyak at tinakpan nalang niya ang kanyang mga mata gamit ang kamay niya.

"Miss, Tahan na po. Hindi lang nakaya ng mga bata ang mga pangyayari, Kaya siguro ganun." Pagpapakalma pa ni Nurse Yolei na hinimas pa ang likod ni Miss Aede.

Tanging katahimikan lang ang naghahari sa loob ng classroom at agad namang bumalik ang mga estudyante sa kanya kanya nilang mga upuan habang umiiyak pa rin ang guro nila.

Maya-Maya pa'y bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang estudyante na sina Kai at Sharmaine.

"A-Anong nangyari?"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

May nakakamiss ba kay Kai? Hahaha anyways, Sana'y nag enjoy kayo sa short UD ko hehehe. May sakit pa po ako ngayon kaya di ako makapagtype ng sakto. Sorry po hehehe. Anyways, Hope you enjoy this chappy :).

P.S.
    Before you leave this chapter, If you happen to like, love, and enjoy this chappy, Please click the ✩ button to vote to support the author. And please leave your comments to let the author know what you're thinking about this. Thanks :).
        
                          -Hikari ♡

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now